XIX - love bolt

36 3 0
                                    


Xen POV:

Ayos naman ang buong araw lalo na sa meeting. Naexcite ako sa naidiscussed sa meeting. Probably this week magiging busy ako.

Magkakasama pa kami ni Kim at Denise ng dinner. Ok pa naman ako nun kaso habang naghihintay ng order may nakita akong dumaan sa labas ng resto.

At kamukha siya ng kaisa-isang babaeng minahal ko.

Si Carla ..

Napatayo ako at habol ang matang tumingin sa nahagip ng aking mata. Ngunit sawi akong makita ang hinahanap ko.

Maaring guni-guni ko lang :'(

Subalit nasira nito ang mood ko kaya pagkatapos kumain agad na akong nagpaalam sa dalawa upang umuwi na.

Habang pauwi, hindi ako makapag concentrate sa pagdi-drive. Muntikan na akong makabangga ng sasakyan sa harap ko kakaisip sa nakita ko kanina.

Malungkot akong nakauwi at pumasok sa loob ng bahay. Hindi na ako nag effort pang magbukas ng ilaw. Hindi ko mapigilan ang luhang kanina pang pilit naglalandas sa mga mata ko.

"Mahal miss na miss na kita". sambit ko sa larawang nakapatong lang sa side table na hindi ko alam na hawak ko na pala.

Dahil dun ay napuyat ako kakaiyak.

Hindi ko na namalayan anong oras ako natulog.

Kinabukasan

Maaga pa rin akong nagising para pumasok sa trabaho. Bitbit ang bag ko mabilis akong nagbiyahe papunta sa Shop.

Ibabaling ko ang atensyon ko sa pagta-trabaho ngayong araw para hindi na ako ukil-kilin ng alaalang nakita ko ng nagdaang gabi.

Bago mag alas-7 ay nasa Shop na ako gaya ng napagusapan namin ni Boss Rex kagabi.

Pagkadating ko agad kong napansin na may isang lalaking kausap si Boss sa opisina niya.

Agad niya akong tinawag para pumasok sa opisina niya.

Pagkatapos ng konting instruction sa amin ni Kuya Nards ay mabilis kaming umakyat sa studio room.

Nagbihis na ako ng damit kong pang gawa. Medyo rugged ang hitsura ko dahil sa Faded na Maong pants, Black na muscle shirt na sinamahan ko pa ng yellow na bandana para di matalsikan ng pintura ang buhok ko.

Binigay ko naman sa kanya yung floor plan na ginawa ko para sa studio room. At nagusap kami kung saan magsisimula.

Pagkalipas ng ilang drill at pukpok. Sisimulan na naming mag-pintura muna ng buong room.

May inaalis ako sa dingding at kiniskis ng konti ng mapalingon ako at masulyapan ang magandang mukha ni Denise.

Mabilis akong bumaba sa kinalalagyan ko na sinet up namin ni Kuya Nards na patungan.

Agad kong tinawag si Denise ng makita kong pababa na dapat siya.

"Oh Den bakit? may kailangan ka ba? ". tanong ko sa kanya habang papalapit ako

Di ko namalayan na tumigil pala siya paglakad kaya ng humarap siya halos 1 inch na lang pagitan ng mga mukha namin.

Nawalan ako ng balanse dahil sa pagtigil niya maglakad kaya halos pasubsob na ako sa kanya.

Napahawak ako sa bewang niya para hindi tuluyang ma-out of balance pero paghawak ko sa kanya may kakaiba akong naramdaman.

Tila may maliliit na boltahe na dumaloy sa aking katawan at halos di ako makahinga sa paglapit ng mga mukha namin sa isa't isa.

Tinititigan ko ang magaganda niyang mata na halos magpatunaw sa akin sa pagkakatitig. Pilit kong inaalam ang mensahe ng mga matang yun kaya napa kunot noo ako.

Nang makabawi siya nakita kong pulang pula siya at nagblushed ng husto.

"May kailangan ka ba?". muli kong tanong

"ah.. wala naman may tinignan lang kasi ako diyan sa stock room. Napadaan ako at nasilip ko lang din ang studio room." pagdadahilan niya.


Pulang-pula pa rin ang mukha niya at hindi tumitingin sa akin habang nagsasalita. Pagkatapos magsalita eh tuloy-tuloy ng bumaba ng hagdan.


Ano kaya problema nun?

Bumalik na ako sa pagta-trabaho. Pero makailang minuto nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya ayun nagpaalam muna ako na bababa.

Pagkababa ko naririnig kong hinahanap ni Ms. Renz si Denise.

Napa dako ang mata ko sa table niya habang papasok sa CR kaya hindi ko napansin na may makakabangga na pala ako.

"Aray!! ". inda ko habang naramdaman na may matigas na bumangga sa akin at nauntog sa ulo ko

"Ouch! sakit!". narinig kong sabi din ng nakabangga ko

Pag-angat ko ng tingin, Ayan na naman ang mata na halos magpatunaw sa akin. At ngayon mas malapit pa ang mukha namin sa isa't isa.

Muli kong naramdaman ang maliit na boltahe ng kuryente ng mapahawak siya sa akin.

Habang magkalapit ang mukha namin di ko maiwasang tignan ang buo niyang mukha. Ang magaganda niyang mata na akala mo'y laging nakatawa, ang maliit niyang pulang labi, ang maliit pero matangos niyang ilong. Napaka perpekto ng mukha niya.

Pagkalipas ng ilang segundo o minuto na ata. Nabitawan niya yung hawak niyang purse kaya bigla kaming nagising sa Magical spell ng pagtitig sa isa't-isa.

Palayo na kami sa isa't isa ng lumabas si Kim sa CR. Kaya walang lingon likod akong naglakad papasok ng CR.

Bitbit ko pa rin sa isip ko ang magandang mata na nakapagpatigil ng sandali sa mundo ko....

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Thanks for reading :)


(g2g)Love on a Photograph (TagalogLesbianLovestory)Where stories live. Discover now