Chapter 5 - Amnesia?

6.6K 115 15
                                    

 Kryshll’s POV

Ano ka ba naman Kryshll, Class A yun noh! Wag na wag ka ng makikipagusap doon. Understood? Ang aga-aga, kausap ko nanaman ang sarili ko. Pano ba naman kasi kahapon, may nakilala akong taga Class A. Kaaway namin yun noh! Hindi pwedeng makipagkaibigan. At isa pa, mayaman siya. Halatang manloloko siya at baka ugaling Papa rin. Simula ngayon, wala kang naaalala sa mga nangyari kahapon. Understood?

Tumayo na ako at nag ayos. 

Alis na kami, mama! ” Sigaw ko sa kanya.

Hinatid na ako ni kuya at iniwan doon.

Mag- iingat ka ha. ” Sabi sa akin ni kuya.

Opo, kuya. Bye! Ingat!” Sagot ko nalang at umalis na siya.

Asan na kaya silang tatlo? Makapunta na nga sa classroom. ” Sabi ko sa sarili ko nang nakita ko si Chris na parang may hinahanap. Ignore him at takbo papuntang classroom. Okay? 

One, Two, Three! Takbo! ” habang tumatakbo ako, nakabangga ako ng lalaki na may kasamang 2 pang iba. Hindi ko na tinignan ang mukha at nag-sorry nalang. 

Sorry, Sorry po talaga. ” nagra-rush na ako kasi baka mapansin pa ako ni Chris at kulitin niya ulit. 

Hey, Miss. Shit! Magingat ka sa dinaraanan mo! Dumb ass, humanda ka! ” Yun nalang ang narinig ko sa lalaking nabangga ko pero hindi ko parin nililingon. Bahala na si Batman!

Oh, Krysh, anong nangyari sa iyo? Para kang hinahabol ng aso jan ah. ” Sabi ni Jam sa akin.

Wala ito. Napatakbo lang kasi akala ko late na ako. ” Palusot ko. 

Ah, ok. Akala namin, may nangyari sayong masama. Sige, sa susunod, agahan mo nalang gumising at nang hindi ka nagra-rush. ” paalala sakin ni Mika. 

Salamat. ” Paupo na sana ako ng upuan ko nang may mga babaeng dumaan sa classroom namin at bumubulong. Pero take note, hindi bulong. Parinig ata.

Sino ba yung babaeng yun? Nabangga si Ethan my love tapos di man lang niya nilingon. Nag-sorry daw siya pero wala paring respeto kasi di man lang daw niya tinignan at sincere na nag-sorry kay Ethan baby. ” Rinig na rinig ko yung mga sinabi nung mga babaeng nag-uusap pagkadaan nila sa classroom namin. I’m dead!

Ring! 

Krysh, Spill ! ” Sabi sa akin ni Shay with a death glare. Pano kaya nila nagets? Huhu.

Fine. Nagmamadali ako kasi may tinataguan ako. Christian Tolentino ang pangalan niya .Nakausap ko siya kahapon dun sa may swimming pool. Taga Class A siya at kaya ko siya tinataguan kasi baka kulitin niya ako at isa pa, kalaban natin sila. “ Paliwanag ko.

Talagang kalaban natin sila, Krysh! At wag na wag ka ng lalapit sa lalaking yun o kahit sino pa sa Class A, tandaan mo yan! ” Pasigaw na sabi ni Jam. 

Ok. Promise. Di na ako lalapit sa Christian na iyon. Pero teka, parang galit na galit ka ata sa mga taga- Class A ah? May naging ex ka ba dun sa kanila? ” Tanong ko.

“  Wala. Hindi ako ang sinaktan nila. Ang kapatid ko. Mas bata sa akin ng isang taon.  Masama sila. Matapos kang pagsawaan, iiwan ka din nila. Iniwan ng isa sa four-whore ang kapatid ko ng luhaan. Muntikan ng magpakamatay ang kapatid ko dahil sa Paolo na yan. Arvin Paolo Reyes,  Damn him! ” Sagot sa amin ni Jam.

 “ Iiwan? Ganun na ba sila kaimportante para maisipan ng mga babaeng nagmahal sa kanila na magpakamatay? ” Sagot ko ng nakakunot ang noo. Ganun din kasi ang ginawa ng tatay ko sa amin. Iniwan! Kaya hinding-hindi ako nagtitiwala sa mga lalaki maliban sa kuya ko. 

Oo, masiyado silang matinik. Kaya kayong tatlo, mag-iingat kayo sa kanila. Lalo na ang four-whore. ” Paalala ulit ni Jam.

Sino-sino ba ang four-whore na yan? ” Tanong naming tatlo.

Philip Josef  Santos. 18 years old. Young Master ng lahat ng car company sa Pilipinas. Owner ng 147 hectares all over the world. Owner ng 23 hotel sa USA, 17 sa Europe, 41 sa Asia at 12 sa Australia."

Arvin Paolo Reyes. 18 years old. Owner ng 25 bank branches sa Pilipinas. Owner ng 173 hectares all over the world. Owner ng 14 na Mall, Stockholder ng 7 different schools including this school and 16 other hotels in Singapore, United Kingdom, Africa and Canada ang family nila. ” Dagdag niya ulit.

Christian Shayne Tolentino. 18 years old. Owner of 38 restaurants. 18 real estates, 165 hectares all over the world at Gadget shops din all over the Philippines. ” nagulat ako ng sinabi niya si Chris.

Si Chris? Isa sa kanila? Manloloko rin siya? ” Tanong ko.

 “ Oo Krysh. Kaya nga diba, sinabi kong lumayo ka dun dahil sasaktan ka lang nun. Maiitim ang budhi ng mga yun. ” Sagot sa akin ni Jam.

Pero, tatlo palang ang nasasabi mo. Sino pa yung isa? Four-whore diba? ” Singit ni Shay. 

Teka kasi, iniisip ko pa ang description sa isang ito. Malala ito eh. ” Sabi niya ng halatang nag-iisip talaga.

Aha! Eto na. Ethan Duane Torralba. 18 years old. Leader ng grupo nila. Hearthrob, cassanova, walang nagtatagal na relasyon, matinik sa babae at kanila yung school na ito. His family possesses 172 hotels all over the world. 56 different resorts here in the Philippines. Stockholder of Apple Company, 56 real estates, 238 hectares of land all over the world and owner of different branches of labeled products such as Prada, Louis Vuitton, Hermes, Chanel, Guess, Lacoste and Gucci.” Ang OA naman ha! Ano daw? Ganun sila kayaman? Sayang naman ang pera nila kung bato naman ang puso niya. Jaw drop kaming tatlo sa OA ng description niya sa huli. 

For real?! ” Sabi ni Mika ng hindi parin makapaniwala. 

Yes. Hindi ko pa sure yung pagmamayari nila sa lagay na yun ha. Malay ba natin kung mas marami pa. Alam kong OA sa yaman pero ano bang magagawa natin? Pinanganak silang mga Prinsepe eh. Prinsepe ng Kadiliman. Hahaha.  ” Evil laugh ang ginawa niya. Ang creepy ha. 

Ang creepy mo. ” sabi ko kay Jam. 

Pero sige, from now on, hindi ko na nakilala iyang Christian na yan. Gago rin naman pala iyan eh. Di mo samin sinabi ng maaga para naman alam namin. Pero ok lang. Atleast, precaution na iyon para sa aming tatlo. Never akong maghahabol sa isa sa kanila. SWEAR! ” Sabi ko at itinaas ang kanang kamay ko.

 “ Me too! ” Sabi ni Shay. 

Asa namang ako magkakagusto sa kanila. Itatak mo pa yan sa  bato. ” Sabi naman ni Mika.

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon