CHAPTER 19 - END

1.1M 20.4K 2.2K
                                    

CHAPTER 19

Six months later...

NAKAMAANG si Bree habang nakatingin sa malawak na karagatan ng Haven's Resort. Hindi niya akalain na ito ang nasa isip ni Sebastian ng sabihin nito na gusto siya nitong masulo.

Akala naman ni Bree na ang tinutukoy ni Sebastian na gusto siya nitong masuol ay magli-leave ito ng isang week at magkukulong sila sa kuwarto at lalabas lang sila kapag nagugutom, pero hindi pala iyon ang nasa isip nito.

Nagulat nalang siya ng dalhin sila nito sa airport. Hindi siya naka-hindi dahil ayos na ang lahat. Mula sa mga damit nila hanggang sa plane ticket. Kaya heto sila ngayon nakatingin sa napakagandang tanawin ng Haven's Resort.

"Why are we here?" Tanong niya sa binata.

"Because I want to be with you in the place where we first met and when we first made love." Sagot ni Sebastian. "Sigurado akong mag-i-enjoy tayo rito."

She just smiled and looked at the big ocean. Simula ng maging kasinatahan niya si Bash, walang araw na hindi ito sweet kaya palagi silang nilalalanggam. She's still an exclusive writer under HD Publishing. And a week ago, habang namamasyal sila sa mall ni Bash, nakasalubong nila si Faust. Of course, she introduced them to each other and they just grunt in response. Nakakatawa ang reaksiyon ng dalawa. Masaya siya na kahit papaano ay naka-move on na si Faust daw may babae itong kasama kaya siguro hindi masyadong nagselos ang kasintahan niya.

At syempre pa, nakasagap siya ng balita mula sa mga kaibigan ni Bash na nakilala niya a week after their love confession na bumalik na raw sa Paris si France at doon na ito mamamalagi. Thanks god! And speaking of Bash's friends, hay naku! Naloloka siya kapag kasama nila ang mga ito. Nalaman din niyang ang mga ito ang dahilan kung bakit napunta sa kuwarto niya si Sebastian ng gabing iyon.

And then Bash's friend, Adam, siningil nito sa Bash dahil kung hindi raw rito ay hindi siya makikilala ni Bash. At ang loko naman niyang kasintahan, inilibri si Adam sa KFC.

Sa anim na buwan na kasintahan niya si Bash, wala na siyang mahihiling pa. Every day is a happy daw and it's amazing. Good thing she took the risk in loving Sebastian.

Napatigil siya sa pagmumuni-muni ng maramdaman niyang hinawakan ni Sebastian ang kamay niya at marahan iyong pinisil.

"Nagustuhan mo ba ang surpresa ko?" Tanong nito.

Tumango siya. "Oo naman." Natatawang sagot niya. "Nagulat lang ako kaya hindi ako makapag-react. But give me ten minutes, and I'll be dancing in the sand."

Natawa ito sa tinuran niya at hinalikan siya sa mga labi. "Halika na kung ganoon, baka sumayaw ka pa riyan, nakakahiya."

Napasimangot siya sa sinabi nito. "Hmp! Baka kapag nakita mo akong sumayaw, tumulo iyang laway mo."

Pilyong ngumiti ito sa kanya. "I do remember. Sinayawan mo na ako nuong nalasing ka and wow, it was freaking hot."

Buong pagmamalaki na nginitian niya ito. "See? Kaya huwag kang magsasalita ng patapos. Magaling akong sumayaw at mamayang gabi," Pinaglandas niya ang hintuturo mula sa tungki ng ilong nito pababa sa mga labi nito. "Sasayawan kita at sisiguraduhin kong mag-i-enjoy ka sa performance ko."

"Kahit naman hindi ka magsayaw, nag-i-enjoy ako sa performance mo gabi-gabi."

Natatawang tinampal niya ito sa balikat. "Ikaw na lalaki ka, ang bastos mo rin minsan."

He wiggled his eyebrows. "Minsan lang?"

"All the time."

Ngumisi ito. "Asus. Huwag kang magreklamo. Alam ko naman na nag-i-enjoy ka kapag binabastos kita e."

Mine (Completed) - PUBLISHED UNDER RED ROOMWhere stories live. Discover now