XXI- absent day

45 2 0
                                    

Denise POV:

Bago pa ako makahiga biglang tumunog yung phone ko.

"I wanna make you smile,

whenever you're sad

Carry you around

when your arthritis is bad

All I wanna do ..

Is grow old with you .. "

Dali-dali kong sinagot yung tawag dahil naka set tone yung mp3 na yun kina Mama La at Papa Lo.

Conversation:

Me: Hello Mama La!! :)
sila: Hello Apo kamusta ka dyan?
Me: Mabuti naman po ako. Kayo po kamusta?
sila: Ayos naman apo. Siya nga pala bukas kami'y luluwas pa Maynila at meron ga kaming check up sa may PGH kay Dra. Merced
ako: Ganun po ba? sige po magle-leave ako bukas para masamahan ko po kayo.
sila: oh siya sige mabuti iyon at miss ka na namin apo.
ako: miss ko na din po kayo kahit last month lang po ako umuwi dyan.
sila: siya apo kausapin ka daw ng lolo mo heto siya.
ako: sige po Mama La
sila: Apo ko kamusta?
ako: Papa Lo mabuti naman po kayo ga po?
sila: ay siya . ayos na ayos at malakas pa dine kay Cory (kalabaw namin)
ako: hahaha kayo talaga Papa Lo joker pa rin hanggang ngayon
sila: alam mo yan apo kaya nga ako'y di maiwan ng Lola mo dahil sa masaya daw ako kasama kahit paminsan nag-uulyanin na rin.
ako: haha sus siyempre ga Lo sa gwapo niyong iyan aba daw! sa dami pa ga ng naghahabol sa inyo noon di ga'y tinaguan niyo lahat para kay La' .
sila: siya kang bata ka naaalala mo pa pala iyon. siya bukas na natin ipagpatuloy ang kwentuhan. Gabi na rin at maaga pa kami bukas ng Lola mo.
ako: sige po Papa Lo. see you bukas po at ingat po kayo sa biyahe.
sila: oh siya apo. goodnight mula sa amin ng Lola mo. I love you
ako: I love you too Papa Lo at Mama La. Bye po
sila: Bye

** end of conversation**

Sa tuwing makakausap ko sina Lolo Pa at Mama La masayang masaya ako lalo na't makikita at makakasama ko pa sila bukas.

Agad akong nagtext kay Kim at Boss Rex para magpaalam.

Agad namang nagreply ng "ok" si boss Rex samantalang si Kim wala pang reply. Baka kasi nakatulog na

--------

Kinabukasan ay maaga akong nagising para sunduin ang lolo at lola ko sa bus terminal.

Bago ako umalis sa bahay tinext ko ng "goodmorning" si Kim pero hanggang ngayon wala pa rin talagang reply.

"Haizz parang kagabi lang magkasama kami at masayang nagkwe-kwentuhan". bulong ko sa hangin.

Ayoko masira ang araw ko kaya dali-dali akong sumakay ng Fx papuntang Crossing para makasakay naman ng papuntang Pasay kung saan bababa ang lolo't lola ko.

Makalipas ang isang oras at kalahati nakarating din ako sa terminal ng bus. Saktong pagkaupo ko sa waiting area ay papasok naman ang isang bus na galing batangas.

Tumayo ako at tatanaw tanaw sa mga pababa. Hanggang nakita ko ang isang pamilyar na pigura ng Mama La at Papa Lo ko na pababa na rin ng bus.

Excited akong lumapit at nagmano agad saka humalik sa pisngi nila.

Buti na lang at sakto ang dating ko dahil may oras pa para kami ay mag miryenda/almusal sa isang fast food chain na malapit lang sa terminal.

Masaya kaming nagbalitaan ng buhay buhay namin na akala mo'y isang taong di nagkita. Ganyan ako kamahal ng matatanda ko. At super laki din ng respeto at pagmamahal na isinusukli ko sa kanila.

Bata pa lang ay naulila na ako sa Ama't Ina kaya naman sila ang nagpalaki, nag-aruga, nagmahal at nagsakripisyo sa akin.

Namatay ang aking Ina sa isang aksidente sa barko habang naghahanap buhay. Base sa kwento ni Lolo Pa. Galing itong Cebu upang makipag deal sa isang negosyante na nais kumuha ng Mais at Tubo para sa isa ring negosyo doon. Matagumpay na nai deal ng aking Ina ang transaksyon ngunit sa kasamaang palad nakasama siya sa mga namatay ng lumubog ang barkong sinasakyan.

At tungkol sa aking ama. Wala akong ibang alam kundi ang umalis ito ng bansa upang magtrabaho para sa ikabubuhay ng aming pamilya ngunit pagkaraan ng isang taon ay hindi na ito nagparamdam pang muli sa amin. Isang litrato na karga niya ako noong binyag ko ang tangi kong alaala sa kanya.

Sobrang napaka bait ng Papa Lo at Mama La ko kaya't wala silang naitanim na masama sa akin tungkol sa aking Ama. Habang lumalaki ako ay puno ng pagmamahal at pangangaral ang tangi kong natatanggap sa kanila kaya't lumaki akong walang sama ng loob sa aking Ama.

Di man ako lumaki sa totoo kong mga magulang. Wala naman akong ibang hahangarin at hahanapin pa dahil lubos na pagmamahal ang aking natanggap sa aking Papa Lo at Mama La.

Pinalaki nila akong mabuting tao. May dangal at integridad. May pananampalataya sa Diyos at higit sa lahat ay marunong makipag kapwa tao.

Pagkatapos kumain ay dali dali kaming sumakay ng jeep papuntang hospital kung saan sila ay may general check up.

Tumagal ng 3 oras ang lahat ng check up at laboratory test sa kanila. Mag-aalas dose na sila natapos kaya pagkalabas ng hospital ay nag aya akong pumunta kami sa isang mall na malapit doon.

Kumain kami sa isang resto na puros Filipino dishes ang nakahain dahil gusto nila na gulay lang ang kainin.

Masaya kaming kumain at nagpicturan pa para daw memorabilia sabi ni Papa Lo.

Pagkatapos kumain ay inaya ko sila sa department store. Todo tanggi pa sila habang pinipilian ko sila ng bagong mga damit. Sabi ko ay pang simba lang nila.

Matapos ang konting pilitan ay nakapila na kami ni Papa Lo sa counter para magbayad. As always eh napaka gentleman ng aking Papa Lo at ayaw pumayag na ako ang magbitbit ng basket ng mga pinamili ko sa kanila.

Kay Papa Lo ang napili ko ay isang polo na kulay bughaw at bagay na bagay naman talaga sa matikas pa rin niyang pangangatawan katerno ang isang maong na bagay sa polong aming napili.

Habang si Mama La ay napilian ko ng isang Dress na kulay Puti lamang na plain ngunit napaka ganda ng cut bagay na bagay sa classy beauty ni Mama La na kahit napaka simple ay napaka elegante namang tignan kasama ang isang 2 inches na sandals na kulay puti din naman na bagay na bagay sa mapuputing paa ni Mama La.

Paminsan minsan ko lang sila maipag shopping kaya naman tuwang tuwa akong mabilhan sila.

Akala ko'y makakaligtas na ako sa pag gastos nila sa akin ngunit pagkatapos ko bayaran ang pinamili ko sa kanila. Si Mama La naman ay nakapila sa kabilang counter para bayaran naman ang isang relos na napili niya at binigay sa akin.

Todo tanggi ako ngunit dahil sa ayaw ko naman magtampo sila sa akin ay kinuha ko na at lubos na nagpasalamat.

Napansin pala ni Mama La na yung relong gamit ko ay yung niregalo pa nila nung graduation ko nung college.

Mabilis lumipas ang oras kaya't kinailangan din nila agad magpaalam para umuwi na sa amin sa Batangas.

Maluha luha na naman akong nagpaalam sa kanila at nangakong uuwi ako sa amin sa katapusan ng buwan.

Masayang malungkot akong umuwi sa boarding house ko dala ang regalo ni Mama La at Papa Lo.

Naalala ko silang itext para magpasalamat. Kaya inilabas ko ang cellfone ko mula sa bag.

Natulala ako sa isang text message na natanggap ko.

"Lilipad si Kim bukas pa Amerika"....

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

(g2g)Love on a Photograph (TagalogLesbianLovestory)Where stories live. Discover now