Chapter 29 - Meeting his Family

5.1K 68 4
                                    

 Ethan’s POV

 

 Balak ko pa namang kumain kasama siya dito sa bahay. Kaso, nakatulog naman na siya. Hindi niya ata na-realize na nasa ibang bahay siya sa sobrang antok! Kunin ko nalang yung phone niya at itext sa mama niya na kunwari, makikitulog siya kay Juriel kasi may project na gagawin.

Tapos kinuha ko yung phone niya at nag-text. After ilang minutes, nagreply na mama niya at pinapayagan siya. Okay! 

Lumapit ako sa kanya para kumutan siya nang biglang dumating si kuya.

 

 Anong ginagawa mo dito? ” Sabi ko.

 “ Bahay ko rin to. Masama bang andito? ” Sabi niya. 

Bahala ka na nga. ” Tapos, tumingin siya kay Krysh at ngumiti. Anak ng! 

Hoy! Anong tini-tingin tingin mo jan! ” Sabi ko. 

Shhhh. Wag mo siyang gisingin! ” Sabi ni kuya sabay umalis na. Anong oras na ba? Ah, 7:30 na pala. Magpapaluto muna ako ng hapunan. 

 “ Paluto ako para sa dalawa. ” Sabi ko dun sa chef namin sa bahay. Tumango lang siya.

 “ Make it three. ” sabat ni Kuya.

After 5 minutes…

Beep beep! Wait! Tama ba ang narinig ko? Parating sila mama? 

 

Hi ma! ” Sabi namin ni kuya. 

Bumalik na pala ang panganay ko! I miss you so much! Si Monique? ” 

Ah, nakipagkita po sa mga kaibigan niya. ” Sabi ni kuya.

 “ Ganun ba? Eh ikaw? Bakit ayaw mong makipagkita sa mga kaibigan mo? ” Sabi ni mama.

 “ Gusto ko po muna dito sa bahay para kayo ang una kong makita. ” Sabi ni kuya.Tatalikod na sana ako kaso tinawag ako ni mama.

 “ Ethan! How’s school? ” Tanong sa akin ni mama.

Ayos lang ma! ” Sabi ko tapos talikod na ulit. 

Are you sure, darling? Bakit para- ” tapos, napatigil si mama. Nakita niya si Krysh na natutulog sa may upuan! Nako! Nakalimutan kong andito pala siya! Paano na!

Sino siya? At bakit siya natutulog dito? ” Tanong ni mama. Kaya si papa, lumapit narin. Magsasalita na ako kaso nagsalita si kuya. 

Mom, she's Ethan’s girl. ”Pakialamero ka talaga kuya!

I have something to tell you. ” Sabi ni kuya. Hindi na nagsalita sila mama at papa at sumama kay kuya. Ano naman kayang sasabihin niya?

After 15 minutes siguro bumalik na sila kuya. Si mama at papa, nakangiti sa akin. Anong nangyayari?

 

My son! ” Tapos bigla akong niyakap ni mama. Tapos tinignan ko si kuya ng what-the-hell-is-this look. Kaso, nagkibit-balikat lang siya. 

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon