Story Elements: Dagdag-kaalaman

1.5K 96 0
                                    

One-shot story.

Ang one-shot story ay isang bagong category na karaniwang matatagpuan sa mga online writing platform. Nagmula ito sa one-shot category sa mga comic books, kung saan ang kuwento ay standalone at hindi parte ng anumang serye. Karaniwan itong ginagawa upang tukuyin ang interes ng market.

In-adapt ito ng mga online writing platform at madalas na naipagkakamali ng mga bagong manunulat sa short story. Ang one-shot story ay maaaring isang dagli, maikling kuwento, synopsis o buod ng isang mahabang kuwento, at prologo. Hindi ito katumbas ng isang short story o maikling kuwento.

Dramarama sa hapon

Ang dramarama sa hapon ay isang kuwento kung saan ipinanganak, nag-aral, nag-debut, nag-graduate, nagkatrabaho, nagkaasawa, nagkasakit, at namatay na ang bida at tayong mga manonood o mambabasa ay litong-lito kung alin ang tunay na conflict. Lahat ng pagpapahirap ay nangyari na sa bida—namatayan, naagawan ng asawa, nakidnapan ng anak, nasunugan, nawalan ng kabuhayan, inalipusta ng buong barangay, na-rape, naghirap, nagkasakit nang malubha, naaksidente, nagka-amnesia, ilang ulit ipinapapatay ng kontrabida—pero kaduda-duda pa rin kung alin ang tunay na conflict. Ang arko ng kuwento ay may iba pang arko na sala-salabid at sa bawat arko ay may balakid... pero kaduda-duda pa rin kung ano ang main conflict. Lalong magulo ang theme.

Ang dramarama sa hapon ay isang magulong epiko, isang kuwentong nagsimula at walang malinaw na katapusan, at maituturing na ring isang tall story.

Pagsulat ng Kuwento 101 (Published under PSICOM PUBLISHING)Where stories live. Discover now