XII - Ang sweet na tulay

43 3 0
                                    

Denise POV:

Good Evening and welcome to Mr.&Ms Lesbo Philippines 2014 !!

Palakpakan ang lahat sa paglabas ng gwapong tibo na nagsabi ng pagbati sa lahat ng tao sa event na yun.

Kaya pala hindi na nakabalik pa mula kaninang nagpaalam, busy na pala ang gwapong-gwapong si Kim dahil siya ang Host ng naturang event kasama ang isang pamilyar pa na babae na ubod ng sexy sa mini-skirt, walang iba kundi ang Lintang babae na si Alexa

Tahimik at matamang nakikinig ang lahat habang ipinapakilala ang mga judge ng naturang event.

Ngunit nawala ang katahimikan ng isa-isang ipakilala at lumabas ang mga nag gwa-gwapuhang kandidato at nagsseksihang kandidata.

"Are you ok? ".. biglang tanong ng katabi ko.

"Yup, ok naman ako" .. sagot ko

"Ok, let's watch them". nakangiting pahayag pa niya

Bumalik ang atensyon ko sa mga nagaganap na pagpapakilala sa stage at bawat nagpapakilala ay panay ang tili at hiyaw ng mga manonood.

Ganito pala ang event ng exclu o LGBT . Panay miyembro ng third world ang makikita dito dahil sa tibo ang kandidato at magagandang femme naman ang kandidata .

Enjoy naman ako sa aking mga nakikita kaya lang naroon pa rin ang panghihinayang na wala sa tabi ko si Kim para ipaliwanag o sabihin sa akin ang mga pangyayari

Hindi ko agad naisip pero bakit nga ba ako inaya ni Kim sa ganitong event? Hindi naman niya alam ang tungkol sa pagkakagusto ko sa mga babaeng pusong lalaki.

Matiim akong nakatingin kay Kim ng biglang may inilapag na drinks sa table si Xen

"Den, baka nauuhaw ka na inom ka muna".. sabay abot ng isang orange juice sa akin

"Thanks ah? bat sau Margarita tapos saken Orange juice?.." tanong ko

"haha, kasi maaga pa para uminom ka mamaya na lang siguro.." natatawa niyang paliwanag

Lumipas pa ang ilang oras at natapos din ang contest, well deserve naman ang mga nanalo, kamukha ni Wendell Ramos at Tanya Garcia ang mga nanalo.

Paminsan-minsang lumalapit si Kim sa amin ni Xen para kamustahin saglit tapos balik na naman siya sa stage at backstage.

It's Happy Party time everyone! You may now enjoy the dance floor !!

duet na announcement ng mga host bilang tanda ng pagtatapos ng contest at pagsisimula ng party-party.

" Hi .. " bati ng host sa amin ni Xen

"Dude, galing mo talaga maghost, kaya Idol kita eh!.." papuri ni Xen

"Salamat dude.. " pasasalamat ni Kim

"Btw, dahil host ako at special guest ko kayo eto na ang freebies natin.." ika ni Kim, habang saktong dumarating ang isang juice tower na may lamang mix alcohol.

"Cheers!! eto na, Let's drink and enjoy this remaining hours for this night..." pagsisimula ni Kim sa inuman

Masaya kaming nagkwe-kwentuhan tungkol sa contest at mga contestant ng di namin namamalayang naubos na pala naming tatlo yung isang tower.

Umoorder pa si Kim ng isa pang tower ng biglang may nakiupo sa amin na isang babae. Siya yung nanalo as Ms.Lesbo Phil's

"Hi guys !.. " bati niya habang todo ngiti

(g2g)Love on a Photograph (TagalogLesbianLovestory)Where stories live. Discover now