Chapter 15

232 9 1
                                    

Noong natapos na ang klase ko tinext ako ni Celine. Sabi niya susunduin niya ako at magpunta daw kami sa mall. Pumayag naman ako para mawala naman ang galit ko kay Alex. Nagpapakatanga lang siya kay Jen.

Nasa parking lot ako at hinihintay si Celine. May biglang tumakip sa aking mga mata. Maamoy ko ang kamay niya, sobrang bango.

“Sino ito? Bakit mo tinatakpan ng kamay mo ang mata ko?” Tanong ko.

“Para hulaan mo kung sino ako. Sige nga hulaan mo.” Sabi ng lalaking pamilyar ang boses.

“Si Superman ba ito?”

Natawa ang lalaki. “Sana nga ako si Superman. Para ako ang magliligtas sa iyo sa mga umaaway sa iyo. Para hindi ka na malungkot palagi.”

Inalis ko ang mga kamay niya at hinarap ko siya. “Niko, okay lang ako.”

“Okay ka lang ba talaga o nagkukunwari ka lang?” Sabi ni Niko na mukhang alalang-alala. “Alam kong hindi ka okay dahil kitang kita sa mga mata mo na malungkot ka. Kung gusto mong umiyak pwede mo akong iyakan. Nandito lang ako para sa iyo.”

Nilapitan ako ni Niko at naiyak. Naramdaman ko ngayon na hindi ako nag-iisa. May karamay pala ako. Nandito si Niko para sa akin at ramdam ko ang sensiridad niya para mawala ang kalungkutan ko.

Biglang ko lang naramdaman ang pagpatak ng luha mula aking mga mata habang yakap-yakap niya ako.

“Bakit ba gaoon siya? Hindi ko na siya kilala. Nag-iba na ang ugali niya dahil kay Jen. Bakit ba siya ganoon?”

“Siguro Kim ginawa mo na ang lahat at hindi ka nagkulang sa pagsasabi sa kanya na nilolo ko lang siya ni Jen.” Sabi ni Niko. “Oras ng tumigil ka na at isipin mo naman ang sarili mo. Tumigil ka ng umiyak sa kakaisip mo kay Alex.”

“Salamat Niko. Siguro nga tama ka tumigil na akong umiyak dahil kay Alex.”

Tinanggal niya na ang pagkakayakap sa akin at tinignan ako. Pinunasan ni Niko ng kanyang panyo ang luha ko.

“Umiiyak ka na naman dahil sa kanya. Sana huli na ito na makita kitang lumuluha.” Sabi ni Niko sa akin at inabot niya sa akin ang panyo niya. “Sa iyo na yan Kim para kung lumuha ka man at wala ako para punasan ang mga luha, matatandaan mo na ako ang nagbigay ng panyo na iyan.”

“Salamat Niko.”

Biglang may bumusina na sasakyan. Lumingon naman ako at si Celine na pala at ang kotse namin ang dumadating.

“Niko, aalis na ako sinusundo na ako ng kapatid ko. Pupunta pa daw kami sa mall.”

“Pwede ko ba kayo sundan sa mall?” Tanong ni Niko sa akin.

“Sige ba. Itext ko na lang kung saan kami pupuntang mall.” Sagot ko kay Niko.

Oh Pare KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon