Chapter 34 - Flag Ceremony

4.6K 49 9
                                    

Ethan’s POV

 

Shit. I need to do something. Kailangan niya akong mapatawad kung hindi, talo na ako. Forever.  

Mag-sorry ka na bago pa mahuli ang lahat. ” bulong ni Josef. 

Sandali lang. Wag niyo muna akong guluhin. Please lang. ” sabi ko.

 “ PLEASE? What the--” sabi ni Josef. 

Huhuhu! Di pa ako pinapatawad ni My Dear! Huhuhu! ” sabi ni Paolo. 

Mag-sorry ka sa flag cem. ” sabi ni Chris sabay tapik sa kanya. Wait, magso-sorry din ba siya kay Krysh ngayong flag cem?  

Oo nga! Ang galing mo talaga! Thanks! ” sabay takbo palabas at nagsisisigaw. 

I’m sorry dear! I’m sorry dear! I love you! ” Shit. Nabaliw na.  Okay na siguro tong sasasbihin ko.

Ethan! Dalian mo! Tara na! ” sabi ni Josef.  

Natapos din itong walang kwentang flagcem na to. Hindi ba pwedeng mag-announce nalang hindi yung kakanta kanta pa? Kami nalang ata ang college na may ganito eh. Si dad naman kasi, gusto pa rin na may ganito. Banas.  

Are there any more announcements? ” tanong nung babae. 

Yes! ” Sabi ni Paolo. Nagtaas siya ng kamay at nagtata-talon. 

I have something to say! ” sabi niya. Pinasa naman yung mic sa kanya. 

Good Morning, Torralbians. May gusto lang akong sabihin sa harap niyong lahat ngayon. ” sabi niya. Nakikinig naman ang lahat. Yung iba, kinikilig pa.

Juriel, are you there? ” sabi niya. Nagtinginan naman ang mga tao sa direksyon ni Juriel. 

Juriel May Torres, I love you and I’m really, really sorry sa nangyari noong Friday. Sana, mapatawad mo ako kasi ayokong magalit ka sa akin. Please, I’m really, really, sorry. Patawarin mo na ako. Hindi ko kaya na nagagalit ka sa akin eh. ” sabi niya. Seryosong seryoso ang mukha niya. Pano ba gawin yun? Yung mag-mukhang sincere ang pag-sorry? Argh! Nakaka-baliw! 

 “ Patawarin mo na! ” sigaw ng isang babae. 

Oo nga! Kawawa si Papa Paolo! ” sigaw ng ibang babae. 

Ayaw mo? Sige, amin na siya! ” sabi ng isang grupo ng babae. Tumayo si Juriel pagkatapos sabihin nung mga babae na sakanila nalang si Paolo. 

Patatawarin na yan! Patatawarin na yan! Patatawarin na yan!” Paulit ulit na sigaw ng lahat. 

Oo na! Pinapatawad na kita! And, I love you too! ” sigaw ni Juriel sa malayo. 

Yes! Whoooo! I love you, my dear! ” sagot ni Paolo at nagtata-talon. 

Yun lang ang sasabihin ko. Are there any more announcements? ” tanong ni Paolo. Inagaw ko yung mic sa kanya. 

Dude, ako meron. ” Tumango naman siya at umalis na sa stage. 

Ethan! ” Tilian ng mga babae. I’ve missed this. Kaso, di pa ako pwedeng mambabae ngayon. Konting tiis lang, Ethan. Konting tiis lang.

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon