Chapter 25

163 7 0
                                    

Kathryn's P.O.V.

"Guys! Sayaw tayooo!" sigaw ni Andria at tumayo. Hinila nito si Kevin at nag-pahila naman ang lalaki.

"Tara, Kath?" hinila ako ni Clairee pero hindi ako nag-pahila.
"Kayo na lang," sabi ko at ngumuso naman sya.
"KJ mo!" nakangusong sabi nito at si Britt na lang ang hinila.
Nahila nya si Britt dahil medyo lasing na rin ang babae.

Sumunod naman sa kanila sila Quen at Tom. Si Calvin at yung kanyang kasama ay nanatiling nakaupo din.

"Pre! Bat di kayo shuumamaa?" tiningnan ko si Daniel na naka-akbay sakin. Lasing na 'to. Naka-sampung shot na ata 'to e ako mga nasa lima palang. Kaya medyo nasa katinuan pa ako.

"Di na-" naputol ang pagsasalita ni Calvin ng bigla syang halikan sa pisngi nung babae at hinila papuntang dance floor.

"Viiiin. Tara duuuun.." hindi lang din pala si Clairee ang lasing na. Pati rin pala 'tong kasama ni Calvin. Buti pa ako. Good Girl!

Walang nagawa si Calvin kundi mag-pahila na lang. Sinundan ko sila ng tingin at pumunta sila sa pwesto kung nasaan sila Andria na todo bigay kung makasayaw.

Mag-kakaharap syempre ang mag-papartner. Yung apat na babae at todo giling. Yung mga lalake naman wala na lasing na sila kaya kung ano-anong mga moves ang ginagawa. Grabe talaga ang nagagawa ng alak!

Nakitang ko tatlong sunod na shot ang ininom ni Daniel.
Napatingin ako sa kanya at medyo napangsinghap ako ng malaman kong nakatitig pala sya sakin.

"Daniel?" biglang lumapit ang mukha nya sa mukha ko at tuluyan akong hinalikan.

Bigla bumilis ang tibok ng puso ko. Nakadilat lang ako at sya lang ang gumagalaw. Maya-maya pa ay hindi ko namalayan na gumagalaw na rin pala ang labi ko. Lasa syang alak. Ang tamis na mapakla na masarap. Sobrang sarap.

Hindi ko alam kung dahil ba sa alak o dahil sa masarap ay bigla ko nalang nailagay ang magkabilang kamay ko sa batok nya at mas lalo pa syang nilapit sa akin.

Tuluyan na akong napapikit at nalasing sa ginagawa namin. Wala akong pakielam kung makita man nila. Basta ang alam ko ay ginagawa ko 'to kasama ang mahal ko.

Naramdaman kong inilagay nya ang kamay nya sa beyweng ko at binuhat para ipatong sa kanyang hita.

"Kathryn..." ungol nya sa pagitan ng paghahalikan namin.

Sya ang naunang kumawala. Nagtitigan lang kami dun. Yung titig nyang nakakatunaw. Para bang kinikilatis nya ang buong kaluluwa at pagkatao ko sa pagtitig lang sa mga mata ko.

Kumikinang ang kanyang mga mata hindi lang dahil sa pakislap-kislap na mga ilaw dito kundi na rin dahil sa lasing na sya.

Nagulat ako ng bigla syang ngumisi. Binuhat nya ako at lumakad sya papuntang dance floor. Ibinaba nya lang ako nang nasa dance na kami.

"Daniel?" gumapang ang sa bewang ko ang kanyang kamay at nagsimula syang gumalaw.

Kumunot ang noo ko sa ginawa nya na sya namang ikinatawa nito.
"Shayang tugtog oh.. Tingnaaan mo shila Adriaa," nakangiting sabi nito.

Tumingin naman ako sa direksyon nila Andria at todo bigay nga sila. Pati rin yung mga katabi namin ay napansin kong medyo wild na rin.

Napabuntong-hininga ako. Diba sabi ko ako ang mangseseduce? Pero bakit ako ang naseduce nitong lalakeng nasa harap ko?

Ngumisi ako at nagsimulang gumiling. Nakatingin lang ako sa kanya habang dinadama ng katawan ko ang tugtog. Kumorte naman sa labi nya ang isang mapaglarong ngisi.

Mr. Casanova Kidnapped Me-KathNielUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum