Chapter 45 - The Last Date

3.8K 44 4
                                    

Ethan’s POV

Eto na ako. Papunta na sa bahay nila. Anu nanaman kasi ang problema netong babae na to? Sabadong Sabado, tumanggi tuloy ako sa lakad naming apat ngayon. Saan naman kami pupunta? Kung saan kami dadalhin ng mga paa namin? Wow! Anu yun? Napakawalang kwentang sagot.

Beeeep, Beeeeeep!

Ang tagal naman niya! Ayan na pala eh.

Hi. ” sabi niya.

Let’s go?” sabi ko.

Sinakay ko na siya. Teka, let’s go? Saan naman kami pupunta? Bakit ba ako nasasama sa kalokohan ng babaeng ito eh!

Drive, Drive, Drive.

Saan ba kasi kami pupunta? Teka, Ethan, ikaw ang nagda-drive ah! Ikaw kayang mamili kung saan kayo pupunta! Okay! Alam ko na! Malayo layong byahe to. Bahala ka.

 

Saan na tayo pupunta? ” tanong niya.

Basta, magtext ka sa mama mo na bukas na tayo makakarating. ” sabi ko.

Ha? ” sabi niya.

Akala ko ba, ito ang gusto mo. Kung saan tayo dalhin ng ating mga paa. ” sarkastikong sabi ko.

"Oo nga, pero- ” pinutol ko.

"Wala ng pero pero. Matulog ka nalang muna dahil malayo ang pupuntahan natin. ” sabi ko.

Nag-sigh siya at nag-text na. Feeling ko, may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya masabi. Tss, wala na akong pakialam doon. Kung eto ang gusto niya, pagbigyan na natin. Malapit naman na itong matapos eh.

 

After 5 hours ng pagbya-byahe, nakarating din kami. Saan kami pumunta? Sa beach.

 

Tsup! Ginising ko siya ng isang kiss. Dumilat ang mga mata niya tapos ngumiti siya.

Pumayag si mama. Last naman na daw ito eh. ”sabi niya.

Kumunot ang noo ko. Last?!

I mean, last mo na daw ito na itatakas ako at text lang ang gamit kong pagpaalam. ” sabi niya.

Oh, I see. I-sorry mo nalang ako kay tita. Let’s go? ” aya ko.

Bumaba na kami ng kotse. Ang lakas ng hangin. Lumingon ako kay Krysh. Tinatangay ng hangin yung buhok niya. Ang sarap niyang tignan. Isang babaeng inosente na walang ibang ginawa kundi mahalin ako ng totoo at sobra sobra. Tapos ako, sasaktan ko lang siya. Teka. Nako-konsiyensiya na ba ako?

Let’s go? ” sabi ko. Tumango lang siya.

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon