Chapter 13:

94 16 2
                                    

"Moving on is simple, it's what you leave behind that makes it so difficult."
                                                                     – Anonymous



"Bella please,nandito lang ako. Sabihin mo lang lahat sa akin. Papakinggan kita" kinakabahang sambit ni Clyde habang hinihimas ang kanyang likuran.



 "Lahat kayo manloloko"bulyaw nya rito.


 "Kaya ba nag-iiiyak ka dyan? Alam kong may iba ka pang dahilan... I heard you crying kanina,you were screaming someone's name pero hindi ko maintindihan. Now tell me my Princess,is there something wrong with your dreams?"


 Pinunasan ni Bella ang kaniyang mga luha. "Bakit ba napakamanloloko nyo,una si Papa,ngayon pati na rin ikaw at si Mama. Pati ba naman si Daniel.." 


 "Daniel? S-sino yun?" kabado nitong tanong. Saglit na nag-isip si Bella,maybe it's the right time to tell Clyde about it.


 Bumuntong-hininga sya. "Daniel was the guy in my dream,oo kuya sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko he was there-another world shows up. Pero hindi ko alam kung saan o kailan.The only thing I know is I fell in love with him,sa lahat ng taong pwedeng mahalin sa kanya pa ako nagkakaganito. At ngayon... Ikakasal na sya kuya."napahagulgol na lamang ito.

 Clyde was shocked, nabitawan nya pa nga ang hawak nitong baso.


"W-hat are y-you talking about?" lutang na tanong nito,halos mautal sya sa pagkakasabi no'n. Wari ba'y nakakita ito ng multo sa sobrang gulat. 


 "Magbihis ka, idadala kita sa ospital."

 "Kuya hindi ako baliw, I just need to talk with Daniel. Kailangan kong bumalik sa aking panaginip at alamin ang katotohanan." she desperately said.


 "Bella you need to calm down,ok? Isipin mo na hindi sya totoo,labanan mo yang utak at puso mo. Kathang-isip lang ang Daniel na yan! You have to erase him in your mind" kabadong wika ni Clyde.

 "I can't... I love him."

 "Well, it's not right! Ikaw lang din ang masasaktan" 


 Ipinikit ni Bella ang kanyang mga mata, she's trying to think.


 Siguro nga tama si Kuya. He's just a dream. Magkaiba kami ng mundo and I don't know if he really ewist or not. But in the end nightmare is not a fairy tale, oo may ending pero it will never be happy, it will surely be tragic. A girl who fell in love with a fictional character, a girl who fell in love with someone who doesn't really exist at gko y'on so maybe I should stop bago pa lumala ang lahat. I love him,but he's only in my mind. 


 "Tama ka nga kuya, wala sya sa mundo natin"





 "BELLA, may bisita ka,"kaagad tumayo si Bella at tinungo ang bintana na nasa uluhan ng kanyang kama. It's been two days since she decided to forget Daniel. But everytime the night comes, bumabalik pa rin sa isipan nya ang mundong kinabibilangan ng binata. But only for a short period of time, unlike noon parang mga litrato na lamang ang gumugulo sa kanyang isipan ngayon. No more Daniel, no more scenarios and no more pains. Kung pwede lang sanang kalimutan ang lahat upang magwakas na ang paulit-ulit na eksenang naglalaro sa loob ng kanyang utak.

In Love with my Nightmare [UNDER RECONSTRUCTION]Where stories live. Discover now