CHAPTER 1

895K 18.8K 2.5K
                                    

CHAPTER 1

NAPANGITI si Bree ng umapak ang mga paa niya sa lupang sinilangan. It's been two years since she'd been in the Philippines. Sa dalawang taong iyon ay abala siya sa pagiging isang erotic writer ng Ellora's Cave. Ngayon ay bumalik siya sa Pilipinas para dito ipagpatuloy ang pagsusulat niya. The Hidden Desire Publishing Company, the most well known publishing in the country offered her to be an exclusive writer. At dahil nga tapos na ang kontrata niya sa Ellora's Cave, tinanggap niya ang offer.

Ayaw siyang payagan ng president ng Ellora's Cave pero wala itong nagawa dahil desisyon niyang bumalik sa pilipinas. She maybe a famous erotic romance writer in the US but she feels like something is missing. Kaya naman napagdesisyunan niyang umuwi sa sariling bansa.

Naglalakad siya palabas ng airport nang may sumigaw na boses mula sa likuran niya.

"Hey, you! Stop!"

That voice was somehow familiar to her, kaya naman nilingon niya ito. Nang makita niya kung sino ang sumigaw, parang may tumambol sa puso niya. Of course she knew this person. Paano ba niya makakalimutan ang lalaking kumuha sa pakababae niya? What the hell is he doing in the airport? Oh well, maybe it's god's will.

She took off her sunglasses and composed herself before answering. "Yes? Do you need anything?" Tanong niya rito.

Walang emosyon itong tumawa. "Are you bullshitting me?"

Ipinilig niya ang ulo. Ano ba itong pinagsasasabi ko! Ah, basta! Bahala ni si papa god. "No, I'm not. Sino ka ba?" Bree pretended that she didn't remember him at all. How can I forget?

Hindi makapaniwalang tinitigan siya nito. "It's me. Don't you remember? In Haven's Resort, two years ago?"

Bree acted like she's thinking. "Sorry, it doesn't ring a bell." She said then smiled at him like everything is okay. "Sorry, I have to bounce. Toddles."

Mabilis niyang pinara ang taxi na papalapit at nagpahatid siya sa bahay niya. Nilingon niya ang lalaki na nakatayo at nakatingin sa taxi na sinasakyan niya.

Bahagyan siyang tumawa. Buti nga sayo! Hmp! Ayaw na niyang makita pa ito kahit kailan. At kung kailangan niyang magpanggap na hindi ito naaalala, then so be it. My amnesia girl lang ang drama niya, but who cares? Sigurado naman siyang hindi na magtatagpo ang landas nila ng lalaki.

PAGDATING sa bahay niya, nalukot ang mukha niya. What did she expect? Na sobrang linis ng bahay niya? Dalawang taon din syang nawala. Malamang puno ng alikabok iyon.

Bree crinkled her nose as she enters her house. She can smell the dust. Nag-uumpisa nang mangati ang ang ilong niya.

Ipinalibot niya ang paningin sa kabuunan ng sala niya at humugot siya ng isang malalim na hininga. Time to clean!

Pagkalipas ng isang oras, wala nang alikabok na makikita sa bahay niya. The house looks the same as before. Napangiti siya.

Naglakad siya patungo sa silid niya at pumasok sa banyo. Napamura siya ng maalala na wala pala siyang tubig. Argh! Nakakainis! Lumabas siya ng kuwarto at nagtungo sa poso na nasa likod bahay at nag-igib ng tubig para pampaligo niya. Nakakainis! Sila mommy at daddy naman kasi e! Bakit ba ayaw nila na bumalik dito sa pilipinas. Okay naman dito ah! Eh di sana nandito sila para tulungan ako sa mga problema ng bahay! Argh!

Nagsesentemyento pa rin siya ng matapos siyang mag-igib ng tubig. Kung hindi lang niya kailangang pumunta sa The Hidden Desire Publishing Company, nunkang mag-igib siya ng tubig para sa pampaligo niya!

NAKAUPO si Sebastian sa swivel chair niya at iniisip ang nangyari sa airport, naroon siya dahil kararating palang niya galing Singapore. Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip nang bumukas ang pinto ng opisina niya at pumasok doon ang sekretarya niyang si Snow.

Mine (Completed) - PUBLISHED UNDER RED ROOMWhere stories live. Discover now