CHAPTER 7

720K 15.6K 2.2K
                                    

CHAPTER 7

BREE was busy writing when she heard the door bell rang. Wala siyang inaasahang bisita na darating kaya naman hindi niya pinansin ang nag-iingay na door bell. Wala sana siyang balak pagbuksan ang kung sino man ang nasa labas ng bahay niya kaya lang makulit ito.

Naiinis na tumayo siya mula sa pagkaka-upo sa sofa at naglakad patungo sa pintuan ng bahay. Nang buksan niya ang pinto, laking gulat niya ng makita si Faust na nakapamulsa at nakatingin sa kanya.

"Faust? Anong ginagawa mo rito?" Manghang tanong niya sa binata.

He shrugged. "I'm here to give back your phone. Naiwan mo sa bahay." Anito at may inilabas na cell phone mula sa bulsa at inabot iyon sa kanya.

Tinaggap niya ang cell phone. "Thank you."

Matiim siya nitong tinitigan, tumungo siya dahil hindi niya kayang salubungin ang titig nito.

"You seem wary of me. Why?" Anang boses ni Faust na bahagyang ikinaigtad niya.

Marahan siyang umiling. "I'm not wary of you." Pagkakaila niya.

"Really?" Inisang hakbang nito ang pagitan nilang dalawa na ikina-singhap niya. "Then why did you left my house without telling me? Why are you not looking at me in the eyes? And you seem afraid that the distance of our body is just inch away. Why, Bree?"

"I'm not wary of you." She took a step back. "I'm not scared of our inch away distance." She took one step back again. "And I'm—"

"A liar." Inisang hakbang lang nito ang inilagay niyang pagitan at hinawakan siya sa baba para i-angat ang mukha niya para magtama ang mga mata niya. "Bakit mo ba ako iniiwasan? Sa tingin mo kapag humakbang ka palayo sa'kin makakaiwas ka na? Talaga bang natakot ka sa sinabi ko sa'yo nuong isang araw?"

Mabilis siyang umiling-iling. "It's not that I'm scared. Ayoko lang ng gulo, Faust. Ayoko. Nangyari na ito noon, ano sa tingin mo ang bago ngayon? Wala."

Puno ng maraming emosyon ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "May bago ngayon, Bree. We're both adults. Hindi na tayo mga isip-bata. What happened in the past should stay in the past. Why don't you give our relationship a second chance? Am I asking too much? Hindi naman diba? We can still work it out. Sabi ko sa sarili ko noon, na kapag lumapit ka ulit sa'kin, sa kahit na anong rason, gagawin ko ang lahat para ibalik ang nakaraan natin. And then it happened last night. I believe that its god's will."

Tumawa siya ng pagak. "Faust, that's hypocrisy. What happened in the past should stay in the past? Nagpapatawa ka ba? Well, the past is now in the present. Sebastian is my boss and I had sex with him. That's reality, Faust. Hindi mo basta-basta puwedeng isantabi ang nangyari noon. If we disregard what happened in the past, then we don't have a future. Dahil kahit ako, hanggang ngayon, hindi ko pa rin kayang kalimutan ang nangyari. I even ask god why? Why did he let this happened to us? To me? Why did he ruin us?" Mariin niyang ipinikit ang mga mata at isang butil ng luha ang kumawala mula roon. "Akala ko after two years, makakalimutan ko ang nangyari, then I saw Sebastian again. I like him, Faust. I really like him. Gusto mo pa rin bang ibalik ang dati knowing that I like someone else?"

Nawalan ng imik si Faust at nawala ang kislap ng mga mata nito. Akala niya ay nakinig ito sa mga sinabi niya dahil pinakawalan nito ang baba niya at tinalikuran siya pero malakas na singhap ang lumabas sa mga labi niya ng bigla nalang itong humarap at sinakop ang mga labi niya.

Bago pa siya makapag-react, pinakawalan na nito ang mga labi niya. She was shock to say the least. Ang ginawa nito ay ang huling bagay na naisip niya na gagawin nito pagkatapos ng mga nangyari sa kanila.

"Why did you do that for?" She asked in a whisper, still stunned.

"To show you that I don't care if you like someone else or if you had sex with that man. And of course to ruin your relationship with him." Anito at iniwan siyang nakatayo at nakaawang ang mga labi sa sobrang gulat.

Mine (Completed) - PUBLISHED UNDER RED ROOMWhere stories live. Discover now