Chapter 22

169 7 0
                                    

Kathryn's P.O.V.

Pagkadating namin sa ospital ay isinakay agad si Sam sa stretcher at dinala sa ER.

"Doc! Doc! Gawin nyo po ang lahat! Please lang!" umiiyak na pagmamaka-awa ko sa doktor at nurse na kasama habang itinatakbo si Sam sa ER.

"Miss hanggang dito na lang po kayo. Bawal pong pumasok sa loob ng ER." Sabi nung isang nurse at pumasok na sya sa loob.

Susundan ko sana yung nurse pero biglang may humawak sa braso ko sabay yakap sa akin.

Amoy palang nya alam ko nang sya 'to.

"Daniel..."

"Shh. Magiging okay lang si Sam," hinahaplos nya ang buhok ko sabay halik sa aking buhok.

Umupo kami. Hindi parin ako binibitawan ni Daniel. Nakayakap parin sya sakin at ganun din ako.

Parang kanina lang ang saya-saya namin ni Sam tapos heto kami ngayon naghihintay sa labas ng ER. Grabe talaga ang pagkakataon.

Nang mahimasmasan ako ay kumalas ako sa yakap at sumandal. Ang bilis parin ng tibok ng puso ko. Jusko. Sana maging maayos lang si Sam.

Nakatingin lang ako sa kawalan. May mga tumutulo parin luha sa pisngi ko pero mangilan-ngilan nalang. Kaysa kanina na tuloy-tuloy lang ang buhos ng mga luha ko.

"Kath, tatawagan ko sila Andria ah?" Sabi ni Daniel at tinanguan ko lang sya.

Napatingin ako sa cellphone ni Sam na ngayon ay hawak-hawak ko pa rin pala.
In-on ko ito ay may password. Una kong naisip na ilagay ay yung favorite nyang pagkain. Kimchi.

At tama nga ako. Hindi parin nya pinapalitan ang password nya.
And all along, mahal nya parin ako?

Pinuntahan ko ang contacs nya at hinanap ang number ng nanay ni Sam. Itinext ko ang nangyari at pinatay na ang cellphone.

Mabilis lang lumipas ang oras at saktong pagkadating nila Andria ay dumating narin ang nanay ni Sam.

"Kathryn?!" Nag-aalalang sabi ni Tita. Tumayo ako at yumakap sa kanya.

"Si Sam po..." Mahina kong sabi at tiningnan ko sila Andria. Kausap nila si Daniel.

Umupo kami ni Tita at pinapatahan ko sya. Kung iyak ako ng iyak kanina mas lalong iyak na iyak si Tita.

"Kathryn, salamat. Salamat at kasama ka ni Sam." Halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi ni Tita.

"M-may sakit po ba si Sam?" Tanong ko.

Pero dapat pala hindi ko na tinanong. Ang sakit ng naging sagot ni Tita.

Tiningnan muna ako ni Tita bago sya sumagot. "May sakit sa puso si Sam."

May sakit sa puso si Sam.

Sakit? Sa puso?

Para akong nabingi sa narinig. Sumandal muli ako at napatingin na naman sa kawalan.

Bakit si Sam pa? Masakit. Masakit isipin na yung taong minahal mo ng lubos dati ay... ay may tsansang mawala ng maaga. Bakit sya pa?

Pumikit lang ako at umiyak na naman. Bakit nga ba tayong mga tao ay hindi nauubusan ng luha? Na kahit ayaw mo nang lumuha dadating pa rin yung point na iiyak ka parin. Lintek talaga.

Naramdaman kong may yumakap sakin pero hindi parin ako dumidilat.
"Tahan na. Nandito lang ako, Kathryn."

"Daniel..." Nakapikit kong bulong at niyakap rin sya.

Halos dalawang oras na ang lumilipas at wala paring lumalabas sa Emergency Room.

Nakaakbay sakin ngayon si Daniel at ako naman ay nakasandal sa balikat nya. Ang hapdi na nang mata ko dahil sa kakaiyak.

Mr. Casanova Kidnapped Me-KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon