Climax: The Conflict

830 47 0
                                    

Sa patuloy na pag-akyat ng naratibo, darating ito sa pinakarurok ng kuwento na tinatawag na climax. Ang climax ang pagbasag sa lahat ng natitirang pag-asa ng mambabasa sa isang magandang wakas. Ito ang may pinakamalalang tensiyon. Ito ang nagtatanghal sa pinakamataas na tunggalian o conflict. Ito ang pinakamadilim at pinakamarubdob na bahagi ng kuwento. Ito ang bagyo.

Walang kuwentong walang climax, gaano man kadramatiko o kagaan. Walang kuwentong walang conflict, gaano man kasimple o kakomplikado.

Ang simula at ang paggulong ng mga pangyayari ay para sa paghantong sa climax at conflict. Ang kuwento ay para humarap sa suliranin. Ang tauhan ay para subukin ng mga balakid.

Identify the highest point of your story so you'll figure out how to go from the first chapter to your climax. Identify your conflict so you'll figure out how to raise the stakes for your characters.

Be merciless. Make your conflict hurt. Conflict, pain, and challenges make your characters shine and your ending satisfying.

Pagsulat ng Kuwento 101 (Published under PSICOM PUBLISHING)Where stories live. Discover now