XX - Someone's missing

54 2 0
                                    


Xen POV:

After 3 days ng pag renovate sa studio room sa wakas natapos din.

3 days na din araw-araw na OT ako. Mula 7am hanggang 10pm na ako nasa shop para lang maayos ko na lahat.

  Kahit nire-renovate panay pa rin ang akyat ng mga kliyente naming magpapakasal. Palibhasa ito kasi ngayon ang todong pino-promote ni Boss Rex para nga naman sa mas mataas na sales na papasok sa mga susunod na linggo.

Pasalamat naman ako kay Kim at kay Denise dahil todo suporta sila sa akin. Hindi ko na kinakailangan humarap sa mga kliyente dahil sila muna ang nakikipagusap sa mga 'to.

Sa ikalawang araw, halata ko na ang pag-iwas sa akin ni Denise mula ng magkaron kami ng weird na encounter nung nakaraang araw.

At dahil busy nga ako, hindi ko na din napapansin. Sobrang hands on ako sa pag aayos na'to kaya minsan ako na mismo nagpupunta sa mga Hardware at furniture shop para sa mga kagamitan na meron dito.

Ngayon ay sobrang excited akong pumasok kahit pa alas 12 na ako nakauwi kagabi para lang tapusin pa ang mga kahuli-hulihang detalye.

Ngayon eto ako at proud na nakatingin sa pinaghirapan ko.

Mula sa pinturang kulay sky blue w/ matching cloud effect pa sa maliit na receiving area hanggang sa napili kong white & black combination ng isang corner set couch at isang side table na puno ng mga magazines na dinonate ni Ms.Sheen para daw sa idea na pwedeng ipakita sa client about sa magagandang places where they can choose for their pre-nup photo shoot. I want our client to feel comfortable and relax in this part.

While sa pinaka photo studio naman na nilagyan lang namin ng division na plywood. I chose  white paint lang ang ipaint on the wall. Kita din ang mga studio lights na ako pa mismo ang nagkabit sa kisame na nakatutok sa center space kung saan andun ang iba't-ibang pang background medium na ako pa mismo ang nagpaint sa ilan. Nakaready din ang isang black curtain na pwedeng ibaba at itaas depende sa theme ng ikakasal. Nasa isang corner naman ang ibang props na pwedeng gamitin on photoshoot.

All in all maganda ang kinalabasan at nagawa ang lahat ng nasa plano.

Masaya ako sa nakikita ko na kinalabasan ng aking pinaghirapan.

Pakiramdam ko ay natupad na rin ang isa sa pangarap ko na mkapagpatayo ng sarili kong studio.

Modern yet classy kasi ang napili kong motiff. Gusto ko mafeel ng mga client na "It feels heaven treatment" at para din relaxing ang ambiance habang nasa studio room sila.

Nasa ganoong pagiisip ako ng pumasok si Kim.

"Congrats Bro! ang ganda na ng room na'to. I never imagine this studio room to be as cool as this". Nakangiti niyang pahayag na halatang na amazed sa transformation.

"Thanks bro.". tipid kong sagot dahil halos ang ngiti sa labi ko at naka poster na sa mukha ko.

Maya-maya ay isa-isa ng umakyat ang mga iba pang empleyado ng shop para tumingin at bumati.

"This is very good! Great work Xen!  I'm really amazed how you did this for just 3 days. Hindi talaga nasayang ang lahat ng plans and investment ko for this team. Congratulation for the job well done Xen". Pahayag ni Boss Rex na halatang bilib sa naging resulta ng pinaghirapan ko.

"Thank you din Boss Rex and Kim. Kasi you guys trust me so much to have this job. And I'll make sure na start pa lang 'to ng mas marami pang job well  done Boss". nakangiti kong sagot sa kanya.

"Rex, sure hit 'tong photography team na'to because you have one of the best Photographer/Team leader for this group". Papuri naman ni Ms. Sheen

"Congrats again Xen". nakangiting bati din ni Ms.Renz

"Thank you again Sir and Ma'am para sa pag appreciate ng work ko. I hope that you support me all the way para maipromote ang ating photography team para sa mas mataas na revenue ng shop". Ganti kong pasasalamat sa kanilang lahat.

Nagdiscussed pa ako ng ilang detalye ng kung anong meron at wala pati na rin yung ibang needs regarding sa camera at lightings na gagamitin.

Halos half day parang pag present lang ng new ideas ko ang ginawa ko especially sa mga boss at ilang VIP's na kasama nila Boss Rex.

May ilan ding dumating na staff daw ng isang magazine at kumuha ng litrato at short interviews sa amin. Ifea-feature daw kasi ang Shop sa nasabing magazine.

Nag-lunch out kami nila Kim,Boss Rex,Ms.Sheen at Ms. Renz sa malapit na Chinese Resto. Treat ni Boss Rex dahil daw sa maayos na pagtapos ko sa trabaho.

Exactly 1pm nakabalik na kami sa Shop at nagsimula na ako ayusin yung mga papers at documents na naiwan ko kanina sa desk ko.

Lahat halos nakabati na mula sa pinaka mga boss hanggang sa mga janitor pero wala pa rin yung isang taong ineexpect ko.

"Nasaan kaya si Denise?" tanong ko sa isip ko.

Maya-maya narinig kong may yabag ng taong papalapit kaya hinantay ko sa pinto kung sino.

At sumungaw ang mukha ng nakangiting si Kim.

"oh Bro! come in. may kailangan ka ba?"  pauna kong salita sa kanya.

"Ah wala naman. I just drop by to see you wala kasing ginagawa sa baba. I feel sleepy eh!". sagot naman niya

"Siya nga pala bakit parang di ko pala napapansin si Denise?  bigla kong naitanong sabay yuko kunyari sa mga papers na nasa mesa ko.

"Miss mo? haha . Tumawag kanina susunduin niya daw grandparents niya at sasamahan niya magpa general check up daw". sagot naman ni Kim

"Hindi ah! Di ko lang kasi siya nakikita. Btw Kim ano tingin mo mas maganda dito". Pagiiba ko ng topic para di halatang interesado ako kay Denise.

Halos isang oras kaming nagpalitan ng ideas ni Kim about sa mga scenery at places para sa mga pre-nup photoshoot.

3pm na nung may inassist si Ms. Renz na client to check out yung photography section ng shop.

Diniscussed ko sa mag fiancee yung mga ideas ko about pre-nup photoshoot pati na rin yung magagandang places to take their pre-nup.

Thanks God at naging interested at happy sila sa mga ideas na ko. Sobrang dami nilang tanong mula sa mga Camera's na gagamitin hanggang sa mga lighting effects pati na rin sa make up artist na magaayos sa kanila.

Halos 1 hour pa kaming nagdiscussed about sa mga gusto nilang place at nagsuggest din naman ako. After nun nagpa sked na sila ng 5 scenes pre-nup nila na gagawin sa 5 different location na inischedule nila sa weekends. Kasama sa napagkasunduan na sagot nila ang transportation at hotel na tutuluyan for 2days at 1night. Sa Palawan kasi nila gusto gawin ang 5 different pre-nup scenes nila kasama dun ang pagpicture sa kanila sa 5 different island sa Palawan na una pala nilang pinag adventure-an nung 1st year anniversary nila.

Before 5pm natapos kami lahat sa discussion at naiclosed ko ang deal between sa Photography dept. at sa client.

Pare-pareho kaming naka smile habang hinahatid ko sila pababa. Nag pasalamat ulit ako bago sila lumabas kasama ko pa si Ms.Renz sa paghatid.

"Congrats Xen looks like you closed the deal?". nakangiting pahayag ni Ms.Renz

"Yes Ms.Renz at sobrang happy ako kasi sobrang interesado sila. And by the way Thank you kasi sabi nila sobrang nirecommend mo daw ako sa kanila". sagot ko naman

"Wala yun kaw talaga. Siyempre 1 team tayo dito so dapat talaga sa amin pa lang coordinator eh sobrang recommendation na para pagdating sa'yo halos pa closed deal na". dagdag pa niya

"Thanks I owe this 1st deal to you". sincere kong sabi

"Let's go and discussed everything with Rex". aya na niya sa akin

Excited akong sumunod at hindi mawala ang ngiti sa labi ko dahil sa 1st success ng pagdeal sa 1st client ko.

At siyempre looking forward pa ako sa marami pang deal na maiclosed at looking forward din na makita ko siya bukas ... :)

!!!!!!!!!!!!!!!

Abangan ang next chapter ;)

(g2g)Love on a Photograph (TagalogLesbianLovestory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon