Chapter 11

207 10 1
                                    

Author's note: Ngayon araw na ito po ay i-aupdate ko ang Oh Pare Ko oras oras po. Naway subaybayan nyo na po ang mga nalalabing chapters. Maraming salamat po. :)

Kinabukasan, si Celine ang namili ng pampasok. Pinili niya red blouse, grey jeans at sandals niya na hindi na niya ginagamit. Magkasukat kami ng paa kaya kasya sa akin ang sandals niya. inayos niya din ang buohok ko para mas maayos ang aking kulot na buhok.

Pumasok na ako sa campos. Habang naglalakad ay pinagtitinginan ako ng mga schoolmates ko.

 “Ang ganda naman ng babae. Transfer kaya siya?”

Ayan ba yung tomboy na laging kasama ni Meg? Ang ganda niya ngayon ah. In fairness.”

“Tomboy na naging babae muli.”

Noong nakapunta na ako sa room ay umupo na agad sa upuan ko katabi si Meg.

“Excuse me Miss. may nakaupo na dyan.” Sabi ni Meg nakataas ang kilay. “Block section ito Te.”

“Hoy Meg! Ako to. Si Kim.” Sabi ko sa kanya..

Tinignan ako ni Meg mula ulo hanggang paa. Mukhang hindi makapaniwala sa nakikita. “Whuahh.. Kim!!!!!!!” Sigaw ni Meg. “Ikaw nga. Ang ganda mo at girl na girl ka na. From  simple t-shirt to elegant blouse. And from simple black hair to gorgeoss curly hair.”

Pinagtinginan din ako ng ibang kaklase. Yung iba nagtatanong kung bakit nagbago ako. In love ba daw ako kaya bihis na ako ng pambabae. Nakangiti lang sa kanila at sinabing “I just want to change.”

Habang kausap ako ng mga kaklase ko ay nakaupo lang si Alex sa kinakaupuan niya. Nagbabasa ng hawak-hawak  niyang libro. Busy  siguro at humahabol sa mga araw na hindi siya pumasok.

Tatlong subjects na ang natapos at hindi niya pa din ako pinapansin. Ang sakit pala kapag nakikita mo ang minamahal mo pero hindi ka man niya pansinin o kausapin man lang. Baliwala ang pagpansin ng ibang taong nagsasabi na maganda ka ngayon. Baliwala ang mga papuri nila ang gusto mong madinig ay siya lang.

Pero hindi ko pa rin mawala sa isip ko na niloko niya ako. Nagsinungaling siya sa akin. At mukha pang siya ang nagmamataas ngayon sa hindi pagpansin ni Alex sa akin. Siya na nga ang may kasalanan siya pa ang marunong na magmataas.

Noong break na, niyaya ko pa si Meg kumain sa canteen pero hindi niya daw akong masasamahan dahil may gagawin pa siya. Tutulungan  niya mag-review si Alex at papakopyahin niya pa ng pa ng mga lecture ito. Pumayag naman ako at nagpunta ng canteen.

Habang kumakain ako, nakiupo sa lamesa ko si Niko. Si Niko na mayamang gwapo at kinakakikiligan ng mga girls dito sa campus.

Nagulat ako na kinausap niya ako. Dati kasi hindi niya ako kinakausap.

“Bakit hindi mo kausap si Alex ngayon? Magkaaway ba kayo?” Tanong ni Niko.

“Siguro may tampuhan lang kami.” Sagot ko sa kanya.

“Tampo o away? Nakita ko kayo noong isang araw sa mall. May kasama siyang babae. Sinigiwan mo rin siya.”

“Nakita mo na pala. E bakit nagtatanong ka pa?” Sagot ko na naiinis.

“Well to tell you honestly, naawa ako sa iyo noong pumasok ka ng restaurant. Para nakita kita gusto mo umiyak pero ayaw mong ipakita ito kay Alex.” Sabi ni Niko tapos hinaplos ang kamay ko. “Look, I’m just to tell you that we can be friends. Tell me what you feel.”

Na-touch ako sa sinabi ni Niko. Sinabi ko ang lahat ng nangyari sa mall. Na niloko ako ni Alex at in love ako sa kanya. Pero nagtataka ako sa sarili ko kung bakit ko sinabi ang lahat kay Niko. Hindi naman kami close. Kilala ko siya pero hindi ko kami nag-uusap.

Oh Pare KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon