CHAPTER 14

588K 12.7K 1.7K
                                    

CHAPTER 14

HINDI na bumalik si Sebastian sa silid nila pagkatapos siya nitong iwan. Hanggang sa sumapit ang hating-gabi, wala pa rin ito. She waited for him but he never came back. Nakatulog nalang siya sa paghihintay dito at nang magising siya kinabukasan, ito pa rin ang hinanap niya pero pareho kagabe, ni anino nito hindi niya makita.

Pagkatapos ayusin ang sarili, lumabas siya ng silid. Nakasalubong niya si Tita Sophie habang pababa siya sa hagdan.

"Good morning po, Tita. Nakita niyo po ba si Sebastian?" Hindi niya napigilan ang sarili na magtanong. Nag-aalala talaga siya para sa binata at gusto niya rin itong makita.

"Pasensiya na, Bree, mula ng umalis siya kagabi, hindi pa siya bumabalik."

She instantly felt worried. "Saan po kaya siya nagpunta?"

"I have no idea." Tita Sophie smiled at her. "Pero babalik 'din 'yon. Narito ka e, hindi ka kayang iwan 'non."

That made her blush. She can read between the lines. "Huwag po magsalita ng ganoon. May kasintahan na po si Sebastian."

"E ano naman ngayon?" Makahulugan itong ngumiti. "Magkasintahan palang naman. Ang asawa nga naaagaw, ang kasintahan pa kaya?"

Napatitig siya sa ginang. "Ano po ang ibig niyong sabihin?"

Ngumiti ang ginang at itinuro nito ang puso niya. "The heart wants what it wants, Bree. You can deny and resist, but you can't stop your heart."

Bumaba ang tingin niya sa dibdib niya kung nasaan ang puso niya. "The heart wants what it wants?" Mapakla siyang tumawa. "What if you'll hurt someone in the process of following your heart?"

"Mas mabuti ng makasakit ka kaysa naman pilitin mo ang sarili mo at paasahin siya na mahal mo siya pero hindi naman. Mas doble ang sakit 'non, Bree. Mas makabubuting putulin nalang kaysa pahabain sa isang kasinungalingan."

Nawalan siya ng imik at nagbaba ng tingin.

"Huwag mong hinatayin si Sebastian, mamaya pa yan babalik." Wika ng ginang ng hindi siya magsalita. "If you want, pahahatiran nalang kita ng pagkain sa kuwarto mo."

Magiliw siyang ngumiti sa ginang. "Thank you po, Tita. Magpapahinga lang po ako."

Bumalik siya sa silid niya at nahiga sa kama. Habang nakatingin sa kisame, naisip niya ang mga pagkakataon na magkasama sila ni Faust. She can feel his love for her at nakokonsensiya siya sa ni minsan, hindi pa siya nag-I love you sa kasintahan.

She felt awful, but Tita Sophie was right. It's better to stop it than to lengthen it with lies.

The heart wants what it wants. Gusto niyang matawa sa sinabing ito ng ina ni Sebastian. Alam na niya iyon. Kahit pinigilan niya ang puso niya, wala pa rin siyang nagawa. Patuloy iyong tumibok para kay Sebastian at kahit anong pigil niya o kahit anong deny niya, ang puso niya, si Sebastian lang talaga ang laman at wala ng iba.

Napabalikwas siya ng bangon ng bumukas ang pinto at pumasok mula roon si Sebastian. May dala itong tray na puno ng pagkain.

"Sebastian..."

He didn't even glance at her, he just put the tray on the bed and said, "Pinadala ni Mommy sa'yo. Eat up."

Tinalikuran siya nito at walang sere-seremonyang naghubad ng t-shirt.

She gasped in horror when she saw the patches of bruises on his back. They look fresh.

Puno ng pag-aalala at takot na bumaba siya ng kama at nilapitan ang binata.

"What happened to you?" Tanong niya habang buong ingat na hinahawakan ang mga pasa nito sa likod.

Sebastian jumped a little when her fingers touched his bruise. Mukhang nasaktan ito.

Mine (Completed) - PUBLISHED UNDER RED ROOMWhere stories live. Discover now