Chapter 43 - The Ring

4K 50 17
                                    

 Kryshll’s POV

 

Magde-date kami ni Ethan ngayon. Second monthsary namin eh. Ano nanaman kayang susuotin ko? Ay teka! Hindi pa pala namin nasusuot pareho yung couple shirt na binili niya. Suotin ko kaya? Wag nalang muna. Dapat presentable ako tignan.

 

After 30 minutes, naka-ayos na rin ako. Nagpaalam na ako kay mama kasi nasa harap na ng bahay si Ethan. Pero, pinagpaalam niya parin naman ako kay mama. 

Let’s go? ” sabi niya.

Saan? ” tanong ko. 

Sa bahay namin. Gusto kang makita ni Mama eh. ” sabi niya. Hay buti naman at di ako nag shirt lang. Presentable dapat akong tignan.

Talaga? Sige! Na-miss ko rin si Tita eh! ” sabi ko. 

 

Ethan’s POV

  

Habang nagdra-drive, may biglang tumawag sa akin. Pinark ko saglit yung kotse sa gilid ng kalsada. SI Paolo pala ang tumatawag. 

 

Hello? ” sabi ko. 

Punta ka dito sa bistro ni Chris, bilis! ” sabi ni Paolo.

Bakit? Inuman ba? Pass muna ako, may date kami ni Krysh eh. ” sabi ko.

Pare, sige na naman oh. Lasing na lasing siya eh. Hindi namin mapigilan. Baka matulungan mo kami. ” sabi ni Paolo.

Si Chris, naglalasing? Bakit naman kaya?

  

Okay sige. ” sabi ko sabay baba ng phone. 

Bakit daw? ” tanong ni Krysh. 

Si Chris kasi, hindi daw mapigilang maglasing. ” sabi ko.

 “ Ha? Ayos lang ba siya? ” tanong niya na parang kinakabahan.

Bakit Kryshll, kung sakali bang hindi ako ang naging boyfriend mo, si Chris ba ang mas gugustuhin mo? Ewan ko pero parang medyo kumirot yung puso ko sa nakikita kong reaction niya ngayon. 

 

Hangga’t hindi siya tumitigil, hindi pa siya ayos. Minsan lang uminom ng ganun si Chris, at kapag may problema lang siyang malala. Ayos lang ba sayo na puntahan muna natin siya?” sabi ko.

Oo naman. Walang problema. Tara na. Baka anu pang mangyari sa kanya. ” sabi ni Krysh.

Pagdating doon sa bistro nila, nakita ko na silang tatlo. Si Chris, hindi mapigilang uminom.

 

Tama na yan. ” sabi ko. 

Please, pa-pagbigyan niyo ako. Lah-hat na, meron kah-yo. Wag niyo na ah-kong pakialaman dih-to! ” sabi niya. 

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon