Chapter 9

291 12 2
                                    

Pagkatpos namin maghapun, nag-usap kami ni Celine sa kwarto namin. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari sa akin buong maghapon at naikwento ko din sa kanya na nagtatrabaho si Alex sa fastfood.

“Nakaawa naman si Kuya Alex. Hindi na nga siya nakakapag-aral ngayon tapos hindi pa sila okay ni Papa niya.” Malungkot na sinabi ni Celine.

Habang nag-uusap kami ni Celine nag-text si Alex.

From Pare Ko

Pupunta ako ngayon sa bahay. Sana maayos na ang lahat.

Nag-reply naman ako. Sabi ko: Oo. Maging okay na yan. Good luck Pare.

Hindi ko namamalayan na binabasa pala ni Celine ang text ko kay Alex. “Ate, bakit Pare pa din ang tawag mo kay Kuya Alex? Diba in love ka sa kanya.”

“At bakit mo naman binabasa ang mga text ko? Alam mo ba ang salitang privacy?” Galit kong sinabi.

“Sorry naman Ate. Next time hindi ko na gagawin.” Sabi ni Celine tapos nag-peace sign. “Sagutin mo na ang tanong ko Ate. Bakit Pare pa din ang tawag mo kay Kuya Alex?”

“Best friend ko pa din naman siya. At nakasanayan ng tawagin ko siya ng Pare.”

“Kahit alam na niya ang feeling mo sa kanya?”

Nagipit-balikat na lang ako sa tanong ni Celine. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nalaman ni Alex na mahal ko siya. Iiwasan niya kaya ako o tatanggapin niya ang pagmamahal? Pakiramdam ko ang hirap ng sitwasyon ko. Ang alam ni Alex na tomboy ako at ngayon may lihim akong pagtingin sa kanya. Posible kayang maging kami?

***

Kinabukasan, ginising ako ni Celine at nakita ko sa mukha niya ang pagiging excited at masaya.

“Anong meron sa araw na ito? Mukhang naghahanda ka ng ayusin ang buhok mo.” Kunwari na hindi ko alam na magkikita siya kay Ryan.

“Ate Kim! OMG… This is the day.” Sabi ni Celine.

 “Ay. Oo nga pala ako ang magiging bantay nyo mamaya. Pero lagot ako kila Mama kapag nalaman nila ang date nyo ni Ryan.”

“Ate, oo secret lang natin ito.” Sagot ni Celine habang nakating sa kanyang cabinet. “Gusto mo bang plantyahin ko ang buhok mo mamaya?”

“Huwag na lang. Pony tail na lang okay na ako.” Sagot ko.

“Ayaw mong magpaganda? Diba kasama naman si Kuya Alex.”

Sinabi ko kay Celine na hindi makakasama si Alex dahil may pasok siya. Nagpasama ako kay Meg pero nag-text kagabi na hindi niya ako mamasamahan dahil may pupuntahan siya ng magulang niya.

Celine POV

Nag-text kagabi si Ryan at ang sabi niya na manonood kami ng UAAP Cheer Dance. Naka-excite ang magiging 1st date namin ni Ryan.

Grabe naman. Ilang minuto na lang makaka-date ko na si Ryan. What should I wear? The pink with white dress or that red dress? Sino naman ba ang tutulong sa akin? Ate Kim naman hindi ko maasahan sa mga bagay na to dahil wala siyang hilig mag-dress. Try ko na lang nga magpatulong sa kanya.

“Ate, can you help me to chooce my dress? Pink or red?” Tanong ko Kay Ate Kim habang hawak hawak ang dalawang dress.

“Dress? Hindi ba nagtext sa iyo si Ryan? Manonood tayo UAAP Cheer dance. Kaya simple lang susuotin  mo.” Sabi ni Ate Kim.

“Hindi nya nabanggit.  I will wear yellow blouse na lang.”

1:46pm

Dumating na si Ryan para sunduin kami ni Ate Kim. Hindi nya ako kinibo at si Ate ang inalalayan nya papasok ng kotse. Medyo naiiniis na ako.

Oh Pare KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon