IX. The Plot

817 36 0
                                    

Ang kuwento ay kathang-isip at produkto ng imahinasyon. Some writers see story trailers and teasers first, before the full story. Some see the endings first, before the opening scene. Some see the bits and pieces of the full story before making sense of the sequence.

Anuman ang simula o wakas o kalagitnaang ating masilip, ang kuwento ay may mga pangyayaring kailangang ilatag, isaayos, at isulat upang makumpleto.

Ang mga pangyayaring bumubuo sa kuwento ang tinatawag na plot o balangkas. Ito ang story line. Ito ang nilalaman. Ito ang mga eksena at kabanatang isusulat natin.

Ang sabi ni Stephen King:

You go where the story leads you.

May sariling direksyon at daanan ang mga kuwento. Trabaho natin bilang manunulat na malinawan sa direksyon nito at magdesisyon kung kailan ito magsisimula at magwawakas sa papel. 

Pagsulat ng Kuwento 101 (Published under PSICOM PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon