Rising Action: The plot thickens ~

928 41 0
                                    

Matapos matukoy ang simula, sinusundan ito ng kawing-kawing at kabit-kabit na mga pangyayari na magtutulak sa mga tauhan patungo sa pangunahing suliranin o balakid o iyong tinatawag na conflict.

Isang pagkakamali ng mga nagsusulat ang pagpupuno lamang ng mga eksena sa gitnang bahagi ng plot o story line. Tandaan na ang mga eksenang magbubunsod at magpapagalaw sa kuwento ay dapat na tulad ng mga domino tiles na nakatayo at nakahanay. Sa isang pitik sa unang domino, sunod-sunod dapat na matutumba o gagalaw ang mga nasa hanay nito.

Gayundin naman sa mga events o pangyayari sa kuwento, ang simula ay dapat na magtulak sa ikalawang galaw, na magtutulak sa ikatlong galaw, na magtutulak sa ikaapat na galaw... at kasunod pa.

Tinatawag itong "rising action" dahil papaakyat ang galaw ng kuwento mula sa simula ng narrative. Sa parteng ito, lumalaki ang mga konsekuwensiya ng bawat desisyon at kilos ng mga tauhan, lumalala ang banta sa tagumpay, at humihirap ang mga pagsubok.

This is the storm brewing.

Dapat na malinaw ang paggalaw ng kuwento tungo sa conflict.

I want the story to have a rhythm that keeps moving forward. Because that's the whole point of telling a story. You're on a journey — you're going from here to there. It's got to move.

Ursula K. Le Guin

Pagsulat ng Kuwento 101 (Published under PSICOM PUBLISHING)Where stories live. Discover now