Part X- A true feeling ..

50 4 0
                                    

Denise POV:


Matuling lumipas ang mga oras at araw ...

Nagulat na lang ako at Sabado na pala..

"Hi, goodmorning Den. Are you ready for today?" Masuyong bati ni Kim.

"Ahmm.. Yup." Pahinhin kong sagot.

"So let's go now?" Tanong niya pa.

"Sige.." Nakangiti kong tugon.

Inalalayan niya pa ako papasok sa front seat. Napaka gentle man niya talaga. :)

Pasakay na siya ng kotse ng dumating si Ms.Renz. Kaya imbes sumakay na eh nilapitan niya pa ito binati at bineso.

Abot abot Langit ang ngiti ni Kim.Akala mo nanalo ng jackpot ng lotto.

Habang ako napa simangot sa nakita ko.

"haist." buntong hininga ko na lang

"Nagseselos ba ako? ano ba 'tong nararamdaman ko. hindi ko maintindihan. Noon naman ayos lang sa akin na nakikita silang magkasama. Hindi ako ganito pero bakit ngayon?hmmm..." malalim kong pag-iisip.

"Hi, sorry to keep you waiting". nakangiti pa ring niyang pahayag

Di ko man lang napansin na nakapasok na pala siya ng kotse.

"It's ok maaga pa naman tayo eh, 30 minutes pa bago ang oras ng rehersals sa simbahan." pahayag ko

"Eh bakit parang ang asim ng mukha mo?". Tatawa-tawa niyang tanong.

"Ha? hindi ah." Pilit pa akong ngumiti.

"ok sige eh di hindi na." pahayag niya habang pinaandar na ang kotse

After 15 minutes nakarating na kami agad sa simbahan kung saan may rehersal ang entourage ng wedding.

Pagkababang pagkababa ko pa lang agad sumalubong ang hinayupak na si Xen.

"Goodmorning beautiful people of the world". Bati niya sa amin

"Morning dude". bati ni Kim

ako--- dedma..

Bakit ba kasama pa 'tong asungot na 'to? tanong ko sa sarili ko.

"ah, Denise oo nga pala kasama natin c Xen kasi iccover up niya ang Wedding rehersal para sa Souvenier ng Shop natin at display photos para may pagbabasehan ang mga customer sa photography package natin." mahabang paliwanag ni Kim

"Excited na ako to see and get a picture of them. Pwede ko kasi icollage sa wall para magmukhang Murals of souveniers yung room." singit na sabi ni Xen.

"Well, what are we waiting for? Let's go inside." excited na pahayag ni Kim

Pagpasok namin ay nakita agad namin ang aming mga kliyente. Konting minuto lang ang lumipas at nagsimula na din sa rehersal, habang ako ay busy sa pagsusulat ng mga detalye ng iba pang kailangan sa kasal gaya ng flower arrangement at iba pa.

Di ko namalayan na nakatulala na pala ako habang nag-iisip ng ganito:

5 months pa lang ako sa work na 'to pero I really enjoy it.Di ko ineexpect na ganito ang trabahong mapapasok ko. Sa kurso kong BSBA major in Marketing di ko akalain na ang hilig ko sa mga Fashion Show, modelling at pag guhit ng mga design ng damit eh mapupunta ako sa Wedding Shop na'to.Pero di lang yun, sa maiksing panahon na yun nasaksihan ko ang iba't-ibang wedding theme mula sa pinaka simple hanggang sq pinaka sosyal at mula sa pinaka pribado hanggang sa pinaka magarbo. Kaya't bilang isang wedding planner/coordinator, nangangarap din ako na balang araw na maranasan kong ikasal sa taong mahal ko at mahal ako.

(g2g)Love on a Photograph (TagalogLesbianLovestory)Where stories live. Discover now