Chapter 42- Kidnapped?

4.3K 47 8
                                    

 Kryshll’s POV

  

Ang aga kong nagising! Nakakainis. Pagtingin ko sa cellphone ko, wala pa ring text si Ethan. Di kaya tulog pa to? Sige na nga, ako nalang ang unang maggi-greet sa kanya ng happy monthsary. Matext nga.

To: Ethan <3 

Good Morning! Wake up! It’s a very beautiful day. Happy first monthsary to us! Infinite monthsaries to come! Keep safe! God Bless! I love you so much! :*

Sent!

Tulog pa siguro itong taong ito. Makakain na nga lang muna sa baba.  

Good Morning, mama! ” sabi ko. 

Good morning anak. Oh! May package ka pala. Andun sa sala. ” sabi ni mama.

 “ Sige ma, tignan ko lang po. ” sabi ko tapos patakbong pumunta sa sala namin.

  

 Ayun, nakita ko agad yung kahon. Pagbukas ko, nakahilera yung roses. Tatlong nakaplastic. Pagtingin ko, sa isang plastic, isang rose lang. Dun sa pangalawa, dalawa at dun sa last, apat. Tapos may note. 

Krysh,

 

Happy First Monthsary sa atin. One Two Four, Krysh. Kita tayo sa school mamayang 4:30 pm. I love you so much! :*

Ethan 

Sabi ko na nga ba’t hindi ako nakalimutan ng mokong na ito eh! Hmmmp! Makakain na nga lang muna! 

Mag-iingat ka sa pupuntahan mo mamaya ha.” Sabi ni mama. Alam niya kasi na may date ako kasi monthsary namin. Tanggap din ni mama na kami na ni Ethan. 

Opo mama. Alis po ako around 4:30 ng hapon. ” sabi ko.

Sige. Alagaan mo sarili mo ha.   ” sabini mama.  

Opo. Ay mama, papagupit po pala ako mamaya ng maiksi. ” sabi ko.

 “ Ikaw bahala. Sige. Kumain ka na. ” tapos ayun, kumain na ako.

Pagkatapos ng tanghalian, tsaka dumating sa bahay si Shay. Busy kasi yung dalawa eh. May date din.

  

Ma! Alis na po kami ni Shay. ” sabi ko.

"Sige anak, mag-ingat kayo. ” sabi ni mama. Tapos ayun, pumunta na kami sa pinakamalapit na mall. 

Pagupit muna tayo. ” sabi ko.

 “ Sige. Ano bang trip mong gupit? ” tanong sa akin ni Shay.

 “ yung maiksi sana. ” sabi ko naman.

 “ Ay, sige sige! Bagay sa iyo yun! Tara! ” Tapos ayun, pumunta na kami sa pagupitan. 

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon