CHAPTER 8

722K 15.2K 2.4K
                                    

CHAPTER 8

MAGKAHAWAK kamay sila ni Faust habang namimili ng pagkain na kailangan niya sa bahay. Si Faust ang taga-tulak sa cart at siya naman ay panay ang kuha ng pagkain sabay lagay sa cart.

Nasa fruits section sila ng tumigil sa pagtulak ng cart si Faust. Nag-angat siya ng tingin para tingnan kung bakit.

Her eyes widen when she saw Sebastian, with France on his arms.

Nakaramdam siya ng galit kay Sebastian. Alam niyang wala siyang karapatan na masaktan pero nasasaktan pa rin siya. Naiinis siya sa sarili niya.

Nang ibalik niya ang tingin sa dalawa, masama ang tingin sa kanya ni France.

Tumaas ang kilay ng higad. "Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Dito pa tayo magkikita. Kumusta?" Tanong sa kanya ni France na may pekeng ngiti sa labi.

Napaka-plastik talaga ng bruhang 'to! Nakakapanggigigil!

Tinaasan din niya ito ng kilay. "Just drop your nice façade. Alam ko naman na plastik lang ang ngiti mo." Inirapan niya ito at ini-angkla rin ang braso sa braso ni Faust. "Come on. Ayokong ma-toxic sa hangin dito." Wika niya sa kasintahan.

France glared at her. "Bakit ka aalis? Ayaw mo bang malaman ng boyfriend mo ang kalandiang pinaggagagawa mo? Sino ka ba sa tingin mo? Isa ka lang namang haliparot na ahas na pumupulupot sa fiancé ko!" Malakas ang boses nito kaya hindi maiwasang pagtinginan sila.

"France, tama na 'yan." Saway ni Sebastian at akmang itutulak na ang cart pero pinigilan ito ni France.

"Anong tama na? Totoo naman e." Ngumisi ito ng nakaka-insulto. "Sa tingin mo hindi ko alam na isa kang ahas. Nakakahiya ka, sa public ka pa talaga nagpahalik—"

"Excuse me," She said, silencing her. "The last time I check, hindi ako pumulupot sa boyfriend mo. I have my own boyfriend." Pagtataray niya rito. "At kung ang tinutukoy mong paghalik ay ang nangyari sa ball, well, maybe you were blind o baka nagbubulag-bulagan ka lang kasi ayaw mong makita ang katutuhanan na iyang boyfriend mo ang lumapit at humalik sa'kin. I was taken by surprise so I did not react. And hey, it was just a game and I am a professional."

Gumagalaw ang panga ni France sa sobrang galit sa sinabi niya. Nunkang magpapatalo siya!

Humawak siya sa handle ng cart at siya na mismo ang nagtulak. Sinadya niyang bungguin ang cart ng mga ito.

"Sorry about that." Hingi niya ng tawad kay Faust ng makalayo na sila kay Sebastian at France.

Iniisip niyang galit ito, kaya naman laking gulat niya ng mahina itong tumawa. "Babe, that was amazing. Ang palaban mong ugali ang isa sa mga nagustuhan ko sa'yo."

She smiled at that. "Sorry pa rin. Hindi ko talaga napigilan e."

"Okay lang 'yon. Siya naman ang nauna."

She pressed her lips together and then they continued shopping for food. Hindi mawala sa isip niya si Sebastian. May kung anong pakiramdam sa kaloob-looban niya na ayaw makita si Sebastian na kasama ang babaeng 'yon. Naiinis siya. Pero wala siyang karapatang mainis! Wala!

"You okay, babe?"

Bumalik sa kasalukuyan ang isip niya ng marinig ang boses ni Faust.

Binalingan niya ito. "Anong sabi mo?"

Mataman siya nitong tinitigan kapagkuwan ay umiling. "Wala. Sabi ko, magbayad na tayo sa counter."

Tumango siya at itinulak ang cart patungong counter. Wala silang imik pareho. They are both lost in their own thought.

Mine (Completed) - PUBLISHED UNDER RED ROOMWhere stories live. Discover now