Chapter 17

402 11 8
                                    

Nagising na lang ako na kasama si Alex na nakatali ang mga kamay sa isa’t isa. Mukhang nasa bodega kami ngayon at walang tao. Walang nagbabantay sa amin. Pero saan kaya nila danala si Niko?

Meron akong narinig nag-uusap sa labas. Boses ng lalaki at babae.

“Bakit mo ba ginawa ito? Sinama mo pa sila sa party ni Hannah. Baka mabulilyaso tayo. Baka may magsabi na drug pusher tayo. Makukulong tayo.”

“Ginawa ko lang ito dahil ipinagpalit mo ako kay Alex. Gumaganti lang ako sa ginawa mo. Dini-date mo na pala sa si Alex. Manloloko ka. Tapos kanina may kalandian ka na naman.”

“Teka. Ikaw pa din ang mahal ko.”

“Wala na tayo Jen. May gusto na akong iba at si Kim iyon. Ayoko na. Aalis na ako sa grupo. Isaksak mo sa baga ang shabu mo. Kung makulong ka man hindi ko na iyan problema.”

Si Jen at Niko ang magkausap? Manloloko din pala si Niko at kasama sila sa grupo ni Jen at pusher sila ng shabu?

Ilang sandali lang ay ginigising ko si Alex para makatakas na kami sa bodegang ito. Unting-unti namin tinanggal ang mga tali sa kamay namin. Kahit mahirap ay tinanggal pa din namin.

Habang tinatanggal namin ang mga tali ay dumating si Niko.

“Narinig ko ang pinapag-usapan ninyo ni Jen. Naging kayo ni Jen. Manloloko ka din pala tulad ni Jen.” Sabi ko kay Niko.

“Sorry sa mga ginawa ko pero nandito ako para iligtas ko kayo.” Sago ni Niko.

Nalipitan kami ni Niko at inalis na ang mga tali sa kamay namin. Tumayo na kaming kaming tatlo niyakap namin ang isa’t isa.

Habang nagyayakapan kami nakarinig kami ng malakas ng putok ng baril. Si Jen nakita ko ang may hawak ng baril at nakita ko si Niko si na napahiga na lang sa sahig.

Nilapitan ko si Niko at nakita kong dumudugo ang tagiliran niya.

Bigla kong nilapitan si Jen at sinabunutan. “Wala kang awa. Binaril mo si Niko.”

Hindi na nakasagot si Jen at may bigla akong narinig na sirena. May dumarating din na pulis at hinuli si Jen.

***

Nasa hospital kami ngayon ni Alex. Nasa kritikal na sitwasyon si Niko sabi ng doctor. Madaming naubos sa dugo niya at nangailangan siya ng dugo.

“A+ po ang blood type ko Dok. Magdo-donate po ako ng dugo.”  Sabi ni Alex sa doctor.

Pumayag naman ang doctor at sinabi sa nurse na i-assist kami sa para kuhanan si Alex ng dugo.

Habang kinukuhanan siya ng dugo, sorry ng sorry siya sa akin sa nakaraang ginawa niya. Pinatawad ko na siya sa kanyang ginawa. Best friend ko pa din kahit anong mangyari at kahit hindi niya alam siya pa din ang tinitibok ng puso ko.

Sana balang araw masabi ko itong nararamdaman ko kay Alex. Pero imposible na iyon dahil ang turing niya sa akin ay hanggang best friend lang. Tanggap ko na iyon, basta ang mahalaga magkaibigan pa din kami.

***

4 months later

Nakakulong na Jen habang si Niko naman ay nagpapagaling pa kanilang bahay. Parasilado na si Niko at nakaupo na siya sa wheel chair. Bumalik na ang pagkakaibigan namin ni Alex.

May nawala man sa buhay namin may dumating sa buhay namin ay alam namin ni Alex ay alam namin na nandito kami pa rin sa isa’t isa. May natutunan kami sa mga nakarang araw at iyon ay ang salitang ‘trust’. Sasabihin na namin ang mga sikreto namin sa isa’t isa.

Birthday ngayon ni Celine at may party sa bahay. Invited ang mga friends niya at sinurpresa ko siya at ininbitahan ko din si Ryan.

“OMG! Nandito si Ryan.” Gulat na gulat na sinabi ni Celine. Tumingin siya kila Mama at Papa. “Ma, Pa, pwede ko po siyang puntahan?”

“Oo naman. Birthday mo naman ngayon” sagot ni Mama at niyakap si Celine. “Happy 16th birthday Celine.”

“Celine kaya nga namin ininvite si Ryan dahil gusto namin maging masaya ka sa birthday mo. Pwede kayong magkita pero huwag mong sisirain ang trust namin ni Mama mo.  Bawal ka munang magpaligaw.” Sabi ni Papa kay Celine.

“Thank you Mama and Papa. I’ll promise I will not break you trust.” Sagot ni Celine tapos ay nilapitan niya na si Ryan natuwang-tuwa.

“Ikaw naman Anak, kailan ka magkaka-boyfriend?” Tanong ni Papa.

“Papa, hindi naman po ako nagmamadali. Sa tamang panahon po ay darating din iyan.” Sagot ko kay Papa na nakangiti.

“Oh, nandyan na pala si Tamang Panahon este si Alex pala.” Biro ni Mama.

Nakita ko si Alex na pumapasok sa sala. May dalang flowers at stuff toy. Pinuntahan ko naman siya.

“Hindi ka dyan magkadaldal ha.”

“Oo nga. Special day kasi ang araw na ito.” Sabi sa akin Alex habang binababa ang stuff toy.

“Special day? Oo alam ko na special day ni Celine ngayon. Pero bakit special day sa iyo?”

“Special day kasi kaya liligawan ko na ang crush way back in high school. Sabi naman ng kapatid niya gusto niya din ako at umiyak daw dahil nalaman niyang may nililigawan akong iba dati.” Sabi ni Alex at inabot sa akin ang flowers. “Pare, gusto kita. Pwede ba kitang ligawan?”

“Talunin mo muna ako sa basketball. Kung matatalo mo ako pwede mo na akong ligawan.” Sagot kay Alex na nakangiti.

“Ngayon?” Tanong ni Alex.

Tumang na lang ako at hinila siya paalis ng bahay namin.

Nagpunta kami basketball court. Nakakita ako ng bola at hinagis ko kay Alex.

“Seryoso ka talagang makitapaglaro sa akin ha. Nakatakong ka nga dyan tapos nakapalda.”

“Oo naman. Kaya ko naman makipaglaro sa iyo kahit ganito ang suot ko.” Sagot ko kay Alex. “Natatakot ka lang yata matalo.”

“Hindi ha. Sagot niya tapos pinasa niya ang bola sa akin.

Nagsimula kami maglaro. Heto na yata ang pinakamasayang laro namin ni Alex. Hindi nakaka-stress dahil kahit matalo ako ay okay lang. Alam ko naman na maganda ang kalalabasan kung matalo man ako.

The End.

Oh Pare KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon