Part VII -A weirdo day

60 4 1
                                    

Xen POV:


Kahit masungit ang panahon kanina. Maganda naman ang naging sikat ng araw pagkatapos nito.

"Be happy Xen, malalagpasan mo rin 'to." Pangungumbinsi ko sa sarili ko.

Maaga akong nag-ayos papasok dahil ayoko ma-late.

Excited ako sa bago kong trabaho, siyempre pagiging photographer ang gusto ko talagang trabaho.

At tanging 'tong camera na'to ang alaala ng masasaya at malulungkot kong nakaraan.

Sakay ng motor maingat kong binaybay ang daan papuntang Shop.

Pagdating ko doon napansin ko ang isang figure na maagang dumating.

"Hay, salamat hindi na ako maghihintay sa labas." Nakangiti kong sambit habang nagaalis ng helmet.

"Good morning." Bati ko

Ang ganda ng paglingon niya. Kitang kita ko ang batok niyang may balahibong pusa at medyo pawis.

Dub! Dubdub! Dub! ♡♡♡

Hmmm? O_o

"Ano yun?puso ko ba yun?Bat biglang bumilis ng ganun ang tibok ng puso ko?." Pagtataka ko.

"Hi Den." Pagbati ko pa sa kanya.

Di ko sukat akalain na biglang mag-iiba ang timpla ng mukha niya ng makita ako. Mula sa mala-anghel niyang pag ngiti biglang nag-pout siya at sumimangot.

"Tse!, ikaw lang pala yan!." Pagsusuplada niya.

"Oi, grabe aga aga ang sungit mo. Ganda pa naman ng damit mo. Oh! Damit lang ah Hehehe". Pang-aasar ko sa kanya.

Pero sa isip-isip ko.

"Ang ganda niya pala lalo na pag maganda ang suot niya, pero maganda din naman siya kahit simpleng T-shirt at maong lang."

"Tabi nga diyan, haharang harang kasi." Lalo niyang pagsusungit.

"Alam ko naman sino hinihintay mo eh," bigla kong nasabi.

"Bat ko nga ba yun nasabi?". Pagtataka ko.

Hanggang sa pag-akyat ko hindi ko naialis sa isip ko kung tama nga ba ang hinala ko.

"May gusto ba siya kay Kim?".

"Inlove ba siya?."

Ahhhh!!!..

Ang kulit ng isip ko.

Para mawala sila sa isip ko binuksan ko ang glass door papuntang terrace.

Sakto naman nakita kong nagpapark si Kim.

Opppsss!!

At nakita kong bigla siyang umikot sa kabilang side para alalayan ang nasa passenger seat.

At nakita ko kung gaano katamis ang ngiti ni Kim habang inaalalayan niya 'to pababa.

"Dude!" Bati ko mula sa itaas.

"GoodMorning, ang ganda naman ng pasahero mo." Patutyada ko.

Si Ms.Renz pala ang babaeng kasabay niya pag pasok.

Ang ganda nito di maipagkakaila, kahit sinong lalaki o pusong lalaki na gaya ko eh talaga namang imposibleng di magkagusto sa kanya.

Dali-dali akong lumabas ng Studio (yan na ngayon tawag ko sa kwartong ito)

Sasalubungin ko sana si Kim at Ms.Renz kaso ....

.

.

(g2g)Love on a Photograph (TagalogLesbianLovestory)Where stories live. Discover now