Chapter 19:[SPG] 18+

201 13 0
                                    


ISANG linggo na ang nakalipas at simula nung araw na 'yon hindi pa rin sila nag-uusap. Gustong-gusto ng humingi ng tawad ni Bella subalit hindi nya magawa dahil sa takot na baka isnabin sya nito. Kapag nagkakasalubong sila sa daan ay hindi man lang sya magawang tignan ng binata. Hindi nya pa din alam kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin nito tinatanggal ang kanyang maskara. Datapuwat mata at kaunting parte lang naman ng ilong nito ang natatakpan, gwapo pa din ito kaya marami pa din ang naghahabol sa kanya. 

 Para kay Bella, hindi ang mukha ang nagustuhan nya kay Kyle. Nagustuhan nya ang kakulitan nito at ang mabait na side nya. Nakikita nya rin ang unti-unting pagbabago nito, handa syang magsakripisyo para lamang sa iba. 


 "Bella, congrats sa pagpasa mo sa exam ha, sabi ko na nga ba kayo mo e..."

 Sabik nyang nilingon ang lalaking nagsalita sa pag-aakalang si Kyle iyon. Pero hindi pala,it was Carlo, isa sa mga classmate nya. 

 Ngumiti lamang sya tsaka nagpasalamat dito.


 Dahil sa pagkabagot napag-isipan nyang tumungo sa Shinhyung garden, ang lugar kung saan muling nagparamdam ang mundo ni Daniel. Mayroong malaking puno doon kung saan sya sumandal tsaka nagmasid-masid. May dalawang karakter ang muling bumalik sa kanyang isipan. Kamusta na kaya si Luis at si Ariela? 


Total tapos na ang examination wala naman na syang mga klase. Napagdesisyonan nyang umidlip muna doon.

 "I'm here. Just find me." 

 Nagpaulit-ulit ang mga katagang iyon sa kanyang isipan hanggang sa tuluyang magmulat ang kanyang mga mata. Kinabahan sya nang makarinig ng malakas na paghinga gayong wala namang tao doon. 

 Nagpaparamdam na ba kayo Dandan? Tyron? Please naman huwag ngayon, walang katao-tao dito o.

 Actually isang malaking gusali ang Shinhyung garden, subalit wala itong bubungan. Tanging clear glass lamang  ang nagsisilbing bubong ng kalahating parte ng garden at ang kalahati naman ay tanging net ang nasa itaas nito na syang pinag-aakyatan ng mga bulaklak. 


 Patuloy pa rin ang paghingang naririnig nya kaya naman nagtaka na sya. I think there's someone in here. 


Walang kung ano-ano'y nilibot nya ang buong garden. Wala namang tao kaya napag-isipan nyang sundan na lamang ang tunog na iyon. Hanggang sa muli syang napadpad sa puno kung saan sya sumandal kanina. Sinubukan nyang tignan ang likod ng puno at doon nga natagpuan nya ang pinagmumulan ng paghingal na iyon. 

"Kyle?"mahina nyang bulong nang mapagtanto kung sino iyon. Nakasandal ito sa puno at nakataas ang parehong kamay na sya namang pinagpatungan ng kanyang ulo. Nakapikit ang mga mata nito na sadyang nagpaamo at nagpagwapo sa pagmumukha nito. Umupo sya upang tapatan ang binata. Halatang malungkot ito dahil ngayon lamang ito pumunta rito ng mag-isa. 


  Inilagay ni Bella ang mga kamay nya sa pisngi ng binata tsaka ito hinaplos. "Sana bumalik na tayo sa dati..." bulong nya rito.


 Bumaba ang tingin nya at tumaas ang kanyang kilay nang makitang bukas ang lahat ng mga botones ng suot na long sleeves ni Kyle. Napalunok sya ng makita ang matipunong dibdib at abs nito na medyo pawisan pa. Naalala nya tuloy ang gabi kung saan nakita nya ang kabuoan ng binata. 

Up to now, she's still amaze sa pagkakahubog ng katawan nya. 


"What are you doing here?" 

In Love with my Nightmare [UNDER RECONSTRUCTION]Where stories live. Discover now