Chapter 67- Holding On

2.5K 45 8
                                    

Kryshll’s POV

Bumalik na ako sa Pilipinas. I need to let go. I need to stop loving him. Pagkatapos ng nangyari, hinding hindi niya na gugustuhing makita pa ako ulit.

Iyak ako ng iyak. Hindi ko mapigilan. Wala na. Pinakawalan ko ang tanging taong nagpapasaya sa akin. Ang tanging taong mahal na mahal ko. At ang tanging taong gusto kong makasama habang buhay.

Sige, anak. Iiyak mo lang lahat yan. ” sabi ni mama. 

Maaa. Hindi ko kaya na wala siya. Hindi ko kayang i-let go siya. Pero alam kong hindi niya na gugustuhing makita pa ako ulit. Wala na, ma. Wala na.” sabi ko sa mama ko.

Shhhhh. Krysh. Balang araw, makakalimutan mo din siya. Alam kong mahal na mahal mo si Ethan, anak. Pero panahon na siguro para magparaya ka na. Pakawalan mo na siya sa puso mo.

Hindi ko po kaya mama. Siya lang po ang tanging lalaki na gusto kong makasama habang buhay. Siya lang, ma.

Anak, naiintindihan kita. Napagdaanan ko rin yan ng iwan ako ng papa mo. Pero alam kong malalagpasan mo ito. Tibayan mo lang ang loob mo. ” sabi ni mama at nagtuloy-tuloy lang ako sa pagiyak. Yakap yakap ako ni mama.

Tama si Mama. Dapat na akong magparaya. Kailangan ko na siyang pakawalan sa puso ko. Kailangan ko na siyang kalimutang mahalin. Gusto kong umasa na maibabalik pa sa dati ang lahat pero gising na ako sa katotohanan. Wala na akong Ethan na babalikan pa.

Ethan’s POV

Pag gising ko, ang sakit, sakit ng buong katawan ko. Hindi ko maigalaw. Parang nabali ata ang lahat buto ko. Ano ba ang nagyari sa akin? Bakit nakapalibot sa akin ang pamilya at mga kaibigan ko? At bakit ganito ang amoy dito. Amoy gamot na ewan. Bakit parang nasa… Ah. Oo nga. Naalala ko na. Naaksidente ako. Nasa ospital ako ngayon.

Tinignan ko yung mga taong nakapalibot sa akin. Si Mama, si Papa, sila Josef, Chris at Paolo. Si kuya at si Ate Monique. Pero hindi ko pa rin makita ang mukha na hinahanap ko. Si Krysh. Asan si Krysh?

Krysh” yun lang ang nasabi ko. Hindi ko rin maigalaw masyado ang bibig ko.

Magsasalita na sana si Mama kaso hinawakan siya ni Chris sa balikat. Walang nagsalita sa kanila. Nagtinginan lang sila.

Krysh, asan ka? Nananaginip lang ba ako nung sinabi mong pakakasalan mo ako? Nung sinabi mong magising lang ako at aayusin natin ang lahat at ibabalik sa dati? Siguro nga, panaginip lang yon. Dahil kung hindi yon panaginip, dapat andito ka sa tabi ko at inaantay ang paggising ko.

Pero sabi mo sa akin na kailangan natin itong maayos. Sabi mo sa akin na gusto mo akong makita. Sinabi mo sa akin iyon bago ako maaksidente. Diba? Pero bakit wala ka sa tabi ko? Bakit hindi mo inantay ang paggising ko? Wala na ba talaga ako sayo? Wala na ba talagang tayo? Wala na ba talaga?

 

Hindi ko nanaman mapigilang tumulo ang luha ko. Napatingin ako kay mama at kay papa. Umiiyak sila. Nagyayakapan sila. Alam kong tears of joy iyon. Nakita ko namang tumango si Chris at bigla silang lumabas lahat ng kwarto ko. Si Chris lang ang natira. Umupo siya sa upuan sa tabi ng kama ko at tinignan ako ng malungkot.

 

Nagtataka ka siguro kung bakit sila umalis at ako lang ang natira.” Hindi ako sumagot. Tumango lang ako.

Ang totoo niyan, tungkol ito kay Krysh. ” Kay Krysh? Anong nangyari kay Krysh? Nanlaki ang mata ko.

Kryshhhh…” hirap akong magsalita.

Walang nangyaring masama sa kanya. Wag kang magalala. ” Oh. Good. That’s good. Tumango ulit ako.

Ethan, alam kong hinahanap mo siya. Nakita ko kanina na lahat kami tinignan mo pero nalungkot ka nung makita mong wala siya.” Tumango ulit ako at tumingin sa may bintana.

Mahal mo pa ba siya, Ethan?” tanong sa akin ni Chris. Naluha ulit ako at humarap sa kanya.

Mahal mo pa ba si Krysh? ” tanong niya ulit. Tumango ako kasabay ng isa pang luha na tumulo sa mata ko. Tumango din si Chris.

Alam ko na kung ano ang nangyari, Ethan. Alam kong naghiganti lang siya sayo. Pinadama niya lang sayo ang bagay na pinadama mo sa kanya noon. Nasaktan siya, nasaktan ka. Patas na kayo, diba? Kaya sana, mapatawad mo siya. Hindi man ngayon pero balang araw. ” Tumango ulit ako. Hindi na niya kailangang humingi ng tawad, Chris. Tama lang na nangyari ito sa akin.

 “ Mahal na mahal ka ni Krysh, alam ko yun. At mahal mo siya.” Hindi, Chris. Nagkakamali ka. Sinabi niya sa akin na hindi na niya ako mahal.

Ang totoo niyan, sumama siya dito sa States para antayin ang paggising mo. ” States? Nasa States ako? Ah. Wala akong pakialam. Ang nakakuha ulit ng atensyon ko ay nung sinabi ni Chris na sumama si Krysh dito. At inaantay niya ang paggising ko. Pero bakit nung nagising ako, wala siya?

Pero umalis siya.” Umalis? Bakit?!

Nagpupumilit akong gumalaw at umalis para habulin siya. Pero pinipigilan ako ni Chris. Krysh! Krysh! Antayin mo ako. Wag mo na ulit akong iwan, please!

Please. Wag muna. Hindi mo pa kaya. At bigyan din natin siya ng oras. ” natigil naman ako sa pagwawala ko. Nagsalubong ang mga kilay ko. Oras? Bakit?

“Oo, Ethan.  Please. Huminahon ka muna. Totoo ang sinasabi ko. Sumama siya dito sa States at nagbabantay sayo. Hindi na nga siya minsan natutulog eh. Dun ko napatunayang mahal ka talaga niya. Siya ang nagbabantay sayo. Ayaw niyang umalis sa tabi mo. Pero kanina, sabi namin na magpahinga muna siya dahil pagod na rin siya at puyat na puyat. Ayaw niya pa nung una pero pinilit ko siya. At ayun nga, sabi niya, magpapahangin muna siya at bumaba. Habang nasa baba siya, bigla kang nagising. ”

Tumawag ako sa kanya para sabihing gising ka na at sabi niya, pupunta na daw siya. Natagalan siya kaya tinawagan ko ulit siya pero hindi niya ako sinasagot. Pero may isa siyang text. At sa text na yon, sinabi niya na hindi na daw niya kaya. Na hindi na daw siya ang babae para sa iyo. Na humihingi siya ng tawad. She even said goodbye. I don’t know what happened. Nung sinabi ko sa kanya na gising ka na… sobra siyang excited at masaya. ” Excited? Pero bakit siya umalis?! Hindi ko nanaman napigilan ang luha ko.  

Pero nung na-receive ko yung text niya… naisip ko na... maybe she needed some time. Time to think, I guess. Siguro hindi siya seryoso sa goodbye niya. Kasi alam kong mahal na mahal ka niya. ” Umiling ako. Hindi niya na ako mahal. Mali ka, Chris. Iniwan na niya talaga ako.

Bigyan mo siya ng panahon, Ethan. At kung sa tingin mo na panahon na para maayos niyo ang sa inyo, balikan mo siya. Puntahan mo siya. Pero ngayon, magpahinga muna kayo sa mga nangyari. Patas na kayo. Itigil niyo na ang gantihan at sakitan. Magpakatotoo na kayo. Kasi alam kong malayo ang mararating ng pagmamahalang yan. Maniwala ka sa akin.” Tumango ako. Pero hindi parin matigil ang luha ko.

Pwede pa ba? May pagasa pa ba? Maibabalik ba namin ito sa dati? Sana nga. Sana.

Just… hold on, Ethan. Hold on.” 

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon