Chapter 28 (Part 1)

119 4 0
                                    

Kathryn's P.O.V.

"San mo ko dadalhin?!" sigaw ko sa kanya.

Habang pabilis ng pabilis ang pagpapatakbo nya ng kotse ay pabilis din ng pabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nagkakagulo ang utak ko sa nangyari. Nanginginig ang ang mga kamay ko. Sino ba ang babaeng 'to? Sya nga ba yung ex ni Sam?

Napatingin ako sa kamay ko ng may maramdamang may hawak pala ako.
Yung cellphone ko! Tama! Tatawagan ko sila Daniel.
Nanginginig na dinial ko ang number ni Daniel. Itinapat ko sa tenga ang ang cellphone ko.
Tiningnan ko yung babaeng nangidnap sakin at biglang may sumagot sa kabilang linya.

"Hello?" si Daniel!

Biglang nabuhayan ang puso ko nang marinig ko ang boses nya.

"Daniel! Daniel! Tulong-" biglang may humablot sa cellphone ko at may pumasok na lalake sa loob ng kotse. Tinakpan nito ang bibig ko nang isang panyo.

"Hmmpp! Hmppppfshmp!" unting-unting bumigat ang paghinga ko at may kung anong kemikal yata yung panyo dahil nalanghap ko ito ay bigla na lang nanlabo ang paningin ko at tuluyan na akong nakatulog.

Pero ang huling sinabi nung babae bago ako matulog ay lalong nagpatakot sa akin.

"Enjoy hell, bitch."

----

Napadilat ako bigla nang biglang may bumuhos sakin ng tubig. Bumigat ang paghinga ko dahil sa biglaang paggising.

"Hoy gising!" tiningnan ko yung babae. Sisigawan ko sana sya pero nakabusal pala ako at nakatali sa isang mahabang upuan. Nakahiga ako at nakatali doon. Ang higpit-higpit ng mga tali. Patunay na yun na ayaw talaga akong patakasin ng walanghiyang babaeng 'to! Gustong-gusto kong malaman ang pangalan nya para maipapatay ko sya sa kung kanino man. Walang hiya sya!

Sinamaan ko lang sya ng tingin dahil hindi ako makapag-salita. Gumalaw-galaw ako, nagbabakasakaling matanggal yung pagkaka-tali sakin. Pero wala pa ring nangyari.

"Struggling is hopeless!" sigaw nito at lumakad papalapit sa akin.
Tumayo sya sa may paanan ko. "By the way, I'm Liza Pascual. Yung babaeng inagawan mo." sabi nito at ngumisi.

Yung ngising yon. Ang sarap tanggalin sa mukha nya. Nakakainis.

May hawak syang baso at doon sya ay uminom. Nag-lakad sya paikot sa pwesto ko.
"Kamusta tulog mo? Ay hindi ka nga pala natulog. Pinatulog nga pala kita. Haha!" sabi nya at tumawa ng parang demonyita.

Ang sarap nyang sapakin. Anong inagawan ko sya? Hindi ko sya inagawan at wala akong balak agawin kung ano man ang meron sya dahil kay Daniel ay kuntentong-kuntento na ako.

Uminom sya sa baso at ngumiti sakin. Yung ngiting nang-iinis. Bwisit! Pag ako nakawal dito tingnan lang natin kung anong mangyari sa kanya.

"Gutom ka na ba?" naaawang tanong nito.

Hindi ako sumagot o umiling o tumango man lang. Nanatiling seryoso ang mukha ko.
Tumawa sya at binuhos sa mukha ko yung hawak nyang baso na may yelo. Napasinghat nalang ako nang gawin nya yun. Ang sama nya!

"Enjoy the cold!" sabi nito at tumawa habang lumalabas ng kwartong kinalalagyan ko.

Mas lalong lumamig ang pakiramdam ko dahil dalawang beses nya akong binuhusan ng tubig. At yung isa pa ay may yelong kasama. Ano yun? Involuntary na Ice Bucket Challenge?
Hindi ko inindan ang lamig na nararamdaman ko. Mas nangingibabaw ang takot para sa sarili ko, ang kaba sa puwedeng mangyari sa akin, at ang pag-aalala ko kila Daniel. Siguradong pinag-hahanap na nako ng mga yun. Mas lalo silang mag-aalala dahil pangalawang beses na itong nangyari na nakidnap ako.

Ano ba meron sakin? Bakit palagi na lang akong nakikidnap? Nasan ang hustisya?!

Ginala ko ang aking paningin. May nag-iisang ilaw na nagbibigay liwanag sa madilim na kwartong kinalalagyan ko kaya hindi ko masyadong maaninag ang buong kwarto. May isang maliit at nasa taas na bintana sa kaliwa ko. At sa kanan na bahagi naman ay naroon ang pinto. Walang ibang naroon kundi ay ako, isang upuan at lamesa.

Matapos kong igala ang tingin ko ay bigla na lang ako nanghinayang at pinanghinaan ng loob. Mahahanap kaya nila ako? Sana mahanap nila ako. Pero parang malabo na. Pero... ahh! Wag kang panghinaan ng loob, Kathyrn! Mahahanap ka nila. Si Daniel pa.

====

Woooh! Rak n roll to the world! Hahaha. Dahil mahal ko kayo, pinublish ko na yung draft ko. Nung bakasyon pa talaga 'to e. Haha. Sorry guyyys! Sobrang ikli nito kasi nga di ako makapagtype kasi sunod-sunod gawain sa school. Babawi ako sa sembreak! HAHA :)

-Maria


Mr. Casanova Kidnapped Me-KathNielWhere stories live. Discover now