Chapter 21:

127 15 2
                                    


"He was so perfect in every way and I love him dearly, but towards the end things became so toxic. We no longer had the passion, respect, and the abundant love we once shared."

                                                                                                          -ANONYMOUS



KUMAKARIPAS sa pagtakbo si Bella nang maaninag ang kanyang ina sa bintana mula sa labas.


 "Mom, I miss you so much." maluha-luha nyang saad habang yakap-yakap ang kanyang ina. After five years sa wakas ay nagkita rin silang muli. 

 "Ang laki-laki na ng baby ko ah." tugon ng kanyang ina tsaka sya hinalikan sa pisngi. Halos ayaw ng kalasin ni Bella ang pagkakayakap nya rito.


 "Here po ate o, you can wipe away your tears." 

 Napabaling sya sa batang lalaking kumalabit sa kanya. "Aww... Thank you baby hah, ang ganda naman ng panyo mo..." 

 Umupo sya upang tapatan iyon. Napakagwapo ng bata, mula sa mga singkit nitong mga mata, matangos na ilong at makurbang labi. Unang-una nya ring napansin ang kaputian nito . 


 "What's your name again baby?" tanong nya rito. 

 "I'm Drake Brix Monteallegre, but you can call me Brix po." dire-diretso nitong sagot. 

 "Halika nga dito..." tuwang-tuwang sambit ni Bella tsaka binuhat si Brix.

"Buti naman po at nakauwi kayo ma," wika nya habang nilalaro ang bata.

 "Aba syempre naman, palalampasin ko ba naman ang isa sa mga pinakaespesyal na araw sa buhay mo." sagot nito tsaka nagpameywang. 

 "Matagal na rin naman kasi kitang pinipilit na doon na lang tumira sa Korea, kaso eto ayaw mo naman." dagdag pa nito . 

 "Ma, napag-usapan na natin 'to diba? Ayoko po doon... Nga pala ma, nagkausap na ba kayo ni Papa?" bigla nyang naitanong rito.

 Biglang nagseryoso ang mukha ng kanyang ina. "Naku, huwag mo na ngang matanong-tanong yan. Mabuti pa matulog ka na at maaga pa magsisimula ang Graduation mo bukas." pag-iiba nito sa usapan. 

 Bumuntong-hininga na lamang sya tsaka tinungo ang kanyang kwarto. "Baby Brix, gusto mo matulog sa kwarto ni ate?" tanong nito sa bata.

 "Kayo po. Kung ok lang sa inyo." 

 Kumunot ang noo ni Bella. Nakakabilib naman 'tong batang 'to ang husay sumagot.




"ATE, ATE!" 


 Unti-unting iminulat ni Bella ang kanyang mga mata. Pano ba nama'y niyuyugyog sya ni Brix. Doon nya lang din napansing umaga na pala. 

 "B-bakit?" tanong nya rito tsaka nag-unat ng kamay. Biglang tumakbo si Brix at tumapat sa sketch na pagmumukha ni Daniel.

 "Sino po sya?" 

 Bakit ba ganto 'tong batang 'to? Napakaweird!

"Hay naku baby, crush yan ni ate." tugon nya rito tsaka ngumiti.

In Love with my Nightmare [UNDER RECONSTRUCTION]Where stories live. Discover now