Chapter 1

1.3K 17 2
                                    

♪ Pare ko meron akong problema

Wag mong sabihin na naman

In-lab ako sa isang kolehiyala

Hindi ko maintindihan ♪

Ayan siguro ang theme song namin ng best friend kong si Alex Pare Ko by Eheads. Dahil kapag na-in love yan ay sobrang magmahal.

Lalo na noong huling na  na in love siya. ginawa niya akong girl friend ng kapatid niya para maka-date niya lang ang babaeng gusto niya.

Lahat na yata ng gimik ay nagawa na na namin. Ako naman ay sunod-sunuran lang sa best friend.

Gagawin ko ang lahat para sa Pare ko. Dahil noong kailangan ko hindi niya ako pinabayaan. Kahit na buhay niya pa ang kapalit. Yan ang Pare ko astig.

Ako si Maria Kimberly Ong. Kim for short. Ayokong magpatawag sa totoo kong pangalan dahil sobrang haba. Kaya Kim o Kimmy na lang. Simple lang akong manamit. Jeans at t-shirt lang at nakapusod ang buhok ayos na.

18 years old. Nakatira sa Q.C., Manila. 2nd year collage, Civil Engineering Student sa Mapúa Institute of Technology. Kaya gusto kong dito mag-aral, nandito kasi si Alex, ang  aking bestfriend. Kaya ko din dito gusto mag-aral dahil hindi ko kailangan na magpalda. Kakasawa na kasi ang magpalda simula pa ng kinder hanggang HS. Hindi komportable.  

Ang Mama at Papa ko ay may-ari ng isang clothing line na patok na patok sa buong Pilipinas at lalo na sa mga babae. Soon magbubukas na sila ng branch sa China. Kinukuha nila akong model pero  tumatanggi lang ako. Kaya ang kapatid ko na lang na si Celine Ong ang pinagmo-model ko. Sobrang kikay ng batang iyon, kahit na 15 years old pa lang siya.

Ayos lang ang pamilya ko. Supportive sa amin magkapatid. Dalawa lang kaming magkapatid ni Celine. Tuwing Linggo dapat kompleto kaming lahat. Pinipilit nila Mama at Papa na walang gawin sa araw na iyon kahit sobrang busy nila sa family business namin.

Si Celine lang ang nakakaalam na lesbian ako o tomboy sa aming bahay. Sa labas naman at lalo na sa school madaming nakakaalam. Pero ang hindi nila alam kaya ko lang ito ginagawa dahil kay Alex para hindi malayo sa kanya. Yes babae po ako. Gusto ko lang maging simple at ayokong ligawan ng mga boys. Actually, I hate boys pwera na lang sa Papa ko at kay Alex.

Simpleng t-shirt, jeans, sneakers shoers at bonnet na grey ang mga simisuot ko. Walang makeup at accessories sa buong karawan. Sagabal lang iyon at nakakairita.

“May bago nga pala akong textmate. Si Jen.” Sabi ni Alex habang naglalaro kami ng basketball sa club house dito sa subdivision namin. Nagyaya kasi ang mokong na ito pero hindi ako pinayagan nila Papa kahit weekends. Ang strick naman ng parents ko kaya gumawa na lang si Alex ng paraan at siya na lang ang nagpunta sa bahay.

“Aba. Bago na naman. Taga saan siya?” Sabi habang na-i-shoot ko ang bola.  Ako ang unang nakapuntos. Napakamot na lang ng ulo si Alex dahil hindi siya makapaniwala.

Gwapo tong bestfriend ko, Alex Lim ang totoong pangalan niya. General ang ama niya at mataas ang posisyon niya sa Air Force. Gusto ng ama maging sundalo pero ayaw niya, ang dahilan lang niya ay ayaw niya pang mamatay ng maaga. Kaya simula noon hindi na sila masyadong kinikibo ng kanyang ama.

Laging kinikwento ni Alex si Jen. Wow. In love na naman yata ang Pare ko. Agad-agad! Kakakila niya pa lang sa babae at sa text pa lang. Natalo ko tuloy siya sa basketball. Loser Alex!

Noong napagod na kami maglaro, umuwi na kami ni Alex sa bahay para magmeryenda. Dumiretso kami sa kusina at nakita namin si Celine nagliligpit ng niluto. Nag-bake siya ng cookies. Ang bango naman. Pwera sa kikay stuff heto ang hobby niya ang magluto nakaka-relax daw dahil katatapos lang ng exam niya. Kung ako lang, hindi ako mare-relax sa pagluluto. Mabuti pang kumain na lang, dyan ako mari-relax.

Kukuha sana ako ng cookies pero nahuli ako ni Celine. “Don’t you dare touch my cookies.” Sabi niya at tinanong ko naman bakit hindi pwede. “May pagbigyan ako niyan sa Monday.”

“Friday pa naman ngayon at pwede ka pa naman gumawa uli bukas.”

“Fine. Pwede maghugas muna kayo ng kamay please.” Sabi ni Celine at naka-crossed arms pa siya.

“Eeeww! Ate, ikaw ba ang naamoy ko? Sobrang kadiri at pawis na pawis ka pa.” sabi niya sa akin at hinawakan niya pa ang damit ko na parang diring-diri sa akin.

“Grabe maka-react ang kapatid ko na ito. Oo nga may pawis ako pero wala namang amoy.  ” sabi ko at tinapik ko sa pwit para mawala ang inis ko.

Heto naman si Alex. Kanina pa kain ng kain habang panagtatawanan kami ni Celine.

Pagkatapos namin magtalo ni Celine tinignan ko si Jen sa facebook sa cellphone. Hhhhmm. Maganda siya, mahaba ang buhok at mukhang model ng isang sexy magazine pero ang dami niyang picture na may kasamang lalaki. Ano ito? Grabe naman. Sino ba tong Jen na ito? Thumbs-down siya sa Pare ko. Sana mali ako ng kutob.

Oh Pare KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon