CHAPTER 17

620K 12.6K 1.1K
                                    

CHAPTER 17

NANG makalapag ang eroplanong sinasakyan nila ni Bash sa Pilipinas, humugot si Bree ng isang malalim na hininga at tumingin sa labas ng bintana. Abot-abot ang kaba na nararamdaman niya sa isiping naghihintay sa kanya si Faust. Hindi siya mapakali sa kinauupuan.

Bash holds her hand and slightly squeezed it. "Tell him."

Tumango siya. Natatakot siya sa magiging reaksiyon ni Faust. "I will. Ayoko na siyang saktan pa."

Bash kissed the back of her hand. "Everything is going to be all right, Bree."

Hindi siya tumugon at nakatingin lang sa labas ng eroplano. Fear is coating her heart. Panay ang sabi ni Bash na makipagkalas na siya kay Faust pero wala naman itong sinasabi na makikipagkalas na ito kay France.

Ayaw niyang magtanong dahil ayaw niyang mapahiya. Kung pakikipagkalas ito, makikipagkalas ito ng hindi niya sinasabihan. Pero kahit ganoon, hindi pa rin niya maiwasang matakot. Should she risk her heart for Bash? And if she did, is she ready for the pain it'll cause? At kung ipaglalaban niya ang nararamdaman, is Bash worth fighting for?

Hindi niya masagot ang sariling katanungan.

Nang makalabas sila sa eroplano at malapit na sa exit, hinarap niya si Bash.

"Let's part ways here." Aniya.

Nagdimilim ang mukha nito. "Why? You have to tell him now—"

"Sasabihin ko naman sa kanya, e." Her face softened. "I just need time. Ayokong sabihin ngayon dito sa airport. It's rude and Faust deserve more than that."

Napatiim-bagang ito. "Si Faust iniisip mo, pero ang nararamdaman ko hindi?"

Nagbaba siya ng tingin. "Please, Bash, bear with me. Malaki ang kasalanan ko kay Faust. Gusto kong maging maayos ang paghihiwalay namin. Please, understand."

Mapakla itong tumawa at ini-angat ang mukha niya para magsalubong ang mga mata nila. "When you go out there, he'll hug you and kiss you and touch you. And I'll be in the corner looking at you two. I can't bear to see the woman I'm falling for with the arms of another man. So, no, I don't understand you."

Her heart broke as she saw his sad face. "I'm sorry. But I need you to understand." Niyakap niya ito at hinalikan sa mga labi. "Huwag ka nalang tumingin."

ipinilig nito ang ulo. "You don't understand, Bree." He sighed exasperatedly. "Kung nasaan ka, hindi napipigilan ng mga mata ko na tumingin sa'yo. My eyes have a mind of its own when it comes to you. I can't look away. Kaya huwag mong hingin sa akin na hindi ako tumingin, kasi parang hiniling mo na rin na huwag kitang mahalin at napaka-imposibling mangyari 'yon."

She felt a lump on her throat as she looked at Bash. Gusto niya itong yakapin at sabihing ito lang ang tinitibok ng puso niya, gusto niya itong yakapin para iparamdam dito na ito ang mahal niya pero bago pa niya mayakap at mahalikan ang binata, she heard Faust voice from the distance.

"Bree!" He shouted her name. "Bree!"

Nagbaba siya ng tingin at naglakad patungo sa direksiyon ni Faust. Nang makarating doon, kaagad siyang niyakap ng binata.

She can't stop herself from looking back, and her heart broke at what she saw. Sebastian and France were hugging and then France pulled away and kissed Sebastian on the lips.

Kaagad siyang nag-iwas ng tingin at hindi niya napigilang mapahagulhol sa sakit na naramdaman. Bakit? Bakit ba nasasaktan siya? Mula't-sapol alam niya na hindi sa kanya si Bash. Alam niyang pag-aari ito ng iba pero masakit pa rin kahit alam niyang wala siyang karapatang masaktan.

Mine (Completed) - PUBLISHED UNDER RED ROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon