XXII- Unexpected meet

30 2 0
                                    


Xen POV:

Sabado.

Sa sobrang busy ng buong weekdays na'to ngayon lang ata talaga ako nakapagpahinga ng husto.

Kahit wala akong pasok sa work eh maaga pa rin ako nagising.

Maaga akong nagsimulang kumilos. Pagkatapos ko kumain ng almusal eh naghugas na ako at naglinis ng bahay. Habang naglilinis ay nagsalang na din ako ng mga labahan kong damit pati na bedsheet at mga curtain.

Halos 12 na ako natapos maglaba kaya hindi na ako nakapagluto pa para sa lunch ko.

Palabas na sana ako ng bahay ng magtext si Kim. Nag-aaya siyang mag lunch sa malapit na mall dito.

Alam kong mamayang gabi na ang flight niya pa America.

Nagulat ako nung nagpaalam siya kahapon na aalis siya at pupunta siyang America kasama ang parents niya to settle everything about her and her kuya.

"Alam mo Xen it's been 3years since nangyari sa akin yung pinaka masakit na heart break ko". sambit bigla ni Kim

Napatingin ako sa kanya at kitang kita ko kung gaano pa rin siya ka-hurt sa nangyari between sa kanya,sa exgf niya at sa Kuya niya.

"Mom wants me to once and for all face my brother and my exgf and settle all our misunderstanding". dugtong niya pa

"Dude, maybe your Mom is right. Why don't you face all what's bothering you from your past para totally maka move on ka na din". suggestion ko naman sa kanya.

"Pinagisipan ko na rin naman Xen and yes I'm ready. Ready na ako makaharap sila. Pero I'm not sure if I'm ready to forgive them". sagot pa niya

"Nasa sa'yo Kim kung habang buhay ba na gusto mong dalhin yang sama mo ng loob sa kanila. Pero I'm sure na ikaw lang mahihirapan talaga". payo ko

"Thanks sa pag advice Xen. Bukas I'm going to U.S w/ my parents". bigla niyang paalam sa akin.


¤¤¤end of flashback¤¤¤

10Pm na nakahiga na ako sa kama ready na matulog pero kahit pagod ako hindi pa rin maalis sa isip ko yung bilin ni Kim.

"Ikaw muna bahala kay Denise, Xen. Special siya sa akin pero hindi pa ngayon yung tamang panahon para pagtuunan ko ng pansin ang ibang tao lalo na tungkol sa relationship. Aayusin ko muna ang sarili ko. BAKA sa pagbalik ko pwede ko na ulit buksan ang puso ko sa iba."

Special daw si Denise sa kanya. Pero hindi pa siya handa sa ngayon. Ano ba naman 'tong si Kim binigyan pa ako ng palaisipan.

Tingggg ..

May text na dumating..

"Dude, ikaw na bahala at yung bilin ko aa wag mo kakalimutan. Chat tayo sa fb pagkadating namin ng LA. Keep up the good work and cont. to impress Kuya 😃"

-Kim

Nakatulugan ko ang text na yun ni Kim. Yun ata huli kong nabasa bago pumikit yung mata ko kaya pag gising ko nasa mukha ko yung phone.

Dali-dali akong bumangon para makapag-almusal. Nagmamadali ako dahil ipapa change oil ko kasi today yung motor ko tapos magsisimba ako sa hapon para magpasalamat kay Lord.

30minutes ang lumipas at ready na akong umalis ng bahay. Sinigurado kong nakasara ang lahat bago ako lumabas para safe ang mga gamit sa loob.

Pagkalabas ko ng motor agad akong sinalubong ng isang kapit bahay para kamustahin. Sandali akong nakipag kwentuhan bago tumuloy sa motor shop ng tropa ko sa may Pinaglabanan.

Pagdating doon ay agad naman akong inasikaso at agad na change oil yung motor ko. Na-tune up na din at na check over all ang makina.

Pagkatapos magbayad agad akong umalis dahil halos lunch na din kaya naisipan kong kumain na lang sa mall na malapit sa simbahan na plano kong pagsimbahan.

20 minutes na biyahe lang ang tinakbo ko at nakapark na ang motor ngayon sa parking area ng mall. Dahil maraming tao hindi ko na inalis yung shades na suot ko. Ayoko kasi may makakilala sa akin at tanungin ako ng kung anu-ano o kamusta na ba ako.

Pinili kong kumain sa isang tahimik na resto sa bandang 4th floor na hindi masyadong matao. Habang naghihintay ng order ko tinawagan ko si Denise para ayain sana na magsimba pero ayun may dalaw ata at sobrang sungit. Sinabihan pa akong sanay naman daw ako mag-isa. Nalungkot tuloy ako at namiss ko ang pamilya ko.

After kumain nag ikot muna ako sa Dept. Store para tumingin ng beach shorts na gagamitin ko pag punta ko sa Palawan next week para sa Pre-nup photoshoot ng isang kliyente.

Nakatapos na ako mamili at nagbabayad na ako sa counter ng may mahagip ang mata ko na isang pamilyar na figure ng tao.

Bigla naman akong tinawag ng cashier para sa sukli ko kaya paglingon ko ay nawala yung nakita ko kanina.

Pinilit kong wag isipin at alisin agad sa isip ko yung taong nakita ko. Dali-dali akong bumaba para pumunta na sa Simbahan sa tabi ng mall dahil alam kong malapit ng magsimula ang misa doon.

Pagpasok ko sa glass door ng simbahan sakto namang magsisimula na ang misa. Tumayo muna ako sa likurang part habang kumakanta ang mga choir ng welcome song para sa pagpasok ng pari at ng mga sakristan.

Nang sinabing maaari ng umupo nakita ko agad ang isang bakanteng space na pwede pa upuan. Naglakad ako papalapit dito at naupo ng tahimik.

Matama akong nakikinig sa buong misa. Nakatutok lang ang mata ko sa harapan at tahimik na ding nagdadasal.

Pinaluhod ang lahat para magusal ng panalangin at pagkatapos noon ay communion na. Pagtayo ko mula sa pagkakaluhod sakto namang pagtayo din ng babaeng ilang araw ng laman ng isip ko....

Walang iba kundi si ......

---^^^^^---

To be continue ...
😄😃😀😊

(g2g)Love on a Photograph (TagalogLesbianLovestory)Where stories live. Discover now