Chapter 14

190 7 1
                                    

Noong tanghalian, kumakain ako sa canteen kasama si Niko at pinapag-usapan na namin ang plano niya sa party. Nagulat na lang kami na biglang sumulpot si Alex. Mukhang galit na galit.

“Hoy Niko at Kim. Bakit ninyo pinapagtulungan ang girlfriend ko?!” Paratang na sabi ni Alex. “At ikaw Kim bakit mo sinampal siya? Hindi mo naman gawain ang mga iyon ha.”

“Oo ginawa ko nga iyon pero hindi ako ang nauna. Si Jen mo.” Sagot ko kay Alex.

“Ang pag-ibig nga naman, minsan nakakabulag. Pero Alex maghanda ka. Baka isang araw niloloko ka na na naman pala niya.” Sabi ni Niko.

Hinawakan ni Alex ang collar ng polo shirt ni Niko. “Bawiin mo ang sinabi mo Niko dahil wala kang alam sa mga sinasabi mo.” Sagot ni Alex na galit na galit.

“Baka ikaw. Hindi mo alam ang pinapagsabi mo.” Sabi ni Niko at inalis niya ang kamay ni Alex sa collar niya. “Huwag kang maghahamon  ng gulo dahil lang sa babaeng iyon. Sayang lang ang oras kung pag-aawayan natin si Jen mo na dating Jen ko.”

“Anong Jen mo?” Tanong ni Alex.

“Tanungin mo na lang siya. Para sa kanya na ang manggaling katotohanan.”

Biglang umalis na si Alex sa harapan namin. Ibang iba na si Alex. Ang tanging pinapaniwalaan niya ay si Jen. Si Jen na tinatawag niyang girlfriend ngayon. Ang tanging bumilog sa ulo ni Alex.

Ang sama ng pakiramdam ko noong nalaman niya ng girlfriend si Jen. Ang sakit pala marinig sa taong gusto mo na may girlfriend na siya lalo na hindi karapat dapat sa kanya ang babaeng iyon.

“Kim, okay ka lang?” Tanong ni Niko.

Tumango na lang ako sa tanong niya at umupo na lang muli ako sa kinakaupuan ko.

“Hindi ka okay. Kitang kita sa mukha mo na malungkot ka. Dahil ba ito sa sinabi ni Alex?” Sabi ni Niko.

“Siguro oo. Pero bakit ganoon? Dapat akong mainis sa kanya dahil sa inasal niya pero bakit nalulungkot ako.”  Sagot ko kay Niko at unting unting bumabagsak na ang aking luha.

Pinunasan ni Niko ang mga luha ko.“Nasasaktan ka dahil nagmamahal ka. Pero advice ko lang sa iyo na kalimutan mo na siya.”

“Bakit naman?”

“Para hindi ka na masaktan at para makahanap ka ng mamahalin mo.” Sabi ni Niko.

“Hindi ako naghahanap Niko. At hindi naman ako nawawalan ng pag-asa na magiging okay kami.”

“Pero umaasa kang magiging kayo?” Tanong nii Niko.

“Hindi naman ako umaasa na magiging kami. Alam ko naman na hindi niya ako magugustuhan.”

Araw-araw lagi na kaming magkasama ni Niko. Ang gaan ng loob ko sa kanya at nag-eenjoy ako kapag kasama ko siya. nakakalimutan ko ang mga masasakit na nangyari sa akin noong kasama si Alex. Si Niko ang nakapag-realize sa akin na kahit mawala ang isang tao sa buhay mo, may kapalit itong maganda. Siguro si Niko na iyon. Ang bago kong kaibigan.

Lagi niya akong pinapangiti. Minsan nag-jojoke siya at kahit corny ang mga hirit niya napapatawa niya pa din ako. Pinakilala niya din sa akin sila France, Rachelle at Neil. Ang kabarkada ni Niko.Bakit nga ba ngayon ko lang siya naging kaibigan? Eh sobrang bait niya sa lahat at ngayon ko lang napansin ito. At nadadagdan ang kaibigan ko dahil sa kanya.

Siguro dati kaya ko hindi siya napapansin dahil kuntento na ako sa iisang taong kaibigan ko. At iyon si Alex ngayon laging kasama si Jen niya. Nababalitaan ko kay Meg na lagi sila ni Jen pumupunta sa mga bar. Si Alex palaging tulog na lang kapag nagle-lecture ang professor namin.

Vacant namin at nagpasya akong tumambay sa tambayan namin nila Alex at Meg. Nakita ko din si Meg nandoon din.

“Friend, nandito ka din pala.” Sabi ni Meg na ngiting ngiti. “Hindi mo yata kasama si Niko. Bakit? War ba kayo?”

“Hindi naman. Tinawag siya ng Mama niya sa fastfood nila yata kaya hindi ko siya kasama.”

“Mukhang may nililihim ka sa akin Kimmy. Nanliligaw ba siya sa iyo?” Intriga ni Meg.

“Huh? Hindi ah. Magkaibigan lang kami.” Sagot ko. “Hindi ba pwedeng magkaibigan lang kami kahit lagi kaming magkasama?”

“Pwede naman Friend. Pero naisip mo ba na nasa right age ka naman at maganda ka. Pwede ka ng magka-bf.” Sabi ni Meg na parang kilig na kilig. “At napansin ko sa mga nagiging girlfriend ni Niko pinapakilala niya muna sa mga barkada niya.”

“Loka ka talaga Meg. Magkaibigan nga lang talaga kami.”

Pagkatapos ng pagkwekwentuhan namin ay  nagyaya si Meg na bimili ng kape sa Starbucks. Matagal pa naman daw vacant namin.

Noong naghihintay kami ng order namin sa Starbuck, may nanlaki ang mga mata ni Meg.

“Oi Meg. Anong reaksyon mo dyan? An gaga-aga parang may nakita kang multo dyan.” Sabi ko.

“Yumuko ka Friend. Nandito ang babaeng gumugulo sa buhay ni Alex.” Sagot ni Meg. Nilabas niya ang cellphone niya at mukhang may kinukuhanan.

“Si Jen nandito? Bakit mo naman ako pinapayuko?”

Luminga-linga ako. Nakita ko nga si Jen na nasa labas ng Starbucks na may kasamang lalaki. Nakaakbay pa ang lalaki sa kanya at dikit na dikit si Jen sa lalaki.

“Yumuko ka sabi Kimmy at baka makita ka niya.” Sabi ni Meg. “kinukuhanan ko ng picture ang magaling na Jen iyan para mabisto natin siya kay Alex. Para matuloy na ang KimLex love team ko.”

“Ano kinkuhanan mo ng video?  At ano naman ang KimLex na iyan?” Tanong kay Meg habang dinukdok ko ang ulo ko sa lamesa.

“Pwede ka ng umupo ng maayos. Wala na sila.” Sabi ni Meg. “Alam ko naman na gusto mo si Alex. Kaya ka na nga girl uli dahil na-realize mo na gusto mo talaga si Alex.”

Binigay sa akin ang cellphone niya. Nakita ko sa picture na sweet na sweet si Jen sa kasama niyang lalaki. Boyfriend niya siguro ito at niloloko na naman niya si Alex. Sana kapag nakita niya na itong picture na ito maliwanagan na siya.

“Tama ba ang sabi ko na gusto mo si Alex?” Tanong ni Meg.

Binalik ko na ang cellphone niya. “Oo gusto ko siya pero mawawala din naman ito. At iba ang gusto ni Alex.”

“Huwag ka ngang maging tanga. Tara tumayo ka na dyan”

“Saan tayo pupunta?” Tanong ko kay Meg.

“Hahanapin natin si Alex at sasabihin natin na niloloko lang siya ni Jen.” Sabi ni Meg.

Bumalik muli kami ni Meg sa campus at nakita na namin sa room sila Alex at Niko at ibang mga kaklase namin. Nilapitan namin si Alex.

“Alex, tignan mo ito.” Sabi ni Meg binigay ang cellphone niya. “Diba si Jen iyan? Bakit may kasama siyang lalaki at sweet na sweet?”

Tinignan ni Alex ang cellphone mabuti. “Hindi iyan si Jen. Kamukha niya lang. At kung si Jen iyan, ano ngayon kung nakaakbay ang lalaki. Sweet lang talaga si Jen.”

“Alex, buksan mo nga ang mga mata mo. Binubulag ka na ng Jen. Niloloko ka pa dati pa at ngayon may pruweba na kami hindi ka pa rin naniniwala.” Sagot ko kay Alex. “Hindi namin ito gagawin para mapasama ka. Natatandaan mo ba yung muntik akong mabugbog noong high school tayo? Ngayon oras na para bumawi ako. Ngayon hind kita papabayan tulad ng ginawa mo sa akin noon.”

Umiling-iling lang si Alex at umupo sa upuan niya. “Hindi ito magagawa ni Jen. Mahal niya ako.” Sabi ni Alex tumingin siya sa akin. “Ginugulo mo lang ang buhay ko Kim. Hindi mo matanggap sa sarili mo na hindi mo na ako best friend. Gumagawa ka lang ng paraan para masira kami ni Jen.”

Hindi pa rin naniwala si Alex sa mga nakita niya. Bulag na talaga ang best friend sa babaeng iyon. Wala ni siguro kaming magagawa.

“Alex, bukas samahan mo kami ni Kim sa party ni Hannah.” Yaya ni Niko. “Kung hindi ka naniniwala sapicure na iyan, sa party makikita mo ang totoo.”

Nakalimutan ko may usapan kami ni Niko. Ano nga bang mangyayari mamaya? Sana maliwanagan na si Alex at makita niya na ang katotohanan.

Oh Pare KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon