Chapter 10- New Feelings

6K 98 9
                                    

Christian’s POV

 Krysh, umiiwas ka ba? ” Sabi ko sa kanya.

 “ Uhm, kilala po ba kita? Pwede po bang paki bitiwan niyo ako kasi baka iba isipin ng mga tao. Babalik na kami sa classroom eh. Time na.” Sagot niya sa akin. What? Hindi na niya ako kilala? 

Si Christian ito! ” Sabi ko sa kanya. 

Hi Christian. Nice meeting you. Busy ako eh. Next time nalang ha. ” Sagot niya sa sabi ko. Ano daw? 

Krysh! Ako ito, si Christian Shayne Tolentino. Yung nakilala mo sa may pool nung first day of school. ” Paliwanag ko. Hindi na ba niya talaga ako kilala o iniiwasan niya lang ako? 

Laboratory partner ba kita? O may ipapaturo kang lessons? Next time nalang ha. Busy talaga kami eh. Time narin kasi ” Sabi niya sa akin at inalis ang kamay niya sa pagkakahawak ko. 

Uh, excuse me? Busy talaga kami eh. Kung may ipapaturo ka, next time nalang. Bye! ” Sabi nung isang babae. Teka, si Juriel iyon diba? Ex ni Paolo yung kapatid niya. Si Jorraine. Hindi na ba niya ako nakikilala? 

Bye ha! Nice meeting you. ” Sabi nalang sa akin ni Krysh.

 “Ok. Sige, next time nalang.” Sagot ko kay Krysh. 

Time na. Ibig sabihin, Physics na. Cut kaming barkada ngayon. Ayaw namin ang subject na iyon dahil sa teacher. Naglakad na ako papunta sa other direction. At eto nanaman. Pinagkakaguluhan ako ng mga babae sa paligid ko. Hindi na sila magtino! Hindi katulad ni Krysh. Simple, hindi malandi at kung titignan mong mabuti, maganda siya. Maganda talaga. Ano ba itong nangyayari sa akin? Nagugustuhan ko na ba siya? Nagtino na ba ang isang cassanova na katulad ko? Iba talaga siya eh. Kapag kumakain siya kasama ang mga kaibigan niya, ang cute niya lalo na kapag may natitirang chocolate sa gilid ng lips niya. Kapag tumatawa naman siya, para siyang anghel na bumaba sa langit. At  kapag naman natutulog silang magkakaibigan sa may bench or sa umbrella tree kung saan ang eating place nila, ang sarap niyang pagmasdan. Napaka-inosente at halatang hindi pala-gamit ng kung anu-anong make up. Pinkish lips, glowing cheeks, mesmerizing eyes at mabait siya. Halata sa kanya. Haaaay!  Ano bang nangyayari sakin? Nahuhulog na ba ako sa kanya?

Sa tingin ko, Oo. Nahulog na ako ng hindi ko namamalayan. ” Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad papunta kayla Ethan na may mga kalandian nanamang babae sa bench. 

Dude! ” Sigaw sa akin ni Josef. 

Hoy kayo jan, umayos nga kayo. Kayong mga babae, umalis muna kayo dito. ” Sigaw ko dun sa mga babae. 

Ikaw Chris, kahit kailan, panira ka. Kakakilala ko lang dun sa babae eh. Mukhang magandang kasama, pinaalis mo. Mukha pa naman akong mageenjoy sa kanya. ” Singit netong abnormal na Paolo na ito. 

Babae, babae! Babae my ass! Kung sinu-sino pinapatulan niyo! ” Sabi ko sa kanila. 

Asus! Kung makapaalala ka, parang hindi ka isa sa amin ah! ” Shit. Oo nga pala.  

Kaya lang naman ako pumunta dito para ipaalala kay Ethan na magreview para sa contest. ” Palusot ko.

 “Si Ethan, magrereview? Oh c’mon! Kaya na niya yan! ” Sabi ni Paolo at taas ng kamay niya na may money sign. 

At dahil isa ako sa lalaban this year, gusto ko wala munang daya. Gusto kong makipaglaban ng pantay sa ibang section. ” Sabi ko sa kanila. 

Ayan ka nanaman sa panlalambot ng puso mo eh! Since gradeschool, ginagawa na ng parents natin yan eh! Binabayaran ang judge para tayo ang manalo. ” Sagot sa akin ni Paolo. 

Oo nga, nananalo tayo. Pero dahil ba sa katalinuhan natin? Kaya nga tayo binigyan ng Diyos ng isip eh, para gamitin ito ng tama. Para lang nating pinapakita na bobo tayo at takot lang makipaglaban sa iba. ” Sagot ko sa kanya. 

 “ Oo nga naman, Ethan. Para lang nating sinasabing hindi natin sila kaya. ” Sabi ni Josef kay Ethan. 

Fine! Makikipaglaban ako ng patas this year. ” Sagot ni Ethan sa akin. 

Good! Better review na dahil tricky daw ang questions this year. ” Sabi ko sa kanya. 

Okay. “ Sagot ni Ethan. 

Tara! Basketball muna tayo. ”  Singit ni Paolo. 

Okay. ” Sabi naming tatlo ng sabay-sabay. 

Pagdating namin sa court, andun nagpe- P.E. ang Class C. Nakita ko si Krysh at napako ang tingin ko sa kanya. Nagva-volleyball sila. Ang galing niyang maglaro. Tinignan ko si Ethan at nakatingin rin siya sa Class C. At sa iisang tao rin. Kay Krysh. Seriously, what’s with her? Napapako ang tingin ng mga cassanova sa kanya. Nagyaya na akong magsimula na ng paglalaro kung hindi, matutunaw na ang taong gusto ko sa tingin ni Ethan sa kanya. Buti nga at walang nagtitilian ngayon. Ewan ko ba kung anong meron sa Class C. Mga bulag ata sila at wala ni isa sa kanila ang nanlalandi sa amin. Haaay, makapaglaro na nga lang. Magkakampi kami ni Ethan sa game. 2 on 2 kasi.

Ethan, ipasa mo sa akin! ” Sigaw ko. Nakita kong lumingon si Krysh. Kaya hindi ko nakuha and bola dahil naagaw ni Josef. Talo tuloy kaming dalawa. 67-68 ang score. 

Anong nangyari sa inyo? Nanalo tuloy kami. Haha. ” Kutya ni Josef. Tumawa nalang ako at di na sinagot ang tanong ni Josef. Nakita kong paalis na ang Class C kaya nagaya na rin akong umalis. Nakatingin parin ako kay Krysh. Ang saya saya niya. Haaaaaay, nahulog na talaga ako. 

Tara na! Time na oh. ” Yaya ko sa kanila.

Sige, bihis lang muna tayo sa locker room. ” Sabi ni Paolo.

Pumunta na kami sa locker room at nagbihis. At tsaka pumunta na sa next subject.

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon