XXIV- start of friendship

36 2 4
                                    


Den's POV:

      Sa simbahan..

    Agad akong nagbawi ng tingin kay Xen, para kasi siyang baliw ngiting-ngiti.

   Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at tumabi sa akin. Iwas pa rin ang mata ko na tignan siya ulit dahil kita ko sa side ng mata ko na todo smile pa rin siya. Nagnining-ning ang mata niya na nakatingin sa may altar.

"oi, Xen ano ba ngini-ngiti ngiti mo ha?".  Pabulong kong tanong sa kanya.

"Akala ko kasi hindi ka pupunta. But you're here kaya masaya ako." Sagot niya na pabulong din.

Natapos ang misa na hindi na kami ulit nag kibuan ni Xen.

Papalabas na kami ng bigla siyang nagtanong.

"Den dinner tayo?" casual niyang pagkakatanong.

Napaisip pa ako kung sasama ba ako o hindi. Pero dahil halos dinner time na rin eh pumayag na ako.

Pumasok kami sa mall at naglibot-libot muna hanggang napagkasunduan namin na pareho naming gusto ang pizza at pasta.

"Since ako ang nag-aya treat ko na." bigla niyang sabi habang kumakain kami.

Tango lang ang tangi kong naisagot. Ngiti lang din ang ginanti niya.

Halos tahimik kami buong oras ng pagkain. Kung may langaw lang sa resto na eh baka mas marinig pa yun kesa sa boses naming dalawa.

"Den ok ka lang ba?"  pagbasag niya sa katahimikan.

"hmm.. Oo naman ok lang ako." sagot kong wala sa sarili.

  "Hindi ka kasi umiimik, kanina pa tayo magkasama 10 words pa lang ata ang nasasabi mo mula ng umupo ka diyan". Pagbibiro niya.

At infairness napangiti niya ako sa 10words.

"Siraulo ka talaga Xen, binilang mo pa talaga ilan pa lang nasasabi ko". Natatawa kong sagot.

"Totoo naman kasi feeling ko nga may mute akong kasama muntik na akong mag sign language kanina nung tinatanong ka ng waiter sa order mo". Banat niya pa ulit.

Tawa ako ng tawa sa conversation namin na yun. Nabura na yung ackward moment namin kanina.

  Nag-aya din siyang magpunta sa isang clothing shop pagkatapos naming kumain dahil may bibilhin daw siya.

Since wala naman akong plano talaga sumama na lang ako para mag tingin-tingin.

Bumili siya ng jacket para daw sa pagda-drive niya samantalang ako nakabili din ng isang blouse na natypan ko.

Ok din naman palang kasama si Xen. Nawala na yung ackward kong feeling pag kasama ko siya. Ilang beses na rin naman niya akong sinalba sa mga gipit na sitwasyon kaya tingin ko ok din naman siyang kaibigan.

Magsasara na yung mall kaya nagka ayaan na umuwi na.

"So Xen thank you ulit sa dinner". Pamamaalam ko.

"Wala yun, ako nga dapat mag-thank you kasi sinamahan mo ko dito". Ganti niyang pasasalamat.

"Oh, sabay na tayo lumabas since diyan lang din sa side na yan naka-park yung motor ko". Pag-yakag niya palabas ng mall.

Bago siya makarating ng parking area nakita namin na sobrang haba ng pilahan ng jeep sa way ng pag-uwi ko at yung sa bus naman grabe sobrang gitgitan at tulakan para lang makasakay.

"Looks like you're in trouble going home ah?". Bigla niyang sabi.

"Ok lang yan sanay naman ako dito, oh sige pipila na ako". Pagpapaalam ko.

Pero bigla niya akong hinila nung patawid na ako.

Parang tumigil ang paligid tapos ng slow motion lahat. Kitang-kita ko na papalapit yung mukha ko sa mukha niya.

Nung halos magkadikit na yung noo namin.

"Ihahatid na lang kita Denise, may dala naman akong extrang helmet palagi para hindi ka na din pumila pa diyan baka abutin ka ng midnight bago ka mkauwi". Mahina niyang pagkakasabi dahil halos magdikit na mukha namin sa lapit.

Tanging tango lang ang naisagot ko dahil sa pagkabigla sa ginawa niya.

Hila-hila niya ako papunta sa parking lot kung nasaan yung motor niya.

Pagkalapit namin agad niyang kinuha yung helmet at isinuot sa akin. Wala pa rin akong kibo sa mga ikinikilos niya. Nasa state of shock pa rin ako.

"Kapit ka lang maige sa akin ok?". Bilin niya bago niyang tuluyang pinatakbo yung motor.

Saglit lang yung biyahe inabot lang ng 15mins dahil malapit lang naman yung boarding house ko sa mall na pinanggalingan namin.

Dahil medyo late na rin hindi ko na siya inayang pumasok at pinauwi ko na siya dahil medyo malayo pa ang biyahe niya.

Pero bago siya umuwi....

"Xen...". Pagtawag ko sa kanya.

"Oh? bakit? may problema ba?". Tanong niya.

"Thank you ulit sa pag invite sa dinner tsaka sorry din pala sa nangyari kanina kung nasungitan kita". Apologetic kong sabi sa kanya.

" Walang anuman at wala yun. Don't worry since day1 naman na nagkakilala tayo sinungitan mo na ako so sanay na ako". Tatawa-tawa niyang sabi.

"Well, ganito lang siguro ako pero mabait naman ako may pagka masungit lang talaga. haha". Pagpapaliwanag ko.

"Ok lang yan kahit naman masungit ka o mabait ka ganito pa rin ako sa'yo kasi itinuturing kitang kaibigan ko bukod pa sa magka-work tayo". Sincere niyang pag-tugon.

Kitang-kita ko yung pag ngiti ng mga mata niya habang sinasabi yun.

"Salamat ulit Xen. Mula ngayong araw na'to hindi na ako masyado magsusungit sa'yo tanda yan ng tinatanggap ko ang pagkikipag kaibigan mo". Nakangiti kong sabi.

"Sige Den, pasok kana sa loob para makaalis na ako. Gusto ko muna makasigurado na safe ka talagang nakapasok diyan sa bahay mo". Sabi niya pa

Ngumiti na lang ako at tumalikod na ako sa kanya papasok ng gate.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay tumunog agad yung cellphone ko.

~~~
"Goodnight Denise.. Salamat pala sa pagtanggap ng pakikipagkaibigan ko. Hayaan mo habang wala si Kim. Ako muna ang magbabantay sayo. Pag kailangan mo q tawag o text ka lang. Wag kang mahihiyang magsabi .. Andito lang aq pra sau"......

dub ❤️ dub ❤️dub ❤️dub❤️

"Ano yun? .. bakit may ganung akong nararamdaman?"......

-------------------

Team XenDen or Team KimDen?

😍😍😍😍

More updates to come..

Lovelots,,

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

(g2g)Love on a Photograph (TagalogLesbianLovestory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon