CHAPTER 6

746K 17.3K 2.9K
                                    

CHAPTER 6

HANGGANG matapos ang Writer's Ball, walang namutawing salita sa bibig ni Bree. Hindi siya nag-participate sa naturang event. Shock pa rin siya sa ginawa ni Sebastian. Paulit-ulit na parang sirang plaka na nagri-reply sa utak niya ang ginawa nito at panay rin ang dama niya sa kiss mark na iniwan nito sa may dibdib niya.

Someone cleared their throat. "Baka naman gusto mong iwan kitang mag-isa para makapag-focus ka pa lalo sa pakikipag-usap mo riyan sa hangin." Boses iyon ni Ymar.

Nilingon niya ang lalaki. "I was just thinking of something."

Tumaas ang isang kilay nito. "Really? Thinking of something or thinking of Sebastian Heartnet?"

Mabilis niyang ipinilig ang ulo. "I'm not thinking of him." Mabilis niyang kaila.

"Stop lying to me, Bree. I'm your friend." Anito at itinigil ang sasakyan sa harap ng bahay niya at humarap sa kanya. "You know what, hindi healthy para sa'yo ang Sebastian na 'yon. I thought okay siya para sa'yo but I take it back. Who would do that in public?" Anito na ang tinutukoy ay ang pagbigay sa kanya ng hickey ng binata. "Maganda sana kung nandito si Faust."

Natigilan siya ng marinig ang pangalang iyon. It's been a long time since she heard that name. Kumusta na kaya siya?

"Faust hates me." Walang buhay niyang aniya. "Baka nakakalimutan mo 'yon?"

"Nope. Alam kong galit siya sa'yo. I was there when it happened, remember? Nakita ko kung paano siya nagwala pagkatapos niyang malaman 'yon. Ang ibig ko lang sabihin, he might talk some sense into you. Alam naman natin pareho na magaling magbigay ng advice si Faust."

She rolled her eyes. "He's a freaking psychologist. Malamang magaling siyang magbigay ng advice."

"More reason that you should talk to him."

She gave out a long breath. "Ymar, I'm fine. I don't need a freaking psychologist and I don't need Faust. Wala siyang maitutulong sa akin. And anyway, wala namang masama sa ginawa ni Sebastian. It's just a hickey."

Napapantastikuhang tiningnan siya ni Ymar. "Can you hear yourself? Masyado na bang hulog na hulog ang damdamin mo sa lalaking iyon para ipagtanggol mo siya? Kabastosan ang ginawa niya. Sa girlfriend niya at sayo. And no, you're not fine. Ihahatid kita kay Faust and that's final." Anito at binuhay muli ang makina ng sasakyan at pinaharurut iyon patungo sa bahay ni Faust.

Wala siyang imik habang nagmamaneho si Ymar. Ayaw niyang makita si Faust. The last time she tried to talk to him, he pushed her away like she's nothing to him. Well, kasalanan din naman niya iyon. Kung hindi sana nangyari ang bagay na iyon, di sana masaya silang nagsasama ng binata.

Nagpakawala siya ng buntong-hininga. Urgh! Sana naman hindi ako ipagtulakan ni Faust. Aniya sa isip. Kahit naman papaano, nasasaktan pa rin siya sa mga nangyari.

"We're here." Imporma sa kanya ni Ymar ng tumigil ang sasakyan nito.

She took another deep breath and looked at Faust's house. She felt nostalgic looking at the house. She has tons of memories in this house.

Ibinalik niya ang tingin kay Ymar. "Ymar, I'm telling you, ipagtatabuyan ako ni Faust. Nagsasayang lang tayo ng oras. Drive me home, please?"

Hindi sa kanya nakinig si Ymar at lumabas ito ng sasakyan, pagkatapos ay naglakad ito patungo sa passenger seat at pinagbuksan siya ng pintuan.

"Out, Bree." Utos nito.

Humalukipkip siya. "No. I don't want to talk to him."

"Bree, get out." Mariing wika ni Ymar.

Mine (Completed) - PUBLISHED UNDER RED ROOMWhere stories live. Discover now