Introduction: The First Chapter

1.1K 55 0
                                    

Isa sa paulit-ulit na tanong ng manunulat ang tungkol sa unang kabanata. Saan ba dapat simulan ang kuwento? Paano ba malalaman ang tamang simula? Ano ba ang isinusulat sa unang kabanata?

Ang sagot ni Ernest Hemingway:

You just have to go on when it is worst and most helpless – there is only one thing to do with a novel and that is go straight on through to the end of the damn thing.

Sa iba pang sagot:

Start with the threat. Start with the change.

Ang kuwento raw ay sinisimulan kung saan may banta at pagbabago sa buhay ng mga pangunahing tauhan. Na kung ang kuwento ay tungkol sa isang normal na taong nagkaroon ng kapangyarihan, mainam na unang kabanata ang mismong araw kung kailan siya nagkaroon ng kapangyarihan. Na kung ang kuwento ay tungkol sa isang taong haharapin ang nalalabing araw niya sa mundo, mainam kung ang unang kabanata ay ang mismong araw na nalaman niyang magbibilang na siya ng mga huli niyang sandali.

Dive straight into the story.

Don't start too early.

May mga nagsisimula sa itinuturing nilang pinakasimula kung saan ipinakikita ang mga pangunahing tauhan sa normal at pang-araw-araw na routine. Depende sa kuwento, maaari itong ituring na build-up o set-up. Ngunit laging ikabit ang tanong na ito: kinakailangan ba ito upang buksan ang kuwento?

Ang napakaagang simula ay pagsusulat ng napakaraming parte sa buhay ng tauhan na nagpapatagal sa galaw ng kuwento.

May nabasa ka na bang nobela o maikling kuwento kung saan nainip ka sa pagdating sa parteng ipinangako ng teaser sa likod ng libro? Iyon ay maaaring nagbukas sa isang napakaagang parte sa buhay ng tauhan na wala pang kinalaman sa mismong plot. Hindi man mapangalanan o matukoy nang tuwiran, madaling maramdaman ng mambabasa kung maagang nagsimula ang kuwento. Ito ay kadalasang nakaiinip.

Don't start too late.

May mga nagsisimula naman sa kalagitnaan ng action sa kuwento na nakalilito sa mambabasa.

May nabasa ka na bang kuwento na interesante at maaksyon ang simula ngunit sa kalagitnaan ay naging kaantok-antok na mga flashbacks at narrations ang nilalaman? Ito ay maaaring nagsimula nang napakalapit sa katapusan, hanggang sa puntong hindi na maitawid ang kabuuan ng kuwento at hindi na mailatag sa mambabasa ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

Ang simula ng kuwento ay dapat na nagpapakilala ng mga pangunahing tauhan, nagpapakita ng tagpuan, at nagpapasilip sa maaaring banta, balakid, o suliranin sa kuwento.

Pagsulat ng Kuwento 101 (Published under PSICOM PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon