Chapter 16

240 8 1
                                    

Noong dumating kami sa bahay ay pinakilala ko si Niko kila Mama at Papa. Kitang-kita sa kanila ang pagkatuwa noong pinakilala ko si Niko. First time ko kasi magpakilala sa bahay ng lalaki. Ang lagi lang nila kasi nakikita ay kasama ko si Alex.

“Ma’am, Sir, ipapagpaalam ko po sana si Kim bukas. May pupuntahan po kaming party ng kaibigan ko.” Sabi ni Niko sa mga magulang ko.

“Sige. Basta ibabalik mo lang si Kim ng kumpleto at iuwi mo siya ng maaga.” Sagot ni Papa.

“Opo. Promise ko po iyan. Ibabalik ko po si Kim kumpleto at ihahatid ko siya ng maaga.” Sagot ni Niko. “Paano po? Aalis na po ako. Hinahanap na din po ako ni Mama sa bahay. Bukas na lang po uli.”

Hinatid ko sa labas ng bahay si Niko  at umalis na siya.

Noong pumasok na ako inaya na ako nila Mama kumain.

“Anak, boyfriend mo na ba si Niko?” Tanong ni Papa. “Hindi namin alam na nagpapaligaw ka.”

“Pa, hindi ko po siya boyfriend. Wala pa po akong boyfriend.” Sagot ko kay Papa.

“Nanliligaw ba siya?” Tanong naman ni Mama. “Mukhang mabait siya. Nasa tama ka namang edad.”

Hindi ako makasagot. Hindi ako sanay pagtatanong nila tungkol sa love. Dati naman walang ganito. Dati naman tinatanong nila ako kung kumusta na ang pag-aaral ko, kung kumusta na si Alex at kung kung kumusta na ang pagba-basketball ko. Kakaiba ang feeling ngayon.

“Gusto po ni Kuya Niko si Ate pero ayaw niyang magpaligaw.” Sabat ni Celine. “Opo mukhang mabait si Kuya Niko dahil noong may problema si Ate nandoon si Kuya Niko para sa kanya.”

“Celine!” Sigaw ko tapos inirapan ko siya.

“Anong problem mo?” Sabay na tanong nila Mama at Papa.

“Okay na po iyon. Nagkatampuhan lang po kami ni Alex.”

“Anong nangyari? Bakit kayo nagkatampuhan ni Alex?” Tanong ni Mama.

“Dahil po sa isang babae kaya kami nagkatampuhan. Playgirl po kasi yung babae tapos po ngayon girlfriend niya na.” Sagot ko naman. “Kaya nga po ako sasama kay Niko bukas para malaman na niya ang totoo.”

Natapos ang buong hapunan namin na ako ang topic. Hindi talaga ako sanay.

Kinabukasan, ginising ako ni Celine at inaaya akong magpa-facial at magpa-trim ng buhok  pero hindi ako pumayag. Tinatamad ako at kinakabahan ako sa mangyayari mamaya. Bakit ganito ba ang nararamdaman ko? Sobrang kabado.

Nagpunta ako sa CR at tinawagan ko si Niko. Ayaw ko kasi marinig ni Celine ang pag-uusapan namin.

“Hello Niko. Good morning.” Sabi ko noong pagkasagot ni Niko ng cell phone.

“Hello Kim. Good morning. Bakit ka napatawag?”

“Kinakabahan ako. Pwede bang kayo na lang ni Alex ang pumunta sa party?” sagot ko kay Niko habang palakad-lakad sa loob ng CR.

“Hindi pwede. Kailangan ka ni Alex kapag nalaman niyang niloloko siya ni Jen. Pupunta din ang lalaking kasama ni Jen sa picture. Malamang sweet na sweet sila sa mamaya dahil alam niya wala si Alex.”

Napagdesisyon na ako na sasama ako kahit kinakabahan ako.

6pm na. Naligo na ako at by 7pm daw susunduin ako ni Niko sa bahay.

Si Celine ang bahala sa lahat. Sa susuotin ko, sa buhok ko at sa gagamitin kong accessories.

Pagkatapos kong maligo lumabas ako ng naka-bathrobe. Nakita ko ang sky blue na top at white na skirt, white stilettos at makeup na gagamitin sa akin ni Celine.

Oh Pare KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon