Chapter 8

345 10 1
                                    

Noong tanghalian, nasa bahay pa din ako dahil hapon 3pm pa ang pasok ko sa campus. Kumakain kami ni Celine ng lunch dahil kapag break time sa school ay umuuwi siya ng bahay. Yun kasi ang rules ng aming mga magulang.

Pagkabalik ko sa kwarto namin ay tinignan ko ang cell phone ko.

Pare ko is calling..

“Hello? Alex…”

“Pare ko.” Sabi ni Alex na parang minamalat.

“Pare, anong problema? Bakit ganyan ang boses mo?”

“Heto nasa condo na naman ako.” Umubo siya habang kausap ko. “ Pinaalis ako ni Mama dahil pinaparusahan na ako dahil nakita niyang may sugat ako sa may labi.”

“Pupuntahan kita. Hintayin mo ako dyan.”

“Huwag na lang Pare. Okay lang naman ako dito.”

“Anong okay ka? Dinig na dinig kita na minimalat ka at umuubo ka. Hintayin mo ako.” Ini-end ko na ang tawag ni Alex at nilapag ko ang cell phone ko sa kama.

Nag-ayos ako agad at nagbihis.

“Oh? Ate, Hindi ka papasok?”Tanong sa akin ni Celine noong nakita niya ako binubuksan ko ang pintuan ng sala,

“Emergency lang. Tinawagan ako ni Alex mukhang may sakit.”

Sige Ate. Pero papasok ka.” Sabi ni Celine na parang concern. “Ate, go for the goal. Alam kong si Kuya Alex ang the one mo.”

Loko tong kapatid ko na ito. Siguro naisip niya na naman ang kiss namin ni Alex pero hindi pwede. May mahal siyang iba at broken hearted siya ngayon. Lalo na hindi pwedeng magustuhan niya dahil ang alam niya tomboy ako. At hanggang best friends lang kami period.

Nagtaxi ako papuntang condo nila Alex. Hindi ito kalayuan mula sa bahay namin.

Umakyat ako sa condo at nag-doorbell. Pinagbuksan agad ako ni Alex. Naka-jacket ito at namumutla ang kanyang mukha.

Hinipo ko ang kanyang noo. “Mainit ka. Mukhang may lagnat ka. Sabi habang uumuupo siya sa sofa. “Uminom ka na ba ng gamot?”

“Pare, hindi pa. sobrang sama lang ng pakiramdam ko at gusto ko lang humiga.”

Bumaba ako agad para mamili paracetamol. Bumili na din ako ng makakain ni Alex at ibang mga gamit na pwede niyang magamit habang nasa condo.

Habang nagbabayad sa counter nakita ko si Jen at nilapitan niya ako.

“Hey! Are you the friend of Alex?” Tanong inikitang babae nasa harapan ko.

“Oo. Ako nga. Bakit? Pagkatapos bang landiin mo ang kaibigan ko, maghahanap ka ng kapalit niya?”

Oh Pare KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon