Chapter 10

448 12 1
                                    

Kathryn's P.O.V.

"Guys! Malapit na graduation ah. Ano balak nyo pagkatapos?" tama si Clairee. 1 week nalang ang natitirang araw tapos uwaaaaaa. Ganap na kaming mga adults!

"Sabi ni Mama magbabakasyon daw muna kami ng 2 months sa France tapos babalik na kami dito sa Pinas para ihandle ko naman yung bagong branch ng clothing line ni Mama." Buti pa sia Andria may sure na trabaho na sya.

"Ikaw Brittanie?" napatingin naman kami sa kanya na busy sa pagkain ng pizza.

Nandito kasi kami ngayon sa Shakeys. Icecelebrate daw namin sila Clairee at Quen. At nako ang babae naman tuwang-tuwa.

"Kath, akala ko ba magpapasama ka kay Daniel?" sabi ni Brittanie. Hala oo nga pala!

Bibili nga pala ako ng graduation gift sa kanila.

"Ay. Mamaya na lang siguro pagkatapos nating kumain." nakangiting sabi ko sa kanya.

"So pano ka napasagot ng asungot na yun?" natawa naman ako sa tinawag ni Daniel kay Quen.

"Asungot ka dyan! Ano kasi... Eeeeeeeeh!" Aba't kinilig ang loka. Haha!

Hinampas naman sya ni Andria pero kinikilig parin ang loka. Mukha na syang kamatis sa lagay nya. Hahaha.

Pagkatapos ng pagwawala ni Claire—pero buti hindi sya pinagtinginan—ay bumalik na sya sa pagkatao nya.

"Ehem! Hmm. Ikaw naman Kathryn Chandria Manuel Bernardo!" napatigil naman ako nung sinabi nya yung buong pangalan ko.

Kahit ang lamig-lamig dito sa mall ay bigla akong pinagpawisan.

Alam ko na ang ibig sabihin nya.

"Ha? Eh? Ano yun?" nauutal kong tanong.

"Nako Kath! Luma na yan! So..."

"Kamusta na kayo ni Daniel?" inunahan na sya ni Andria na magtanong.

"Ha? Ano ayos lang naman." tiningnan ko si Daniel pero busy sya sa pagkain.

WALA BA AKONG MATATANGGAP NA SUPORTA DANIEEL? T-T

"Ayos lang ha? Eh..." matapos ay ngumiti silang tatlo ng nakakaloko.

Oh god. Im cornered.

Ayoko munang sabihin sa kanila yung napagdesisyunan ko. Its not the right time. Baka mabilisan sila sa mga desisyo  ko.

Sa pag-papanic ko ay bigla kong nahila si Daniel at napatakbo sa kung saan.

"Kaaaaathryn!" narinig kong sigaw nung tatlo pero hindi ko na sila nilingon. Lagot ako nito mamaya.

"Oy Kath! Bat bigla-bigla ka nalang nanghihila? Sarap ng kain ko dun eh!" nag-pout naman sya bigla. Eek! Ang cute nya! Oh stop it Kath!

"Eh kasi... basta!" binitawan ko na yung kamay nya at saktong nasa harap kami ng Forever21.

Nakita ko naman syang nag-smirk. "Alam ko na. Gusto mo siguro kong masolo 'no Kath?" sinusundot-sundot nya yung tagiliran ko kaya napalo ko yung braso nya.

Ohmy. Ang tigas. I've never seen him in sando. May biceps kaya sya? Ano kaya itsura? Katulad kaya ng kila Edward Cullen?

Kath! Tigilan mo yan.

Ay grabe na to. Kinakausap ko na sarili ko.

Nagbuntong hininga ako at hinila si Daniel papasok ng Forever21.

"Good Morning Ma'am, Sir." nginitian ko naman yung babae.

Tiningnan ko yung mga stilletoes. Im sure the girls will love it.

Mr. Casanova Kidnapped Me-KathNielTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang