Chapter Two:

254 27 1
                                    

ILWMN
Story by Vamphyung
Painting of Lies



"The hardest part of dreaming about someone you love is having to wake up."
                             – Anonymous


  

KABADONG hinarap ni Bella ang mga estudyanteng nagsisitakbuhan palapit sa kinaroroonan nya. Hindi nya mawari kung anong gagawin, sa isip nito'y lagot sya pag nahuli sya. Sa wakas ay nahimasamasan sya at dali daling tumakbo, hindi nya na inisip pa ang direksyong tatahakin nya ang mahalaga'y matakasan nya ang umpukan ng mga estudyante.


Bakit ba nagpauto ang mga 'to dahil lang sa date na 'yun?

Narating nya ang isang bakanteng building, tumingala sya at kusang gumuhit ang isang matamis na ngiti mula sa kanyang labi. Umakyat sya sa hagdan hanggang sa marating ang pinakatuktok ng gusali. Iniligid nya ang kanyang tingin at napatawa nang makita ang mga estudyanteng nagkakandarapang mahuli sya.

Huminga sya ng malalim at umupo, isinandal nya ang kanyang likuran sa isang posteng nakatayo roon.Safe at last!

Ipinikit nya ang kanyang mga mata upang umidlip, napagdesisyunan nyang lumiban muna dahil unang araw pa lang naman ng klase.Dinama nya ang tahimik at payapang kapaligiran. Tanging huni lamang ng mga ibon at ang katamtamang pag ihip ng hangin ang bumabaybay sa kanyang tenga. Ramdam nya ang hagod ng hangin sa kanyang likuran at ang paghaplos ng mga nagliliparang mga dahon.

Inilapag nya ang kanyang bag at humiga roon, ginawa nyang unan ang malambot nyang bag. Ilang minuto lang ang nakalipas hanggang sa tuluyan syang makatulog.



Zzzzzz Zzzzzzzz Zzzzzzzzz Zzzzzzz



"Hey, wake up."


Napakurap kurap ng mata ang dalaga, nang idilat nya ito'y muli rin nya itong ipinikit dahil hindi pa sapat ang kanyang pagidlip at ayaw na ayaw nya talagang naiistorbo sa kanyang pagtulog.Tumagilid sya sa pagkakahiga at isinubsob ang kanyang ulo sa bagay na nasa kanyang harapan. Ang pinagtataka nito'y kung bakit parang tumigas ang kanyang pinaguunan pati na rin ang bagay na nasa harapan nya. Isa pa ay ang mabangong amoy nito na umuugoy sa kanya.

"Hey, wake up. You're taking advantage of me." Doon pa lamang tuluyang bumalik sa ulirat si Bella. Iminulat nya ang kanyang mga mata at bumungad sa kanya ang kulay puti at may mga botones na bagay.

Ano 'to??

"Oh shit!" Halos tumalon ang puso nya nang mapagtantong nakapatong ang kanyang ulo sa hita ng isang gwapong nilalang. Kumunot ang kanyang noo nang mapagsino ang lalaki.

"Ikaw??! Anong ginawa mo sa 'kin?"
sigaw nito at saka tumayo. Hindi kumibo ang binata bagkus ngumisi lamang ito tsaka itinaas ang kamay at inilagay sa kanyang uluhan.

Naiinis sya sa lalaking ito pero hindi maikakailang nagwagwapuhan sya rito. Pano ba naman, napakakinis ng mukha ng lalaking ito isa pa'y napakapungay ng kanyang mga mata at mapula ang labi na tila nang aakit. Dumagdag pa sa kagwapuhan nito ang pagsuot nya ng polo at ang maangas nitong dating. Hindi mawari ni Bella ang kakaibang nararamdaman nya sa lalaking ito kaya nga't imbes na magalit ay tila natutuwa pa sya.

"I did'nt do anything wrong, I just wanna help you." Napairap na lamang sa hangin ang dalaga, subalit sa loob nito'y nakararamdam sya ng saya.

"Hoy ikaw! Wag mo akong iniingles dyan hah... napakamanyak mo, pano ako napunta dyan sa..hita mo hah.." Iniwas nya ang paningin nya sa binata, ramdam nya ang pag init ng kanyang mukha lalo pa nung binigkas nya ang huling linya.

In Love with my Nightmare [UNDER RECONSTRUCTION]Kde žijí příběhy. Začni objevovat