Chapter 4

330 12 2
                                    

POV of Alex

Sa totoo lang nagpunta ako sa date nila ni Ryan. Nagtatago lang ako sa likod ng restaurant. Ang ganda ng Pare ko sa black dress niya. Dalaga ah.

Hindi ako nagpakita kay Kim dahil gusto kong maranasan niyang makipag-date na wala ako. Hindi ko siya iniwan buong gabi.

Alam kong may phobia ka sa mga dates. At galit ka sa mga boys, pwera na lang sa akin at kay Papa mo siyempre.

May dapat dapat kasi ka-date si Kim way back high school pero hindi natuloy dahil pinasok pala siya isang fraternity. Na-set up siya. Buti na lang, sumunod ako sa lugar at muntik na siyang mabugbog.

Kaya ganoon na lang siya katiwala siya sa akin at sabi niya pa nga dati ako ang hero niya.  Simula noon lagi ko na siyang kasama at naging astig na  siya. Hindi na siya kilos babae at hindi na siya mahinhin.

Gusto ko lang maranasan mo makipag-date at bumalik ang pagtitiwala mo sa ibang lalaki. Hindi naman lahat ng lalaki ay tulad ng nakilala mo noon.

Maganda naman talaga si Kim. Matalino pa at chinita. Sa katunayan naging crush ko siya at madami akong kilalang lalaki na nagkaka-crush sa kanya.

Biglang naalaala ko ang nangyari kay Kim dati.

“Alex, mamaya may date kami ni Ben.” Sabi ni Kim na sobrang excited.

“Oh. Tuloy na pala ang date ninyo? Kailangan mo ng kasama?”

Hindi si Kim nagpasama pero sinundan ko pa din siya ng palihim.

Pumunta siya sa isang building na inabaduna. Nakita ko si Ben na nasa sa loob at may kasamang 1 na lalaki at 2 girls na may hawak-hawak na pamalo. Yung iba may hawak na baseball bat.

“Ano ito?” Sabi ni Kim na gulat na gulat.

“Sorry Kim. Kailangan ko itong gawin para mapasok na sa kanilang fraternity.” Sabi ni Ben.

“Ben is right.” Sabi ng isang babae. “At kailangan ka namin para mawala ka na sa mundo.”

“Bakit? Anong nagawa ko sa inyo?” Tanong ni Kim at sinipa siya ng isang babae. Napaupo si Kim sa sahig.

“Wala ka naman ginawa. Inagaw mo lang naman ang future boyfriends namin.” sagot ng babaeng sumipa sa kanya.

“Ano? Wala akong inaagawa sa inyo.” Sabi ni Kim habang tumutulo na ang kanyang luha.

Biglang sinabunutan ng isang babae si Kim. “Wala kang ginagawa?! Lahat ng dini-date namin nilalapitan mo. Inaagaw mo siya sa amin.”

“Tama na ang satsat. Bugbugin na natin ito.” Sabi ng lalaking may hawak ng baseball bat. “Ben, ikaw ang mauna. Heto ang baseball bat mo.”

Hahampasin ni Ben si Kim pero hindi ako pumayag. Nagpakita na ako sa kanila at prinotekhan si Kim sa pagpapalo sa akin ng baseball bat. Sinangga ko ang pagpapapalo para hindi masaktan si Kim.

Sa huli ay ako nagulpi ng todo, ako ang dinala sa hospital pero hindi ko sinisi ang lahat kay Kim ang nangyari. Mas sisisihin ang sarili ko kung may nangyararing masama Kim. Si Kim na aking best friend.

End of POV

“Kim, may sasabihin ako sa iyo.” Sabi ni Ryan.

Mukhang kabado si Ryan. Ano kaya ang sasabihin niya sa akin? Kapag sasabihin niyang may gusto siya sa akin, mauupakan ko siya. Sino ang niloloko niya?! Dalawang araw niya pa lang ako kakilala, tapos may gusto na siya. Agad-agad!

“Ano yun?”

Biglang hinawakan niya ang kamay ko. Bigla naman akong kinabahan.

“I like your sister. Na-love at first sight ako sa kanya.” Sagot niya.

Wow. Gusto niya ang kapatid ko. Ang haba ng hair.

Okay lang naman sa akin iyon dahil mukhang mabait naman si Ryan. Pinapa-aalam niya nga na gusto niyang ilabas si Celine pero hindi ako pumayag na silang dalawa lang ang magkasama. Kasama din ako kahit may allergy ako sa date.

Ginagawa nila akong tulay. At pumayag naman ako. Ang papaalam namin kasi magulang namin ako ang ka-date niya at hindi si Celine. Bata pa kasi ang kapatid ko.

Hinatid ako sa bahay ni Ryan. Pagkadating ko sa bahay, walang tao na sa sala. Siguro natutulog na sila Mama at Papa. Kaya dumeretso na ako sa kwarto namin.

Sumambulat sa akin si Celine at tiyak ako na kanina pa niya ako hinihintay.

“Ate, what happened? Kwentuhan mo naman ako.” Pambungad sa akin ni Celine.

“Wala naman.” Sabi ko sabay ngiti.

“Ate… alam ko yung ibig sabihin yung ngiti na yan. May tinatago ka. Feeling ko may nangyaring maganda. Please tell me.”

“Sige na nga.” Napakamot ako ng ulo. “May gusto siya---“ Hindi ko natuloy ang pagsasalita ko.

“OMG! He likes you?” Irit ni Celine.

‘Ano ka ba? Nakakabingi ka naman. Hindi pa nga ako tapos sa sinasabi ko.”

“Sorry Ate. Ituloy mo na ang kwento mo.”

“Ayun nga. May gusto siya sa iyo Celine.” Sagot ko.

Napaisip si Celine ilang seconds. Parang PC na nag-hang. Nag-imagine na yata. Parang nasa kabilang mundo. Ngiting ngiti na parang anghel ang kapatid ko. Natatawa lang ako habang pinagmamasdan siya.

After 1 minute, nahimasmasan na si Celine galing sa ibang mundo.

“Ate, I really can’t believe it. He likes me. As in.” Sabi ng inglisera kong kapatid.

“Di huwag kang maniwala. Basta ayun ang sabi niya sa akin.”

Buti na lang walang gusto sa akin. Babantayan ko  na lang sila ni Celine next week. Ano kaya ang nangyari kay Alex? Kapag nakita ko siya bukas sa school, lagot siya sa akin.

Oh Pare KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon