I. Story Ideas

8.5K 430 65
                                    

Good story ideas seem to come quite literally from nowhere, sailing at you right out of the empty sky: two previously unrelated ideas come together and make something new under the sun. Your job isn't to find these ideas but to recognize them when they show up.

Stephen King

Ang bawat kuwento ay nagsisimula sa isang ideya. Ang story idea na minsan ay tinatawag ding spark ay maaaring senaryo, tema, diyalogo, konsepto, tauhan, at iba pa. Ito ay maaaring maudyukan ng nakikita, naririnig, o naoobserba natin sa paligid. Ito ay maaaring napapadaan sa sandali nating pagtulala at pagtunganga. Ito ay maaaring isang imaginary situation na sinusubukan nating i-solve sa isipan. Ito ay maaaring kasagutan sa isang What If scenario. Ito ay maaaring karanasan, hugot, social media status, quotes, spinoff ng nobela na nabasa natin, atbp.

Ayon sa mga sikat na manunulat, ang mga tunay na manunulat daw ay may kakayahang kumilala, pumulot, at mag-uwi ng ideya na pakalat-kalat saanman. Ito ay sa kadahilanang napapalibutan tayo ng mga ideyang maaaring itaguyod upang maging isang kuwento. Ang bawat piraso at himaymay ng impormasyon na nasasabat natin sa pang-araw-araw ay maaaring maging datos sa pagsusulat. It is our job as writers to pick it, save it, observe it, and turn it into a story.

Mula sa mga ideyang nag-uudyok sa ating pakiramdam at imahinasyon, maaaring ipanganak ang isang buong kuwento. 

Pagsulat ng Kuwento 101 (Published under PSICOM PUBLISHING)Where stories live. Discover now