Chapter Five:

120 16 4
                                    

      Better never to have met you in my dream than to wake and reach for hands that are not there.

– Otomo No Yakamochi



  You're my first deep wound



Pinunasan ni Bella ang kanyang mga luha tsaka bumaba ng stage, alam nyang nasa kanya ang lahat ng atensyon ng mga estudyante at mga guro doon.

Isinawalang-bahala nya iyon at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating nya ang pasilyo. Walang tao doon kaya ipinagpatuloy nya ang pag-iyak.

"You love him? " Nagulat sya ng biglang may magsalitang lalaki sa kanyang harapan. Tumingala sya upang makita ang hitsura nito. "Sino ka?" Tanong nya tsaka umayos sa kanyang inuupuan. Tumabi naman ang lalaki sa kanya sabay iniabot nito ang isang puting panyo. "Use that.. I hate seeing someone cries-especially girls" may tono ng pagkasinseridad ang tono niya,kaya naman napilitan si Bella na kunin ang iniaaalok nitong panyo.

"Salamat..." nahihiya nyang tugon.

Gwapo din naman ang lalaki, at mukhang unang beses nya itong makita sa campus.

"Teka, para saan yung tanong mo kanina?" Tanong ni Bella nang muling maalala ang sinaad kanina ng lalaki.

"C'mon admit it, mahal mo siya"

"Sino?? " naguguluhang tanong nya tsaka bahagyang humarap sa binata.

"Si Daniel..." kumunot ang noo nya sa narinig. Pano nya naman iyon nasabi? Isa pa pano nya iyon nalaman?

"What?? Anong pinagsasabi mo?"

"Oh, I'm sorry I have to go. Tyron Guevarra by the way. Kung gusto mo syang makausap, bakit di mo puntahan. Nandun sya ngayon sa SSG office sa 4th floor ng admin building"  pagpapaalam nya tsaka ngumti.

Bakit parang napakadami nyang alam?
Sino yung lalaking iyon?

Bumuntong-hininga sya, naisip nya ang sinabi ni Tyron. Mahal ko na nga ba sya? Tanong nya sa kanyang sarili.
Hindi nya alam kung pupuntahan nya ba ito para humingi ng tawad o hahayaan na lang.

"Bahala na nga... what's meant to happen will happen" wika nya tsaka tumayo at tinahak ang daan papuntang admin building.

"Excuse me, nandyan po ba si Daniel sa loob?" Tanong nya sa babaeng nakatayo malapit sa pintuan ng SSG office. Kinakabahan sya at hindi nya alam ang sasabihin kung sakaling magkita sila nitong muli. "O yeah nandyan sya, si mr. President kaso mainit yung ulo nya" pabulong nya itong sinabi kay Bella.

"Pero sige pasok ka baka ikaw yung makapagpalamig ng ulo nya" dagdag nya tapos ngumiti. "Sige salamat"

Nasa harap na sya ngayon ng pintuan, hawak nya ang doorknob. Huminga sya ng malalim bago ito tuluyang binuksan.

"I'll fvvking kill you!!"

What the heck are they doing?

Bumungad sa kanya ang dalawang kalalakihang naghahabulan at isa don si Daniel. Ang isa naman ay hindi nya kilala pero sa unang tingin pa lang ay masasabi nyang gwapo iyon.

"Give me back my boxer!!" Sigaw ni Daniel habang hinahabol ang lalaking may hawak ng kanyang boxer. Mayroon namang dalawa pang babae ang nagtatawanan habang pinapanood ang kabaliwan ng dalawa.

Boxer?? Yuckss.. so disgusting!

"Bakit ka ba kasi nagdadala ng boxer sa bag mo... " kantyaw nito habang nakatayo sa itaas ng lamesa.

In Love with my Nightmare [UNDER RECONSTRUCTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon