CHAPTER 4

832K 18K 3.5K
                                    

AUTHOR'S NOTE:

In the side >>>> Picture po ni Bree. Siya ang imaginary character ko kay Bree. Nagagandahan ako sa kanya at medyo may pagkamaldita ang mukha niya. Hehe.

And next time, ilalagay ko ang damit na susuotin ni Bree sa ball.

ENJOY <3

CHAPTER 4

TALAGANG balak nang umalis ni Bree sa bansa ng araw na iyon nang may dumating bigla na LBC package para sa kanya. Nang buksan niya kung ano ang laman niyon, nakita niyang kapareho iyon ng kontratang pinirmahan niya para maging exclusive writer ng Hidden Desire Publishing na pinunit niya dahil sa sobrang inis kay Sebastian.

Umasim ang mukha niya sa nakita. "Ang manyak na iyon, pagkatapos ng ginawa sa akin ay hindi na nagpakita. Ano naman ang gusto niyang palabasin sa kontrata na 'to?"

Naiinis na itinapon niya ang kontrata sa sahig at pinagpatuloy ang pag-iimpaki ng mga damit niya. Desidido na siyang umalis. Ayaw na niyang manatili rito sa bansa. Tanging problema lang ang hatid ng bansang ito sa kanya.

Isinara niya ng maleta at hinila iyon patungong sala. Nang buksan niya ang pinto, natigilan siya ng makita si Sebastian sa labas ng bahay niya.

Namaywang siya. "Anong ginagawa mo rito?" Mataray niyang tanong sa lalaki.

"Can we talk?"

"Ano naman ang paguusapan natin?" Mataray paring tanong niya. "As far as i know wala na tayong pag-uusapan pa."

Huminga ito ng malalim at lumapit sa kanya. "Sign the contract, Bree."

Tumawa siya ng pagak. "Is that why you're here?" May iritasyong namuo sa dibdib niya. "Fuck you, Sebastian. Isaksak mo sa baga mo iyang kontrata mo! Gago!"

Itinulak niya ito palayo sa kanya ang ini-lock niya ang pinto. Akmang hahakbang na siya paalis ng pigilan siya nito sa braso at isinandal sa nakasarang pintuan ng bahay.

Nagpumiglas siya. "Ano ba! Bitawan mo ako!"

Sebastian didn't listen to her. He pinned her more on the door and she was annoyed. Pagkatapos nitong manyakin siya at hindi nagpakita sa kanya ng isang linggo. Bigla nalang itong susulpot na parang kabute at isasandala siya sa pinto? How dare he?!

Malakas na tinuhod niya ang kaibigan nito sa gitna ng hita. Napangisi siya ng mabilis siya nitong binitiwan at sinapo ang pagkalalaki nito. Hindi maipinta ang mukha nito sa sakit na nararamdaman.

He glared at her. "Bakit mo ginawa 'yon?"

Her smirk widens. "Para iyan sa pangmamanyak sa akin at hindi pagpapakita ng isang linggo. Gago! Hindi pa nga yan sapat e!"

Dahan-dahang tumayo ng tuwid si Sebastian. "Dumating na si France. And we got back together."

Tumaas ang kilay niya sa narinig. "Oh, e ano naman ngayon? Magbubunyi ako para sa'yo kasi dumating na ang ex-fiancé mo? Heehaw! Fireworks boom boom!" She grimaced. "Sebastian, we had sex. Hindi mo man lang ba naisip ang nararamdaman ko after that at mas inuna mo pa iyang ex mong fiancé?"

"That's it, Bree. Sex lang naman yun at wala ng ibang kahulugan. Sex. Plain and simple."

Napipilan siya sa sinabi nito. Parang may kumurot sa puso niya sa narinig na sinabi nito. Mabilis niyang kinurap-kurap ang mata ng maramdamang nanunubig iyon.

"I know." Iyon nalang ang sinabi niya kahit hindi naman niya alam iyon. "Kailangan ko ng umalis, Sebastian. Ayokong maiwan ng flight ko."

Tinitigan siya ng matiim ni Sebastian. "Please, Bree. Stay. Kailangan ka ng publishing company namin."

Mine (Completed) - PUBLISHED UNDER RED ROOMWhere stories live. Discover now