Chapter 31 - Agawan?

4.9K 71 11
                                    

Christian’s POV

 

Uy, san ka ba nanggaling? ” tanong sa akin ni Paolo.

Wala. Papunta dito. ” sagot ko.

Bakit ka pupunta dito? ” Tanong ni Ethan na salubong ang kilay.

 “ Ha? Kasi, hinahanap ko kayo. Wala akong kasama eh. Baka sakaling andito kayo at bingo! Andito nga! ” palusot ko.

 “ Ah, okay! Tara, sabay ka na sa amin! ” sabi ni Paolo.

Okay. Pero wait lang. ” Pumunta ako kay Krysh at kinuha siya kay Ethan.

Uy, anong ginagawa mo? ” tanong ni Krysh.

Relax! Pagod na ang nagbubuhat sa iyo. Halata sa mukha niya. Kaya, ako naman. ”   Napatingin siya kay Ethan.

Ah, oo nga. ” Tapos ngumiti siya at ako naman ang nagbuhat sa kanya.   

Thank you Ethan ha. ”   

Ethan’s POV

 

Nakaka-inis! Panira ka ng diskarte, Chris!   

Chill. ” tapik sa akin ni Josef.

Nakaka-inis! Baka hindi ako magtagumpay dito.” sabi ko kay Josef.

 “ Ang hina mo kasi! ” sabi ni Josef.

 “ Ha? ” sagot ko nalang.

 “ Ikaw ba talaga si Ethan o ano? Hahayaan mo ba siyang maagaw sayo? Agawin mo pabalik! Takte naman ang bagal mong maka gets! ” nataranta ako sa sinabi ni Josef kaya tumakbo ako papunta kay Krysh. Isa kang mahirap na mission Krysh. Pero, hindi ko hahayaang matalo ako sa larong to.

Ako naman! Ayos na ako. ” sabay agaw ko kay Krysh na ngayong sobrang nakangiti nung buhat ni Chris. Nawala naman ang ngiting yun at nagulat siya nung agawin ko siya.

Ay! Ethan! Ano ka ba! Bakit mo binigla! Akala ko naman mahuhulog na ako! Nakaka-inis ka! ” sabi ni Krysh pero hindi ko pinansin yun. Instead tumingin ako kay Chris na halatang naiinis dahil sa pag-agaw ko. Belat! :P

Sorry, ako naman ang bubuhat sayo tutal malapit na tayo. ”

Nakarating kami sa kainan nila at kumain. Ang init sa lugar na yun! May private cafeteria naman kaming apat nila Josef, bakit ayaw nilang kumain doon at pinili kasama ang mga babaeng ito? Tch!

 

 

Tara na!” sabi nila.

Krysh, ako naman ang bubuhat sayo. ” sabi ni Chris.

"Wag na. Kaya ko namang maglakad eh. OA naman kayo. Alalayan niyo nalang ako sa paglalakad. ” sabi ni Krysh. Belat!   

Krysh! Swerte mo! Pinagaagawan ka ng dalawang papables! ” sabi ni Shay.

 “ Shunga ka ba! Manahimik ka nga jan! ” sabi ni Mika.

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon