XVIII- One sweet day

41 3 0
                                    


Denise POV:

Maiksing panahon man ang inilagi namin sa over-looking na yun pero parang ang haba ng oras pag kasama ko siya.Sulit na sulit dahil Punong-puno ng saya ang puso ko.

Nakauwi ako bandang alas 11 na ng gabi. Hinatid mismo ako ni Kim sa boarding house ko sa Pasig kasi on the way na din naman daw.

Masayang-masaya akong nahiga sa kama ko habang pinagmamasdan ang pictures namin na kinunan ko sa cellphone ko. Buti na lang medyo maliwanag yung camera ng phone ko kaya kita naman.

Nakatulugan ko na yung ganung moment ..

Kinabukasan, maaga ako nagising dahil alam kong monday at sobrang traffic. Kaya mabilis akong kumilos naligo at nagbihis. Wala pang alas 6 ay nakalabas na ako at naglalakad papuntang sakayan.

Bago pa ako makasakay narinig ko na ang phone ko na tumunog. Alam kong text yun dahil sa mahinang tunog at naka vibrate mode din kasi.

Saktong pagupo ko sinilip ko sa loob ng shoulder bag kong red yung phone.

"Goodmorning pretty" ..


sender: Kim

Lumundag yung puso ko sa nabasa ko kaya naman mabilis pa sa alas 4 ako nagreply.

"Goodmorning also Cutiepatootie". reply ko naman

Nageexpect pa ako ng reply pero hindi na muling tumunog yung phone ko at paminsan-minsan ko ding sinisilip baka nagtext na siya pero wala talaga.

Dahil nga manic monday, inabot pa rin ako ng 1 1/2 hour sa biyahe. Kaya halos 7:30 na rin ako nakarating sa shop.

Pagkapasok ko nandoon na si Boss Rex kausap si Xen at isang lalaki.

Bumati lang ako sa kanila at dumiretso na rin sa Table ko para mailagay ang bag ko at icheck yung mga folder ng mga clients namin na may appointment today.

Bilang isang designer assistant hawak din namin ang schedules ng mga appointment ng mga client at pagre-remind sa kanila for their appointment nga that day.

9am pa talaga ang open ng shop for clients pero 8am ang time namin para daw mareview namin mga dapat namin gawin for each day tsaka para maayos na namin agad yung pagkakasunod-sunod ng mga profile ng client na mauuna ang schedule.

Hectic ang schedule namin for this week dahil halos fully book na ng appointments ang schedule mula monday-friday.

Max. of 5 appointments lang kami sa isang araw dahil hindi naman talaga mabilisan ang pag-settle ng mga gustong design ng mga clients mula sa wedding dress hanggang sa magiging ayos ng church at pati na rin sa reception area.

Actually hindi naman na kami ang nag aayos pa sa church at reception area dahil may affliate kami na Catering services na nasa katapat lang ng shop. Pero kailangan pa rin na may isang representative sa bawat wedding bilang kami ang wedding organizer.

Si Ms. Renz ang nagbibigay schedule kung kelan kami nasa field meaning kami ang mag oorganize ng place at designs for the wedding.

Sobrang naeenjoy ko naman talaga ang trabaho ko at wala akong karekla-reklamo dahil mahal ko ang trabaho ko at gusto ko ang ginagawa ko. Bukod pa kasundo ko lahat ng ka work ko mula sa mga tao ng catering services kila Ma'am Alice at sa team niya. Sa flourist namin na sina Kaye at Amber na masayang kasama dahil mga happy gay sila.

Kung pwede nga lang sa field lang ako palagi dahil masaya talaga kasama ang mga taong malalapit na sa'yo.

Natigil ang pagmumuni-muni ko ng nagtext ang isang client telling na baka malate sila ng dating dahil naipit sila sa traffic.

Agad naman ako nagreply para sabihing ayos lang at makakapaghintay naman kami sa kanila.

Maya-maya isa-isa ng nagsipagdatingan ang mga employee ng Shop. At naririnig ko na din na may pinupokpok sa bandang taas siguro sa studio room yun.

Kaya siguro maaga sila para yung mga need na pukpukin eh magawa nila even before the client arrive here sa shop.

Dahil maaga pa naman pagtingin ko sa wall clock umakyat muna ako at maguusyoso sa ginagawa dun.

Pagakyat ko nakita kong nagtitimpla ng pintura yung lalaking kasama nila Xen.

Pagsilip ko sa loob ng room nakita ko si Xen na nakapatong sa isang lamesa at nakaharap siya sa pader.

Napansin ko na naka Maong siya na faded at muscle shirt lang at mukhang ready sa gagawin nilang renovation sa kwarto.

Bababa na sana ako ng marinig kong may nagsalita sa likod ko

"Oh Den bakit? may kailangan ka ba? ". narinig kong tanong niya

Paharap na ako para sagutin siya ng di ko namalayan na sobrang lapit na pala ng mukha namin sa isa't isa. Hindi na ako nakapagsalita dahil halos isang inch na lang ang pagitan ng mukha namin at napako ako sa pagtingin sa noo niyang naka kunot at mata niyang nagtatanong.

Nagulat na lang ako na matutumba na pala ako kaya maagap niyang nahawakan ako sa bewang.

Hindi ko maipaliwanag yung pakiramdam ko sa pagkakahawak niya. Para akong nakuryente sa simpleng pagsalo niya sa akin.

Nang makabawi ako agad akong tumayo ng diretso at ngumiti.

"May kailangan ka ba?". tanong niya ulit.

"Wala naman may tinignan lang kasi ako sa stock room tapos sumilip lang ako sa studio room". sagot ko

"Ah, ok. Akala ko may kailangan ka". sagot niya sa akin

"Ah, wala naman. sige baba na ako baka hinahanap na ako ni Ms. Renz". pahayag ko na nagpapaalam na

Dali-dali akong bumaba at dumiretso sa CR para tignan ang sarili ko sa salamin.

Ano ba nangyayari sa akin? Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang magkalapit kami ng mukha kanina? Bakit para akong nakuryente sa simpleng pagsalo niya sa bewang ko? O.O

Muling natigil ang pagmumuni ko ng may pumasok bigla..

Kitang kita kong niluwa ang poging si Kim kasabay ng makalaglag panty niyang ngiti sa akin.

"Hi Den". masuyo niyang bati

"Hi Kim". ganti kong bati

Pumasok siya diretso sa isang cubicle. Ako naman ay nire-retouch na lang ang make up ko. Hahantayin ko sana si Kim na lumabas ng narinig kong may tumawag sa akin sa labas.

Dali-dali kong inayos ang gamit ko at papalabas na sana. Di ako nakatingin sa pinto dahil may tinitignan ako sa pouch ko ng ...

"Ouch!!". gulat ko ng may nabangga ako sa harap ko

"Aray!! ". rinig kong sabi ng nabangga ko.

Pag akyat ko ng tingin ko saktong nasa mukha na ako ng nakabangga ko.

As in Face to face kami

At sa pangalawang pagkakataon. Parang may kuryenteng gumapang sa buong katawan ko dahil sa mga matang matamang nakatitig sa akin.

Mga mapupungay na mata ni ..

X E N . .

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Thanks for reading :)

(g2g)Love on a Photograph (TagalogLesbianLovestory)Where stories live. Discover now